Loser…
Umuwi man akong talunan sa awards, pero hindi naman sa pananamit.
Nitong October 9, Friday, ginanap ang 2009 Philippine Blog Awards sa PETA Theater. Kaya naman talagang nag-dressup ako para sa nasabing occasion kahit hindi naman talaga kailangan. Pwede nga akong pumunta sa venue na hubo’t hubad dahil “come as you are” naman ang nakalagay sa invitation. Naisipan ko na lang tuloy magsuot ng necktie… pero may suot naman ako other than that necktie, ok?
Agaw-pansin talaga ang kasuotan ko. Lalo’t di ko nagamit ang chopper namin papuntang PETA theater, kung kaya’t nag-MRT na lamang ako. Dama kong pinagtitinginan ako sa loob ng train at mga dinadaanan ko, mukha kasi akong nagbebenta ng insurance or salesman ng encyclopedia. Kulang na lang ang magdala ako ng mga flyers at attaché case.
Tanging sa Bloggers’ Choice Award lang naman ako kasali dahil alanganin ang blog ko sa anumang mga categories. Hindi naman talaga ako humor blogger. Makapagbagbag-damdamin kaya itong blog ko kaya nararapat lang ito sa Best Emo Blog category. O di kaya, Best Blog That Excels Perfection of Insane Ideas with A Mixture of Oozing Charm and Sex Appeal Making This The Longest Title of All The Categories. In short, Best Narcissistic Blog.
Anyway, MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA BUMOTO SA AKIN PARA SA BLOGGERS’ CHOICE AWARD (NATIONALS)! Lalo na kina Marck at Fruityoaty para sa napaka-flattering comments nila.
Bagamat hindi tayo pinalad na manalo, lubos pa rin ang pasasalamat ko sa lahat ng mga bumoto sa aking kagaguhang journal. At kahit umuwi akong talunan, lugmok sa kalungkutan at luhaan habang gumagapang papasok ng bahay, naniniwala naman akong panalo pa rin ako sa puso niyo, di ba?
Binabati ko ang mga winners na sina Mica, Marck, Karen, Jeric at iba pang nanalo para sa taong ito ng Philippine Blog Awards.
Photos by Arbet
Dahil wala namang Blog of the Year sa PBA 2009, ako na lang ang magke-claim nito dahil makapal ang mukha ko at dahil gusto ko. Ang umangal, panget!
Be Prepared…
Bago ang lahat, salamat sa mga nag-nominate sa akin sa 2009 Philippine Blog Awards. Bagamat sinawingpalad na maging finalist sa Main Categories, pasok pa rin naman ang aking walang kakwenta-kwentang blog sa Bloggers’ Choice Award. Kung sa palagay niyo kaya kong pataobin ang ibang contenders, gumawa na kayo ng post at iboto ang blog ko.
At kapag nanalo ako, magpapa-gang rape ako sa lahat ng bumoto sa akin… or maybe not. Mag-e-eggroll na lang siguro ako para sa inyo.
———————–
Nakakapanggilalas ang mga pangyayari last week. Pati nga bahay namin pinasok rin ng nakakapandiring tubig baha. Grabe ang pinsalang idinulot ni Ondoy sa Metro Manila kaya naman ang taas ng anxiety level sa nakaambang panganib ng basang Pepeng malaki. Sino ba namang hindi matatakot? Hindi pa kaya humuhupa ang baha sa maraming lugar at mataas pa rin ang level ng tubig sa Manila Bay at Laguna de Bay. Mabuti na nga lang at hindi masyadong nagkatas ang Pepeng yan sa Metro Manila. Though marami pa rin siyang nagawang pinsala sa Northern Luzon dahil sa lakas ng hangin ng Pepeng yan.

Another shot ng pinsan ko sa aming lugar sa kasagsagan ni Ondoy
Ano ba ang dapat gawin kapag may bagyo?
- Sundin si Binoy. Gaya ng sabi niya sa kanyang TV ad “Wag kang aayaw, think pasitib!” Kaya kahit hanggang Mt. Everest na ang baha hangga’t buhay ka pa, ipaglaban mo.
- Maging boyscout. Maging parating handa at resourceful. Kung ipis at bulate na lang ang natitirang source ng pagkain pagtiyagaan na ito. Mataas naman ang protein nila. Maliban na lang kung kayang makipagbuno sa ligaw na buwaya at magagawang talupan ang balat nito para makain ang laman.
- Ipatanggal ang implants. Lumulubog ang implants sa tubig kaya better na ipatanggal na ito maliban na lang siguro kung gawa sa hangin ang implants.
- Jumebs na hangga’t pwede pang gamitin ang banyo. Hindi na ito magagamit once na lumabas na ang mahiwagang halimaw sa inyong mga inidoro.
- Unahin ang buhay bago ang online life. Isantabi muna ang twitter, plurk at facebook at unahing ilagay sa safe place ang mahahalagang gamit (e.g. porn magz, computer na may lamang porn, sexmate, etc.)
- Makinig sa AM station. Walang magagawa ang kantang Nobody at Nagmahal Ako ng Bakla sa panahon ng trahedya.
- Iboto ang aking blog sa Bloggers’ Choice Award sa PBA 2009. Makakatulong yan ng sobra-sobra.
- Makipag-sex sa partner/s kapag nakaamba na ang panganib. Dahil matatagalan na ulit bago makaranas nyan pagkatapos ng delubyo. Mahirap gawin yan kapag sa panahon ng paglilinis, sa evacuation center o sa bubungan ng bahay.
- Itigil ang forwarded texts. Walang silbi ang LuV QuOteS at tXtJoKeS sa tXtm8 n nLuLuNoD.
- Huwag umasa sa gobyerno. As always, wala kang maaasahan dito.
- Mag-pichur pichur. Minsan lang mangyari ito kaya mahalaga na i-share ito online afterwards.
- Itigil ang videoke. Lalo na kung alam mo namang sintunado ka. Kaya lalong lumalakas ang bagyo dahil sa mga taong sintunado.
Sana ay magsilbing aral sa ating lahat ito. Tandaan din natin, ang mga politiko lang ang nasusuhulan at hindi ang bagyo.
Ngayon, iniisip ko kung ise-save ko ba ang virginity ko para gawin akong alay para matigil na ang mga trahedya o magpapa-devirginate na ako?
Adverse Reactions:
Status
- Catching up on my TV series.
- @JohnLloyUmali medyo malayo na yun kasi nakabitin eh.
- @rochellesychua we can always make our own fruit shakes. controlled pa natin ang ingredients. ;)
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)








