Oct 26, 2009

The Herbal Babies

Nakaka-stress ang araw ko kahapon. Kung paano ko napabagal ang Sabado ko sa pagiging bum sa bahay, panonood ng maling pelikula ni Dakilang Juday at panonood ng porno kinagabihan, ay ganun din naman kabilis ang pagdaan ng Linggo ko.

Madaling araw kahapon, nagising ako sa pag-iiyak-iyak ni Leica. Konti pa lang ang itinulog ko gawa ng medyo inabot ako ng hatinggabi dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanang milagro. Medyo irritable tuloy ako nang nagambala ako ni Leica sa aking wet dreams. Pinapatanggal niya pala kasi sa akin ang mala-meatball niyang suka sa kanyang bahay kaya siya umiiyak. At dahil pinalabas ko nga siya sa bahay niya, nahirapan akong papasukin ulit siya dahil nagsusumiksik siya sa isang sulok ng aming bahay at tila ayaw niyang umalis dun. Hayun ako, nadagdagan na naman ang eyebags dahil sa puyat.

Kinaumagahan, medyo bugnot pa rin dahil sa kulang sa tulog at maagang nagising dahil pupunta kami somewhere out there. Pasaway pa rin si Leica. Alam naming buntis siya, kaya akala namin may mood swing lang siya kaya siya nagkakaganun. Though, kakaiba na talaga ang kilos niya. Hinayaan na muna namin siyang magtago sa sulok na nais niya. Kami naman, nagpunta na somewhere out there para mag-shopping ng furniture pamalit sa nasira ng baha.

Pagbalik namin nu’ng hapon sa bahay, nag-eggroll ang utak ko dahil sa laking gulong ginawa ni Leica. Animo’y nag-house party siya ng sampung beses sa sulok na tinataguan niya. Sinira yung kalalagay lang ulit na linoleum at nagbakbak ng mga kahoy. Talaga namang kumulo ang dugo ko kasama na ang mga laway at uhog ko sa galit lalo’t kulang pa ako sa tulog. Nagtimpi na lang ako dahil buntis nga siya at sinabihan ko na lang siya “Hindi naman ako ang asawa mo, bakit ako pinapahirapan mo?”. Pagkalinis ko sa gulong ginawa niya, umakyat na ako sa kwarto at nag-pornbrowse sa internet.

  1. Temperature drop Your dogs temperature may drop to around 97-98 degrees approximately, around 24 hours before giving birth. This is normal, and a good sign that your dog is going into labor so you can get prepared early! If your dog does not begin labor within a day of the temperature drop, you should contact your local vet. You can check your dogs temperature using a dog thermometer.
  2. Your dog refuses to eat Most bitches will refuse to eat before they go into labor, which obviously isn’t normal for dogs. This can be another good early warning sign.
  3. Finding a den A natural reaction of most female dogs is to try and find a den or hideaway where they can give birth. A very common place is under your bed, as the dog feels safe and enclosed there. If possible, find a comfortable place beforehand where the birth can take place.
  4. Shivering and sickness Another dog labor symptom is when the dog begins to shiver and even vomit. This is completely normal, and the best thing you can do is make sure there is fresh water available at all times.
  5. Wanting you near The dog is likely to stare at you and want you near to her at all times. Like number three, this is a comfort thing.
  6. Source: Dog Labor Symptoms

“Manganganak na si Leica!” bulalas ko kay mommy. Hinanda ko na ang bahay niya at nilagyan ko ng sandamakmak na basahan para dumilim at doon na lang siya mag-stay. Saka naman ako humimlay sa kama para mag-powernap.

Katatapos ko lang kumain nang sinilip ko si Leica sa kanyang mala-yungib na bahay. Pagtingin ko, meron na siyang dinidilaan na akala ko ay telang naka-rolyo o something. Pero nakita kong may mga paang gumagalaw. OHMIGOSH!!! Mommy na si Leica, meron na siyang Puppylet. Gusto kong mag-cartwheel sa tuwa kaso kakakain ko lang pala baka ma-appendicitis ako saka hindiĀ  rin ako marunong mag-cartwheel. Apat lahat ang supling ni Leica.

Parang ako yung daddy ng mga puppylets sa tuwa. Pero I swear hindi ako ang ama, hindi ko ginalaw si Leica. Sinasamahan niya lang ako magbihis sa kuwarto at natulog na magkasama minsan. Yun lang ginawa namin, PRAMIS!

Si Olympus at Leica, ang mga 32-megapixel parents na may mga anak na herbs and spices. Sina Cinnamon, Cilantro, Basil at Cuming.

2 people like this post.

12 Comments

  • omigosh ang cuute ng mga bebeh puppies!!! ang cute din ng name nila at natuwa rin ako sa panganganak ni Leica! Buti ka pa nasaksihan mo :-D yung doggeh ko kasi lalaki so diko makikitang manganak. Anong breed ng mga doggeh mo?

    Reply

    Billycoy Reply:

    yung dad, si olympus, mini pinscher, half-minpin half-shitzu naman si leica.

    matakot ka kung magbuntis ang doggeh mo. LOL

    Reply

  • congrats kay leica at sa kanyang mga herbal babies. naalala ko kapag nanganganak ang aso namin, pinapalaki lang sila hanggang sa marunong na silang kumain magisa tapos ipapamigay na sa mga may gusto.

    ayoko din naman sa aso except kung may breed. ahihihihi

    Reply

    Billycoy Reply:

    Si Cilantro lang din ang matitira sa amin after two months. :(

    Reply

  • I like the “cuming” (cumin) name. Haha. Sounds so Billycoy. :D

    Reply

    Billycoy Reply:

    syempre. ako nagpangalan eh!

    Reply

  • Cute ng names ng puppies! My brother once named our dogs Anchovies, Pepper, Onion, Ginger, and Basil. Only Pepper stayed with us, the rest were distributed to the relatives.

    Reply

    Billycoy Reply:

    Ay ang cute ng names. yung dilis, naging aso. LOL

    Reply

    rin Reply:

    hahaha…yeah. We once named our labrador puppy, “Kitten” ayun…naglayas. hahaha

    Reply

    Billycoy Reply:

    Ipangalan mo na daw sa isda, wag lang sa pusa. LMAO

    Reply

    rin Reply:

    LOL cge, next time manganak ang mga aso namin papagalanan kong Flounder ung isa. papayag malamang ang kapatid ko kasi mahilig siya sa Little Mermaid.

    Reply

    Billycoy Reply:

    Try mo rin Ligo, youngstown, Mega, Century, or 555. LOL

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines