Sep 14, 2009

Hey Mate!

Umamin na tayo. Ang gwapo ko, di ba?

Totoo yun. Meron pa tayong dapat pang aminin. Tumangkilik na tayo ng pirated/downloaded music, videos or games some part of our life. Iba nga sa atin, malamang ito lang ang paraan para makapanood ng movies or makapakinig ng music.

Bakit nga ba bumibili or nagda-download sa internet ng pirated media?

  • Hindi ito original — obvious ba?
  • Masarap ang bawal
  • Mura, tipid at swak sa budget
  • Dito lang nabibili o nakikita ang mga hard-to-find media, gaya ng pelikulang Let The Right One In
  • Hindi delayed ng sobra — parang yung Up. Nasa DVD/Blu-ray na ito ng August sa US pero sa atin sa sinehan pa lang.
  • Nauuna pa sa mga sinehan
  • Pwedeng piliin ang kantang gusto at hindi na kailangan na buong album pa
  • Para kahit pangit ang pelikula hindi pagsisisihan
  • Pwede na ring pagtiyagaan kung maganda naman ang kopya at may magandang sound system naman
  • Isang beses lang naman papanoorin
  • Hindi na degraded ang quality ng mga kopya unlike noong magnetic film days na bawat kopya pumapangit
  • Hindi lahat ng asianovelas or TV series sa US pinapalabas dito
  • Sa pirated/download lang ang access ng porn sa ‘Pinas
  • Malibog tayong tao at kailangan natin ng maraming porn titles
  • Dakilang fan at umaasang sa mga raid sa mga tindahan ng pirated makikita si Edu Manzano ng malapitan

Pero, bakit naman hindi bumibili or nagda-download ng pirated media? 

  • Hindi ito original — obvious ba?
  • Bawal ito
  • Mura nga, pero kadalasan naiisahan ng mga tindera lalo kung hindi pa sa suki
  • Maarte at gusto lahat ng bagay original
  • Sa pelikula, kapag wrong timing, madalas na kopya galing sa sine na may mga shadow ng mga kakaibang nilalang ang biglang susulpot sa screen at magtatawanan bigla sa background.
  • Sa tagal ng pagkahintay-hintay sa pag-download later on lang na ma-re-realize na sinecopy pala ito
  • Computer virus pala ang na-download
  • Hindi ito nagpe-play dahil may lahing maharlika ang player
  • Tumatalon-talon ang mga eksena kahit hindi naman binudburan ng asin ang disc
  • Pumutok na ang dapat pumutok at sumabog na ang dapat sumabog pero ang pagsambit ng “Ahhh!” ay sobrang huli na
  • Kamukha lang ng mga showbiz personalities ang mga nasa scandals
  • Mas nakakatawa pa ang mga subtitles kaysa sa mismong palabas
  • Ibang artista sa cover at laman ng porn
  • Hindi na masosoli ang binili dahil ang pinagbilhan lumipat na ng stall
  • Mas malamang na mahuli ng OMB dahil hindi naman sa lahat ng raid kasama si Edu

So ano, aamin ka na ba…

 

 

Na nag-uumapaw ang aking katakam-takam at kapagnasa-nasaang kagwapuhan?

Be the first to like.

2 Comments

  • may recession, ano ba! lol

    Reply

    billycoy Reply:

    Ah, yun din!

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines