Oct 4, 2009

Be Prepared…

Bago ang lahat, salamat sa mga nag-nominate sa akin sa 2009 Philippine Blog Awards. Bagamat sinawingpalad na maging finalist sa Main Categories, pasok pa rin naman ang aking walang kakwenta-kwentang blog sa Bloggers’ Choice Award. Kung sa palagay niyo kaya kong pataobin ang ibang contenders, gumawa na kayo ng post at iboto ang blog ko.

At kapag nanalo ako, magpapa-gang rape ako sa lahat ng bumoto sa akin… or maybe not. Mag-e-eggroll na lang siguro ako para sa inyo.

———————–

Nakakapanggilalas ang mga pangyayari last week. Pati nga bahay namin pinasok rin ng nakakapandiring tubig baha. Grabe ang pinsalang idinulot ni Ondoy sa Metro Manila kaya naman ang taas ng anxiety level sa nakaambang panganib ng basang Pepeng malaki. Sino ba namang hindi matatakot? Hindi pa kaya humuhupa ang baha sa maraming lugar at mataas pa rin ang level ng tubig sa Manila Bay at Laguna de Bay. Mabuti na nga lang at hindi masyadong nagkatas ang Pepeng yan sa Metro Manila. Though marami pa rin siyang nagawang pinsala sa Northern Luzon dahil sa lakas ng hangin ng Pepeng yan.

Another shot ng pinsan ko sa aming lugar sa kasagsagan ni Ondoy

Ano ba ang dapat gawin kapag may bagyo?

  • Sundin si Binoy. Gaya ng sabi niya sa kanyang TV ad “Wag kang aayaw, think pasitib!” Kaya kahit hanggang Mt. Everest na ang baha hangga’t buhay ka pa, ipaglaban mo.
  • Maging boyscout. Maging parating handa at resourceful. Kung ipis at bulate na lang ang natitirang source ng pagkain pagtiyagaan na ito. Mataas naman ang protein nila. Maliban na lang kung kayang makipagbuno sa ligaw na buwaya at magagawang talupan ang balat nito para makain ang laman.
  • Ipatanggal ang implants. Lumulubog ang implants sa tubig kaya better na ipatanggal na ito maliban na lang siguro kung gawa sa hangin ang implants.
  • Jumebs na hangga’t pwede pang gamitin ang banyo. Hindi na ito magagamit once na lumabas na ang mahiwagang halimaw sa inyong mga inidoro.
  • Unahin ang buhay bago ang online life. Isantabi muna ang twitter, plurk at facebook at unahing ilagay sa safe place ang mahahalagang gamit (e.g. porn magz, computer na may lamang porn, sexmate, etc.)
  • Makinig sa AM station. Walang magagawa ang kantang Nobody at Nagmahal Ako ng Bakla sa panahon ng trahedya.
  • Iboto ang aking blog sa Bloggers’ Choice Award sa PBA 2009. Makakatulong yan ng sobra-sobra.
  • Makipag-sex sa partner/s kapag nakaamba na ang panganib. Dahil matatagalan na ulit bago makaranas nyan pagkatapos ng delubyo. Mahirap gawin yan kapag sa panahon ng paglilinis, sa evacuation center o sa bubungan ng bahay.
  • Itigil ang forwarded texts. Walang silbi ang LuV QuOteS at tXtJoKeS sa tXtm8 n nLuLuNoD.
  • Huwag umasa sa gobyerno. As always, wala kang maaasahan dito.
  • Mag-pichur pichur. Minsan lang mangyari ito kaya mahalaga na i-share ito online afterwards.
  • Itigil ang videoke. Lalo na kung alam mo namang sintunado ka. Kaya lalong lumalakas ang bagyo dahil sa mga taong sintunado.

Sana ay magsilbing aral sa ating lahat ito. Tandaan din natin, ang mga politiko lang ang nasusuhulan at hindi ang bagyo.

Ngayon, iniisip ko kung ise-save ko ba ang virginity ko para gawin akong alay para matigil na ang mga trahedya o magpapa-devirginate na ako?

4 people like this post.

21 Comments

  • Walang aayaw, think pastib! LOL So magpapa-gang rape ka talaga pag nanalo ka sa PBA? Sige tatawagin ko na mga amiga ni madam auring na iboto ka manong lulz

    Reply

    Billycoy Reply:

    @Micamyx – Ay wag naman mga matrona. Kung mga matrona ang tatawagin mo, kailangan magbayad sila. LMAO

    Reply

  • hahaha… natawa ako sa mga dapat gawin pag may bagyo, pag lindol ba ganun pa rin ang gagawin?hehe

    Reply

    Billycoy Reply:

    pwede rin. lalo na kung makikipagsex, para may excitement. basta ba siguradong matibay ang bahay.

    Reply

  • hey grats for being a finalist for blogger’s choice award :)

    Reply

    Billycoy Reply:

    Thank you. Vote me ha. :P

    Reply

  • wasak na wasak talaga si ondoy. pati bahay namin, ginangrape amf.
    kaya kung sakaling manalo ka, ihanda mo na ang iyong puri. lol.

    congrats sa iyong nomination, sana manalo tayong lahat, hekhek.

    manik makina

    Reply

    Billycoy Reply:

    naku, mukhang magagaya din ako sa bahay niyo kapag nanalo ako. yikes!!! parang gusto ko tuloy umatras.

    Reply

  • wow congrastulation po nanakasama ka sa kandidato. maganda abangan ang awarding.

    Reply

    Billycoy Reply:

    salamat. salamat. kahit ako inaabangan ko rin.

    Reply

  • congratulations billycoy!!!

    Reply

    Billycoy Reply:

    Salamat. Tandaan, Billycoy sa balota. Before October 7 ha.

    Reply

  • panalo ang list mo billycoy :D emote ka na lang na “it’s an honor to be nominated” naks! congrats pa rin!

    Reply

    Billycoy Reply:

    pero better kung mananalo o iboboto niyo ako di ba? ;)

    Reply

    neva Reply:

    syempre oo kaso July ko lang nasimulan blog ko e! di kita maboto! tsk tsk

    Reply

    Billycoy Reply:

    Pwede ka namang bumoto sa ibang blog kahit bago lang sa iyo. Yung mga nominees and finalists lang ang dapat pasok sa timeline. ;)

    Reply

  • Diba na-move? Kelan na?

    Reply

    Billycoy Reply:

    Sa October 7 pa rin ang last day of voting. Vote na!

    Reply

  • amen sa sex. hahahaha

    Reply

    Billycoy Reply:

    amen!

    Reply

  • [...] if Billycoy wins, I'll pay someone to pull a Kanye West. Bwahahaha, lame [...]

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines