Around the World in 2 Weeks
Aba! Almost two weeks din pala akong update dito. Kung akala niyo na nawili ako masyado sa porn, namingger ng higanteng tilapia, nagkaroon ng lovelife, naging sex slave ng matronang natatakam sa aking katawan o na-kidnap ng stalker na nabighani ng aking kaguwapuhan. Nagkakamali kayo. Ginamit ko lang ang maigsing panahon na iyon para libutin ang mundo at mag-soul searching.
Una kong pinuntahan ang Tibet. Since BFFs naman kami ng Dalai Lama, kinonsulta ko siya kung nararapat na lang ba akong maging monghe. Hindi siya sumang-ayon sa aking naiisip. Hindi raw ako karapat-dapat kahit pa willing akong isuko ang aking kahalayan at kalibugan. Masyado raw malakas ang aking alindog at kahit ako raw ay di ko ito kakayanin.
Sunod naman ay nag-cartwheel naman ako papuntang India para pag-aralan ang Ayurveda at i-master ang Tantric sex. Fail nga lang ang pagpunta ko ng India dahil hindi pala ako nakakaintindi ng Hindu. Kaya bumili na lang ako ng payong in cash.
Nagtungo na lang ako ng Galapagos Islands pagkatapos ng India para doon mag-chill, pagnasaan ang sariling katawan at maghanap ng lovelife. Muli, bigo na naman ako sa paghahanap ng lovelife. Paano ba naman ako kasi ako magkakaroon ng lovelife doon? Puro albatross at mga kahayupan lang ang mga nakita ko doon. Maling islet pala ang napuntahan ko sa Galapagos.
Bago ako bumalik sa Metro Manila, huminto muna ako sa Amanpulo para tuluyang mag-relax sa puting buhangin na kasing presyo ng ginto. Hinigaan ko ang white sand at nilamon ito na parang hindi nakakain ng limang libong taon. Medyo sumakit lang ang tiyan ko afterwards kasi naging salamin ang jebs ko.
Sosyal ang jebs ko di ba, parang gawa ni Orlina
Pero Orlina talaga yan.
Ang dami kong napuntahang mga bansa. Pero ang totoo nyan, nasa harap lang ako ng Mac maghapon, pinapadugo ang bawat neurons ko sa utak at ang nakakauhaw kong katawan para sa nalalapit kong deadline.
—————————–
Samantala, malapit na ang election. Kung registered botante ka na, you may want to make panood this.
Para sa dagdag info at kaalaman tungkol sa election maaaring bisitahin ang www.ibanangayon.ph at sumali na rin sa www.bagongbotante.ph. Para naman kilatisin hanggang sa kasingit-singitan ng mga candidates natin, pwedeng pumunta sa www.politicalarena.com.
Because I don’t want to…
“Ano gusto mo maging paglaki ?”
Eh natanong niyo na ba sa sarili niyo kung ano ang ayaw niyo maging or mangyari in the future? Ako? Natanong ko na sa sarili ko yan.
Ayokong:
- maghirap
- ma-extinct sa 2012
- malunod sa sariling uhog
- mahilig ako someday sa mga Pinoy tweetum films
- magkaroon ng sex scandal
- magkaroon ng sandamakmak na wrinkles
- magpa-botox dahil ayoko sa wrinkles
- magkaroon ng manboobs
- tubuan ng ngipin ang aking patotoy
- mabawasan ang kagwapuhan ko
- maging sizzling hot ako forever dahil gusto ko sa magiging misis ko lang ang katawan ko (insert NUKS NUMUN here)
- magkaroon ng beer belly
- mawalan ng libog sa katawan
- mawalan ako ng alindog
- magsuot ng large-size collared shirt at magmukhang daddy
- matigil sa pagwo-workout
- ma-gang rape ng mga taong di ko naman type
- maging impotent
- mawalan ng control sa pag-ihi
- mawalan ng wet dreams
- ma-meet sa personal sina Madam Auring, Mahal, Cristy Fermin at Jobert Sucaldito
- mapanood ang mga sex scandals ng mga nabanggit ko before sa bullet na ‘to
- maging sex slave ng mga huling nabanggit ko
- magsuot ng pantalon o shorts na nasa taas ng pusod ang waistline
- hindi makatikim ng bakasyon abroad
- hindi makasakay ng eroplano
- magkaroon ng anak sa hayop
- ma-abduct ng alien
- MAGING VIRGIN FOREVER
Kayo, ano ba ang mga ayaw niyong mangyari?
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






