Dec 21, 2009

Wishlist Season

Ilang araw na lang Pasko na. At wala pa rin akong wishlist. Well, dito sa office exchange gift meron na at nandun pa rin yung yearly na Magic 8 Ball na request ko dahil hanggang ngayon ay wala pa ring natutupad. Wala na rin akong pakialam kung mahulaan nila kung sino ako sa kris kringle. Obvious naman na ako ang nasa wishlist dahil: 1. ako lang ang lalaking bagets dito sa office. 2. ako lang maglalakas-loob mag-wishlist ng camouflage or floral pattern na brief.

At dahil malapit na nga ang Pasko, gagawin ko na lang madali para sa inyo ang wishlist ko.

  • 8-pack abs. Take note, 8-pack abs hindi 6 packs ha. Kung pwede nga lang 10-pack abs, bakit hindi? Ayoko kasi yung mukhang normal at maging kagaya lang ng mga nakikita sa mga TV at magazines. Huwag lang siguro akong magkaroon ng abs sa mukha.
  • Sexlife. Dahil sayang naman ang underwear na may nakakatuwang pattern kung ako lang din naman ang makakakita, di ba?
  • Gran Cabrio Maserati. Dahil gusto ang tunog ng pangalan ng kotse at afford niyo naman ito para sa akin.

  • Entertainment Showcase. Kung naisipan niyo naman akong regaluhan ng plasma TV. Bakit hindi niyo na lang gawing package, yung may kasama ng 7.1 surround speakers at blu-ray player? You know what’s better? Samahan niyo na rin ng La-Z Boy para masayang masaya naman na talaga ako sa araw ng Pasko.
  • World Peace and Eco-friendly World. Sana hindi lang sa utak natin ang maging green, pati rin ang paligid. At kung kagaguhan at kahalayan lang ang magbibigkis sa atin, sana magamit natin ito para sa ikabubuti ng ating mundo. (Nuks, gumaganon?)

At dahil ipit na sa panahon, alam kong friendship na naman ang regalo niyo sa akin. Pwede katawan naman… basta sizzling hot lady kayo ha.

Merry Christmas

Maligayang Pasko

Season’s Greetings

Happy Holidays

sa inyong lahat.

Be the first to like.

10 Comments

  • ADIK KA.
    Gusto mo droga? Or hugs na lang? :P

    Reply

    Billycoy Reply:

    Boo! Lagi mo naman akong niha-hug pag nagkikita tayo. Pwedeng kiss naman. LOL

    Ayoko ng drugs, may rhinitis ako eh. Martini na lang.

    Reply

    FunnySexy Reply:

    Choosy ka pa! Pwes, wala kang hugs pag nagkita tayo.

    Reply

    Billycoy Reply:

    Sige na nga, pwede na hugs. Pero pwedeng may kiss pa rin? :P

    MwahugZzZ!

    Reply

  • o wow. nakita ko sa SM Appliances sa SM Makati yung plasma tv ng Panasonic. less 10k yung mga units. pede na yung 32 something inches. around 49k eh so less 10 39 na lang. wala akong ganung pera. ipagdadasal na lang kita billycoy hahaha.

    Merry Sexmas este Xmas and a happy new Year!

    Reply

    Billycoy Reply:

    Ang daming suggest, greeting saka dasal lang pala ang ibibigay sa akin. :P

    Oh well, something is better than nothing. Merry Christmas din.

    Reply

  • Konekonektado naman yan eh. Pag may 8-pack abs ka, magkaka sex life ka. Pwede ka ren makabingwit ng babaeng mayaman, o kaya matandang babaeng mayaman, o kaya baklang mayaman na bibigyan ka ng Gran Cabrio Maserati at entertainment showcase. At kung sobrang dami mo nang pera, baka mabili mo na ren yung World Peace and Eco-friendly World.

    So para mas simple, hilingin mo na lang yung 8-pack abs.

    Reply

    Billycoy Reply:

    I like the way you think. LOL

    Reply

  • Gran Cabrio Maserati – i like…pwede rin ipangalan sa anak na lalaki, for sure dadami grls na maglalapitan. Makuha mo nawa ang mga nasa wishlist mo. Afford naman eh lalo na ang 8pack at ang sexlife. Cheer kita diyan :D Merry Christmas!

    Reply

    Billycoy Reply:

    Magdilang anghel ka sana.

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines