Independence…
Mahigit isang buwan mula ngayon ay lilipat na kami sa wonderful world of San Pedro, Laguna. Tatawirin namin ang ilang ilog at tatahakin ang isang mahabang landas patungo sa bago naming tirahan.
Well, hindi naman ganun kalayo talaga ang San Pedro. Matinding pakikipagsapalaran lang naman sa traffic ng SLEX ang sasagupain ko araw-araw kung du’n ako manunuluyan. Kaya naman, I decided na mangupahan na lang dito pa rin sa Pasay (or Makati) para malapit pa rin ako sa office. Kung magmumula pa kasi ako sa San Pedro, baka after lunch na ako makarating sa office dahil sa tindi ng lintik na traffic at kabagalan ng morning rituals ko.
At dahil decided na nga akong mangupahan na lang at mapalayo sa mga parents ko during workweek, heto ako ngayon nagmo-moment sa harap ng computer. Sa loob ng 26 years at bilang solong heredero ng aking mga magulang, ngayon pa lang ako mapapalayo ng tuluyan sa kanila. Kahit gaano pala kagusto ng isang anak na maging independent, hindi rin pala ganun kadali ang mapalayo sa magulang.
Marami din akong mami-miss na mga gawain. Mami-miss ko kapag darating ako ng bahay magtatanong kagad ako kay mommy ng “Mi, ano’ng ulam?” Mami-miss ko ang kakulitan ng tatay ko kapag medyo napaparami ng inom ng beer pati yung hindi niya pagkabisado sa mga artista. Hahanapin ko rin yung pagbati sa akin nina Olympus at Leica kapag dumadating ako. And the list goes on…
Mahirap yata talaga ang maging independent sa umpisa. Pero kakayanin ko ‘to. Mararanasan ko na rin ang matulog ng hubo’t hubad at walang pupuna kung may mga tyanak sa pader sa kwarto ko.
Sa mga namumuhay mag-isa at malayo sa mga piling nila, tips naman dyan?
Surviving the Rush
Busy ang weekend ko. Pagkatapos ng matinding sagupaan sa trabaho nu’ng Friday, nakipagbakbakan naman ako sa mga sunud-sunod na happenings. In fact, dalawang araw akong walang tulog. Dinaan ko na lang sa energy drink saka kape para whole day pa rin akong maligalig.
Pagkatapos ng matinding digmaan sa mga workloads ko nu’ng Biyernes, umuwi na muna ako ng bahay para maligo ng bonggang-bongga. Gumamit ako ng diamond granules para ipanghilod ko at nagsabon ng limang kilong safeguard dahil expected ko ngang wala ng liguan kinabukasan. Nag-toothbrush na nga rin ako ng todo-todo at nagmumog ng clorox. After kong mag-freshen up, nakipag-dinner muna ako sa mga relatives kong balikbayan. Pagkatapos, dumiretso na ako sa meeting place namin dahil maaga kaming aalis papuntang Clark. When I say maaga, talagang maaga. Mga 2am lang naman ng Saturday kami lumuwas sa Maynila.
HOT AIR BALLOON FIESTA 2010
Sa Hot Air Balloon Fiesta sa Clark, oh my gulay! Akala namin, kami-kami lang ang pupunta. Nagkalat ang iba’t ibang nilalang dun. Napatunayan ko ngang mahirap ang mga Pilipino, halos lahat ng nandun may DSLR cameras. Naghuhumindig pa ang mga lente nila. Nagmistulang supot na patutuy nga ang kit lens ni Penelope sa mga lente nila. Pero gaya ng prinsipyo sa sex; wala yan sa size, nasa performance yan.
Nitong uwian na, sumabak na kami sa matinding laban ng buhay; ang makahanap ng masasakyan. Dahil wala kaming dalang sasakyan that day at hindi naman walking distance ang Metro Manila from Clark, naki-join kami sa sandamakmak na commuters. Balyahan kung balyahan, wala na ngang pakialamanan kung magkakapalit pa kami ng mga mukha at amoy para lang makakuha ng masasakyan.
Ligtas naman kaming nakauwi. Hindi naman hinimatay ang mga kasamahan ko saka yung bus driver kahit pa 28 hours na akong walang ligo at toothbrush. Dama ko na ngang may nabubuong ecosystem sa balat ko nu’ng gabing yun. Pero kahit gumagapang na ako papasok ng bahay dahil sa pagod at antok, pinilit ko pa ring maligo. Dumidikit na kasi yung singit ko sa brip ko. Saka baka magulat na lang ako ng rainforest sa katawan ko paggising kung hindi ako maliligo.
PYROMUSICAL/CHINESE NEW YEAR/VALENTINE’S DAY
Nag-family date na lang kami para manood ng Pyromusical at magdinner na rin sa MoA. Dapit-hapon na nga kami nakaalis ng bahay. As usual, kapag may ganito kalaking event sa Mall of Asia matinding kalaban ang traffic. Kung nasa sa amin nga lang siguro ang susi ng mall na ‘to, baka kami na ang nagbukas para nakaiwas pa kami sa traffic.
Sa gold area kami nakapwesto kaya hindi naman ganun kadami ang mga nilalang na nandun. At dahil valentimes nga, dinumog ng mga mag-juwawhoopers ang seafront ng MoA. Kung wala sa mga kainan, nandun sila sa seawall at nilalanghap ang napakasariwang amoy ng Manila Bay.
Naka-survive naman kami sa pag-uwi kasi hindi naman kami nakipagsabayan sa mga nanood at mga nag-date na atat na atat ng pumopoy. Nag-chill muna kami ng parents ko sa parking lot habang hinihintay na lumuwag ang traffic.
——————————–
At dahil sa mga naranasan kong yan, heto ang ilang survival guide kapag pupunta sa mga malalaking kaguluhan at event:
- Kung may matatambayang malapit sa lugar, pumunta na lang dun ng mas maaga para hindi ma-hassle sa traffic.
- Magbaon ng entertainment para hindi mainip; iPod, PSP, laptop, porn o agogo dancer
- Kung gustong makauwi ng maaga at magco-commute lang, huwag ng tapusin ang programa.
- Kung tatapusin naman at makikipagsabayan sa madla, magsuot ng protective gear para handa na sa pakikipagbalyahan.
- Kung may sasakyan naman at hindi nagmamadali, huwag na huwag makikipagsabayan sa mga nag-uuwian. Hindi na maiipit sa traffic, tipid pa sa gas.
Hayan ang survival guide. Pero kung gustong ma-experience ang mga ganyan, madali lang naman yan suwayin.
Spotting Camwhores
Sa pagsibol ng panahon ng digital cameras, camphones, webcam, friendster, facebook, myspace, flickr at tumblr, may isang uri ng nilalang ang sumibol. Ang mga camwhore! Naglipa na sila at makikita mo sila kahit saan. At malamang isa ka na sa kanila.
The Camwhore Checklist
- Umaabot ng 15 to 30 minutes para lang sa pag-aayos ng buhok kahit sa katabing bahay lang naman pupunta.
- Pinipiling sumakay sa harap ng jeep para sa buong biyahe ay nakatingin lang sa salamin.
- Hindi magkandaugaga buong araw kapag tinutubuan ng pimple sa mukha.
- 90% ng nilalaman ng kanilang digital cameras/cellphone/computer ay mga pictures lang ng sarili.
- May mga pictures silang shirtless sa kanilang mga camera/cellphone/computer.
- Profile pic ang mga pictures nilang shirtless.
- Alam nila ang good angle nila.
- Binubura o pinapa-delete o ina-untag kagad nila ang pangit nilang kuha. Pero kapag maganda, itina-tag, nila-like at hinihingi pa ang high res file.
- Master na niya ang pagkuha ng sariling picture gamit ng kanyang kamay kahit DSLR at bulky ang hawak na camera.
- May pedestal siya ng kanyang mga pictures.
- May tarpaulin siya ng kanyang picture.
- Kahit kutsarita ay ginagawang salamin.
- May picture ng kanyang mukha sa calling card.
- Talagang nag-e-effort i-photoshop ang kanyang mga pictures.
- Ikamamatay niya ang hindi maisama sa mga group pictures.
- If you checked none: It’s either plastik ka o ganun ka kapangit.
- If you checked 1-5 items: Normal ka pa. Mabubuhay ka pa ng walang camera o walang salamin sa harap mo. Pero pwede ba mag-ayos-ayos ka naman minsan, hindi maganda sa picture ang magulong buhok at malansang mukha.
- If you checked 6-10 items: Medyo bilisan mo namang mag-ayos. Kaya ka nale-late ng madalas.
- If you checked 11-14 items: Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha mo? Don’t worry, hindi pag-aaksayahan ng mga paparazzi ang hitsura mo. Feeling mo ba celebrity ka?
- If you checked all: Hindi ikaw ang sentro ng universe. Hindi mo rin ikamamatay ang isang araw na walang salamin. Tanggalin mo na rin ang album mo sa facebook na nakahubad ka, nakakadiri na kaya. Magbura ka na rin ng mga pictures mo sa computer, halos di ka na rin makapag-type sa kabagalan na dulot ng mga camwhore images mo.
Camwhore ka ba?
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)








