Independence…
Mahigit isang buwan mula ngayon ay lilipat na kami sa wonderful world of San Pedro, Laguna. Tatawirin namin ang ilang ilog at tatahakin ang isang mahabang landas patungo sa bago naming tirahan.
Well, hindi naman ganun kalayo talaga ang San Pedro. Matinding pakikipagsapalaran lang naman sa traffic ng SLEX ang sasagupain ko araw-araw kung du’n ako manunuluyan. Kaya naman, I decided na mangupahan na lang dito pa rin sa Pasay (or Makati) para malapit pa rin ako sa office. Kung magmumula pa kasi ako sa San Pedro, baka after lunch na ako makarating sa office dahil sa tindi ng lintik na traffic at kabagalan ng morning rituals ko.
At dahil decided na nga akong mangupahan na lang at mapalayo sa mga parents ko during workweek, heto ako ngayon nagmo-moment sa harap ng computer. Sa loob ng 26 years at bilang solong heredero ng aking mga magulang, ngayon pa lang ako mapapalayo ng tuluyan sa kanila. Kahit gaano pala kagusto ng isang anak na maging independent, hindi rin pala ganun kadali ang mapalayo sa magulang.
Marami din akong mami-miss na mga gawain. Mami-miss ko kapag darating ako ng bahay magtatanong kagad ako kay mommy ng “Mi, ano’ng ulam?” Mami-miss ko ang kakulitan ng tatay ko kapag medyo napaparami ng inom ng beer pati yung hindi niya pagkabisado sa mga artista. Hahanapin ko rin yung pagbati sa akin nina Olympus at Leica kapag dumadating ako. And the list goes on…
Mahirap yata talaga ang maging independent sa umpisa. Pero kakayanin ko ‘to. Mararanasan ko na rin ang matulog ng hubo’t hubad at walang pupuna kung may mga tyanak sa pader sa kwarto ko.
Sa mga namumuhay mag-isa at malayo sa mga piling nila, tips naman dyan?
10 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- Last episode. Too many "It isn't what it seems" moment. http://t.co/TPDdVEyL @GetGlue @TheKilling_AMC
- No, I'm not eating. (@ Food Choices w/ 6 others) http://t.co/WJflxtdG
- Gym stereotype characters... Bah!!!
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







go lang. marami kang matututunan. maraming lost perks, pero ito yata yung growing up.
Reply
Billycoy Reply:
February 21st, 2010 at 5:10 pm
salamat. mukhang ngayon pa lang ako tatanda.
Reply
actually, mas masaya ako when I started living on my own. Kahit saan puede ako pumunta. Kahit ano puede ko gawin. Kahit sino puede ko iuwi…hehehe.
Reply
Billycoy Reply:
February 23rd, 2010 at 9:46 am
sana room for rent ang makuha ko at hindi lang bedspace para makapag-uwi na rin ako ng kahit sino.
Reply
tumira ka sa isang apt na mga kaibigan mo ang kasama mo.. less lungkot un.. tapos sa pagkain, wala na ung mga nakahanda agad sa lamesa, either magluluto ka pag hindi ka pa pagod or laging take out.. pero ung oras mo sa iyong sa iyo na.. wala ng manggigising sa iyo.. wala ng tatawag sa pangalan mo.. kaya yan!
Reply
Billycoy Reply:
February 23rd, 2010 at 9:49 am
i’m a lonely guy… wala akong mga friends.
JOKE.
mga kabarkada ko kasi nasa metro manila lang din or nasa abroad na. definitely, ako lang talaga mag-isa ang mangungupahan.
Reply
kumuha ka na lang ng studio type na apartment kung carry ng budget mo.. sa my intersection ng South and Pasay Road ata meron dun.. uwi ka na lang din every weekend.. hehehe
Reply
Billycoy Reply:
February 24th, 2010 at 11:18 pm
Baka room na lang kunin ko. Hindi naman ako antisocial, pero masungit lang ako minsan. Lalo sa umaga.
Reply
malungkot maging independent! masarap pa din may taga linis, taga luto etc haha
Reply
Billycoy Reply:
March 29th, 2010 at 2:35 pm
parang sinabi mo na ring mag-asawa na ako.
Reply