Naisipan namin ng mga officemates ko na lumuwas ng Makati at dumayo sa Cubao X para igunita ang pag-alis ng dalawa naming mga kaopisina. Naka-pang Lookbook fashion nga kami dahil yun ang themed Friday namin sa office. Hndi naman bago ang ganu’ng pananamit sa Cubao X dahil parang nakawala nga sa Lookbook ang mga tao dun.
Kaya sa MRT, agaw-atensyon na naman ang outfit ko. Parang magbebenta na naman kasi ako ng condo unit o ng encyclopedia.
Mam, ser, baka po gusto niyo pong tingnan ang model unit namin tonight. Pero mam ser, baka gusto niyo pong mag-apply ng insurance namin, at kapag na-approve na po kayo may libre na po kayong encyclopedia. Dahil po naka-stripes kayo ngayon, may libreng appliance po kayo sa Aowa. Nagbebenta rin po ako ngayon ng Tupperware baka gusto niyo pong kumuha saka may mga new items na rin po kami from Avon. Mam, ser, baka gusto niyo na rin pong mag-apply ng credit card at makakakuha po kayo ng libreng Timex watch.
Kumain muna kami ng dinner sa Gayway para mapunan naman kahit papaano ang aming mga bitukang naghihintay mapaliguan ng alcohol. Sa Taco Bell ako nag-order ng burrito dahil hindi pa ako nakakakain dun eversince at wala namang Taco Bell sa pukirin… este bukirin ng Makati. Nu’ng kakainin ko na ang burrito, naramdaman kong may uminit sa may singit ko. Hindi naman ako nag-orgasm pero bakit may mainit sa pantalon ko. Pagtingin ko, may lumigwak palang giniling sa ilalim ng burrito at nalaglag near sa singit ko. Nag-alala kagad ako sa necktie na suot ko dahil dry clean only lang yun. Buti na lang hindi. Naisip ko ngang dilaan ang mga nalaglag na karne dahil nanghihinayang ako lalo’t maraming nagugutom ngayon. At dahil nakakurbata nga ako, hinayaan ko na lang malaglag sa sahig. Amoy burrito nga lang ang singit ko. Hindi ako sure kung appetizing sa girls ang hitang amoy burrito.
Ako lang ba o may iba akong nai-imagine sa picture ng burrito na ‘to?
Sa Mogwai naman, nagustuhan ko yung potato chips nila. Meron kasing ilang chips na parang hymen. Yung mga potato chips na manipis at malambot. Though, hindi pa ako nakakatikim ng hymen alam ko na kung ano yun dahil sa potato chips na yun.
Masayang natapos yung konting mamam na ginawa namin. Tuluyan sanang magiging masaya ang gabing iyon kung hindi dahil sa hinayupak na halimaw na taxi driver na may dambuhalang pasas sa ilong na nagda-drive ng taxi na may plakang TXV 407. Iniwasan na nga namin yung ibang taxi na dumadaan dahil humihingi sila ng dagdag sa actual rate. Tapos, dumating na nga ang taxi na ito na akala namin ay mabait, yun pala mas malupit pa. Nagsabi lang na manghihingi siya ng dagdag na 30 pesos nu’ng nakasakay na kami sa taxi niya. Hindi na lang kami kumibo. Nu’ng nakababa na yung kasama ko, sinabi ng driver na ibababa niya lang daw ako sa EDSA na labasan lang namin at hindi sa preferred destination ko na nasa loob.
Talagang kumulo ang dugo ko at naramdaman kong natuyo na ang alcohol na dumadaloy sa aking bloodstream. Gusto kong hatakin yung kambyo at ipasak sa bunganga niya at palabasin yun sa tenga habang sinasakal siya sa manibela. Pero, hindi na lang ako umimik at nagtimpi na lang galit. Kaya nu’ng bababa na ako sa EDSA inabot ko na ang bayad ko na short lang ng 12.50 pesos sa hinihingi niyang dagdag kaya sinabi ko na lang “Kulang na yung dagdag ko kasi hindi mo naman ako binaba dun sa amin.” Bumaba na ako at medyo nilaksan ko bagsak ng pinto ng taxi sabay sakay na ng jeep. At dahil hindi kagad umandar ang jeep na sinakyan ko, narinig ko ang driver ng taxi na sumisigaw ng “Tatandaan ko ang mukha mo!”
Sinusumpa ko talaga ang halimaw na driver na yun at ang nunal niya sa ilong. Sana mabagsakan siya ng kometa, masagasaan ng stampede ng babaeng may matutulis na takong o ma-rape ng lalakeng may higante at tusok-tusok na patotoy. Huwag nilang pinapainit ang ulo ko lalo’t amoy burrito ang singit ko.
October 18, 2009
Like








May 17 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
Gay Way? WHAT? I guess my Tagalaog really sucks because I’m translating that as “We ate dinner at Gay Way”… an eatery where you were served gay-style burritos?
Wait… I’m confused.
Reply
Billycoy Reply:
October 19th, 2009 at 9:11 am
It’s originally Gateway Mall. Transformed to Gayway coz of… you know why.
Reply
di pa rin ako nakakakain sa Taco Bell. hahaha. kung sasakay ka ng taxi, hanapin mo yung mga taxi ng malalaking kumpanya, tulad ng RE, Polanne at iba pa. kasi pede mong kunin yung number ng operator/comapny nila if ever may complaints ka katulad ng nangyari sa yo.
Reply
Billycoy Reply:
October 19th, 2009 at 9:42 am
Reno Taxi nga yata ang sinakyan kong taxi. Nag-report na rin ako sa LTFRB.
Reply
Nakakatwa ka talaga magpost! Hahaha.
Hhaha
Descriptive at entertaining! Taas ng level!
Links ex
Reply
Billycoy Reply:
October 19th, 2009 at 10:34 am
Salamat
Reply
Ay ambastos nga nung driver na yun. Naka-experience na rin ako ng ganyan at 5 pesos lang dinagdag ko kasi sabi ko sa kanya bastos siya. Inaway-away pa ako pagbaba ko kaya ni-report ko agad sa LTFRB. Sana nga may gawin sila sa mga driver na ganyan.
Reply
Billycoy Reply:
October 19th, 2009 at 10:36 am
Ay sobra. Mababait pa pala yung mga nangongontrata o nanghihingi ng dagdag bago magpasakay ng pasahero.Hindi ko akalaing may mga mas gahaman pa sa kanila.
Reply
gusto ko rin ng potato chips na parang hymen.
Reply
Billycoy Reply:
October 19th, 2009 at 11:11 pm
Sino bang hindi. Hayan nag-crave tuloy ulit ako ng hymen… este potato chips
Reply
Hahaha as usual panalo nanaman po ang post mo. Lagi akong kumakain sa Taco Bell gateway na Gayway na pala according to you..nung college ako dati. Hahaha ang lakas ng imagination nyo po dahil diko man lang napansin na mukang hymen ang chips nila.
Speaking of burrito…Iniisip ko pa lang, hindi talaga appetizing sa aming mga girls ang hitang amoy burrito. Unless Bumbay or Indian or Mexican ang girl baka sila gusto nila un????
Reply
Billycoy Reply:
October 20th, 2009 at 6:42 pm
hindi naman mukhang hymen, parang hymen lang ang texture.
Reply
Gotcha. Susundan na din kita.
Reply
Billycoy Reply:
October 26th, 2009 at 12:43 pm
Maraming salamat sa pagsunod!
Reply
Ayos. Yay!
Reply
Nice posts. Ganda ng mga cnasabi mo, very entertaining.
Reply
Billycoy Reply:
November 8th, 2009 at 11:36 pm
Maraming salamat!
Reply