Jan 4, 2010

Dear Universe, Hear My 2010 Goals

Dahil uso ang pag-set ng goals for 2010, nakigaya naman ako.

No, hindi ito New Year’s Resolution, because I believe pwedeng gawin ang pagbabago sa mismong araw na naisip ito at hindi na kailangang ipagpabukas pa o hintayin pa ang new year. I thank you, bow. Mabuti rin daw kasing itala ang goals natin ayon sa The Secret para ma-inspire tayo na matupad yun at mapakinggan ng universe. Sana lahat ng galaxies, stars, supernova, at mga planeta binabasa ito ngayon para maisakatuparan ko ang goals ko for this year.

  • Mapanood ang Avatar sa IMAX. Sa 2D cinema ko pa lang napapanood ang Avatar. At dahil sa holiday season at lintek na MMFF ay di ko yun nagawa dahil sa soldout ito parati. Kaya dapat matupad ito kagad kahit sa 3D cinema na lang.
  • Magbakasyon sa Japan o Korea. Ewan ko kung paano ako makakapunta doon dahil wala pa naman akong passport at visa. Bahala na si Batman… rather, bahala na ang universe kung paano niya gagawin yun. Ok fine, kung hindi man lang abrowd, kahit domestic man lang. As long na nakasakay ako ng efflane. Sumasakit ang buttocks ko sa bus, pwede ba?!

  • Matutong mag-drive. Marunong naman akong mag-drive, kaskasero pa nga ako at mahusay din akong mag-drift… sa computer. Kung hindi rin lang pwedeng ma-control ang kotse gamit ng keyboard at mouse, well then, kailangan kong matutong magdrive this year.
  • Maging endorser/model sa tatlong TV ad. Ewan ko kung bakit specifically tatlo, pero yun ang numbers na gusto ko. Kung mas marami, mas mabuti, mas uulan ng pera sa akin. Gagawin ko itong stepping stone para maka-penetrate na ako sa porn industry showbiz. Sana may talent scouts/managers din na nagbabasa nito ngayon. Magaling akong umarte, pramis.
  • I-mastur… ang photography. Bukod sa masturbation, gusto kong paghusayan pa ang aking photography skills. Ipinagkait kasi noong college sa akin ang magkaroon ng camera kaya ngayon ko lang mai-apply ang mga natutunan ko noon. Malay niyo kapag natutunan ko na ito, mag-post na ako ng mga nude at sexy pictorials dito. As of the moment, check niyo muna flickr ko.
  • I-update ang mga blogs ko ng mas madalas. Gawa ng gawa ng blogs tapos hindi rin lang naman maa-update? Sana lang pahintulutan ako ng universe na magkaroon ng time dito at matigil na ako sa procrastination. If this happens, babawasan ko na siguro ang panonood ng porno.
  • Magkaroon pa ng abs. Stuck na yata ang tyan ko sa limang abs (apat + dalawang 1/2 abs) at underdeveloped pa. Ang awkward kaya. Kailangang ma-achieve ko ang 8-pack abs this year.

Gusto ko rin with plastic wrap para hindi maalikabukan ang abs ko.

  • Gawin ang isang super secret stuff. Super secret nga kaya di ko sasabihin, gagawin ko na lang.
  • Magkaroon ng sexlife. Aba?! Magiging 27 years old na ako this year at virgin pa rin ako. Kailangan ko na yata talagang makapagpulo’t gata. Tigang na tigang na ako dito at nakakasawa na rin minsan na palad ko lang ang gumagawa ng paraan para maibsan temporarily ang libog ko. Focus pa rin ako sa career at sa pagpapalago ng aking kayamanan.

Universe, basahin mo naman ito. At kung nagbabasa ka man, show me a sign, mag-comment ka please!

2 people like this post.

4 Comments

  • hallo bro, yung ibang goals mo for 2010, nagawa ko na…wala lang na share ko lang harhar. madali lang gawin yan at for sure magagawa mo yan this year kaya good luck sayo at promise kelangan mo na mapanood ang AVATAR sa IMAX 3D dahil super ganda. kinailangan ko pang mapunta sa ibang bansa ang makalibre ng 3d Avatar movie hahaha pero dito sa pinas kering keri mo yan! happy 2010 at sana makita namin sa mga darating mong mga blog post ang transition ng pagkakaroon mo ng ABS ^-^

    Reply

    Billycoy Reply:

    Mangyayari siguro yung abs transition kung wala na akong an-an sa tyan. LOL

    Reply

  • tagal mo nkong fans (d lang ako nag paparamdam) una kong nabasa yung pinost mo sa luma mong blog (mahiwagang boses ba yun? yung babae sa phone) medyo mtgal din akong nwla sa internet world kya nkalimutan ko site mo buti nlng nhanap ko ulit.

    ok po mga post mo nka2wla ng stress kya masarap bshin tulad ng ABS ^ mo hehe kudos po ^_^

    Reply

    Billycoy Reply:

    salamat at natagpuan mo rin ako. don’t worry, baka sa susunod ay maglagay na ako ng picture ng abs ko kung hindi niyo ako isusumpa after that.

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines