Dec 12, 2009

Short-term Goal

Sa wakas natupad ko na rin ang isa sa mga short-term goals ko. Bagamat kaya ko namang tuparin kaagad yun kapag nag-withdraw ako ng account ko sa Swiss Bank, pinili ko na lamang na pag-ipunan ito sa pamamagitan ng dugo’t pawis at tamod ko sa pagtatrabaho.

Hindi biro ang pag-iipon na ginawa ko para dito. Itinakwil ko ang alak, ang bisyo, ang mga kaibigan, ang mga masasarap na pagkain, ang mga babaeng nahuhumaling sa akin, ang mga taong nagnanasa sa masarap kong katawan, ang sarap ng sex, ang halimuyak ng rumaragasang pagnanasa at kung anu-ano pa. Porno na lang ang kaligayahan ko.

Kaya heto na ang Disyembre, ang panahong inaantabayanan ko. Ang panahong nasasabik ang lahat. Tapos na ang sakripisyo ko, tapos na ang paghihirap ko. Mailalabas ko na ang aking tamod ng pagnanasa na naging kaong dahil sa tagal ng panahon. Naisakatuparan ko na ang pangarap ko simula noong sperm cell pa lang ako. Oo, meron na ako… at hindi yun regla.

Meron na akong lens cap. Next target, ang camera body naman. Saka na ang lens.

Sa ngayon, masaya na ako. Ganito pala ang feeling kapag nararating ang rurok ng sex; ORGASMIC.

Note: Pinahirapan ako ng lens cap na yan dahil may kamahalan pala siya. Nag-maximum limit pa nga ako sa ATM dahil mahirap lang pala ang bangko ko.

Be the first to like.

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines