post Category: Basura Blogs — Billycoy @ 6:12 pm — post Comments (6)

Matatapos na ang 2009. Parang kahapon lang ay yesterday at parang ngayon lang ang today. Ang bilis ng panahon. Though, parang mas mahaba na ang summer ngayon. Kahit December or mag-e-Enero na ay mainit pa rin ang panahon. Salamat global warming.

Maraming nangyari sa loob ng mabilis na taon ng 2009. Pero sa akin, wala masyadong highlights. Hindi naman kasi ako nagpakulay ng buhok. Pero para sa pangkalahatan, maraming nangyari sa taong ito:

Celebrity Deaths. Local and International stars, maraming nag-departure papuntang langit. Pinaka-bigtime na kamatayan ang kay Michael Jackson. Bukod kay MJ, pumanaw na rin si Farrah Fawcett, James Carradine, Brittany Murphy at marami pang iba. Sa local scene naman, nandyan sina Francis M., Johnny Delgado at ng ating dating Presidente Cory Aquino. Pero sorry everyone, hindi pa rin nade-deads ang gusto niyong ma-dead, ang dakilang reyna ng Smurfs.

Sex Scandals. Nagpiyestahan ang mga miron at mga manyak sa sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili sa internet at mga DVD sa Quiapo. Pinag-usapan ng mahaba-habang panahon din at pati mga miron sa senado ay nakialam na rin para gawing national issue. Mas malaki pa ang issue kaysa sa patutuy ni Hayden.

Disasters. Dumating ang panahon ng tag-ulan at sinong mag-aakalang magbabaha ng sangkaterbang tubig at putik sa Metro Manila at sa maraming probinsya? This time, hindi lang pagka-stranded ang naranasan, kundi pati pagkasira ng mga pinaghirapan at pagkawasak ng maraming buhay. Sa kabila ng nakakalunos na karanasang ito para sa ating bansa, dito naman natin muling binuhay ang bayanihan sa makabagong media. Ang media na ginagamit mo sa pagbasa ng blog na ‘to; ang Internet. Twitter, Facebook, Plurk, pati na rin sa pamamagitan ng ating mga cellphones ay nagawa nating maipamahagi ang tulong kahit sa mumunting paraan na magagawa natin. And at the same time, sa panahong ding ito ko naranasan ang manghilakbot sa nakita kong mahiwagang kakaibang halimaw sa aming inidoro.

Pero di lang sa bagyo nagtatapos ang peligro, dahil hanggang ngayon ay nag-aalburuto pa rin ang Bulkang Mayon. Kung iniisip niyo akong ialay para matigil na ang pagngitngit ng bulkan, magtigil kayo! Hindi lang ako ang nag-iisang virgin sa bansa natin.

Massacre. Isa sa malaking news ngayon ang massacre na naganap sa Maguindanao. Maraming inosente at taga-media ang inalisan ng kanilang buhay. Ibinaon sa lupa kasama ng mga sasakyang ginamit. Bagamat natutukoy na ang may sala ay hindi pa rin siya/sila binibigyan ng hatol at naaakmang parusa. Mabuti na lang at hindi totoo ang mga zombie dahil malamang nilapa na ang mga kriminal na gumawa sa kanila nito.

Manny Pacquiao. Isang malaking taon ito para kay Manny Pacquiao. Bukod sa panalo niya sa boxing ay nabigyan ng career ang kanyang ina na si Madame Dionesia. Medyo idol niya yata si Tiger Woods kaya nagkaroon ng issue sa kanila ni Krista. Yun nga lang, talagang nagsusumiksik siya sa showbiz at music, at ngayon talagang nagpupumilit sa politics kaya nag-file na ng candidacy sa COMELEC.

Highlight sa akin?

Wala masyadong nangyari sa akin. Hindi ako nagbakasyon kung saan man. Nakaranas akong magpa-buzzcut nitong summer at nagkaroon ako ng mga bagay na hindi ko inaasahan. Kagaya nitong si Rihanna, ang aking HP Mini 110 na napanalunan ko sa event ng TV5 (salamat TV5). At ang dulot ng aking dugo’t pawis at tamod, si Penelope, ang aking Pentax K-m/K2000.

Lovelife or sex life na lang ang kulang. But who knows, baka may humabol bago matapos ang 2009 at makasabay ako sa pagpapaputok sa pagsalubong ng 2010.

HAPPY NEW YEAR TO ALL! 2010 BE GOOD!

1 person likes this post.

May 6 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!

#1

Karamihan ay negatibo ang mga highlights ng 2009. Sana naman ngayong 2010 ay mapuno ng positibong mga kaganapan.

Sa 2010 ay magkakaroon na ng bagong pangulo (sana). Sana, ang mananalong pangulo ay magbigay ng 500 a month sa lahat ng tao, tulad ng pangako ni Santiago Dumlao.

Kung nagpatuloy pa sa pagalburuto ang bulkang Mayon, sana’y mag step up ka na. Kailangan ka ng sangkatauhan.

Reply

Billycoy Reply:

gusto ko pang makaranas ng sex. LOL

Reply

Louis Dizon wrote on January 2, 2010 - 6:35 pm
#2

Happy New Year Manong! Sa mga hindi mo nagawa last year, ang gusto kong matupad dun ay ang pag-travel. Sana sumama ka na sa amin kahit minsan lang :D

Reply

Billycoy Reply:

I won’t promise, but I will try. Gusto kong makaranas ng bagong kultura.

Reply

Micamyx wrote on January 3, 2010 - 2:59 pm
#3

PANALO KA TALAGA.
Yanno, you’re like.. one of my fave writers in the blogosphere. Walang katulad. Honest na gago na… di ko ma-explain. Pero di ka naman ganyan in real life. Mahiyain ka nga eh… (ninja)

Happy new year, Paule!

Reply

Billycoy Reply:

Naaalala mo pa rin si allan paule. :-&
Salamat Kring.
Pero ok na rin na mahiyain ako, baka kasi naging manyak ako if ever. LOL

Reply

FunnySexy wrote on January 3, 2010 - 3:49 pm
Sige na, Mag-comment ka na, o i-trackback mo na. Huwag ng mahiya!

Write Your Comment

You should have a name, right? 
Your email address, I promised I won't tell it to anyone. 
If you have a web site or blog, you can type the URL right here. 
Dito ka magsusulat ng kagaguhan. 
Tandaan mo ako.