Feb 17, 2010

Surviving the Rush

Busy ang weekend ko. Pagkatapos ng matinding sagupaan sa trabaho nu’ng Friday, nakipagbakbakan naman ako sa mga sunud-sunod na happenings. In fact, dalawang araw akong walang tulog. Dinaan ko na lang sa energy drink saka kape para whole day pa rin akong maligalig.

Pagkatapos ng matinding digmaan sa mga workloads ko nu’ng Biyernes, umuwi na muna ako ng bahay para maligo ng bonggang-bongga. Gumamit ako ng diamond granules para ipanghilod ko at nagsabon ng limang kilong safeguard dahil expected ko ngang wala ng liguan kinabukasan. Nag-toothbrush na nga rin ako ng todo-todo at nagmumog ng clorox. After kong mag-freshen up, nakipag-dinner muna ako sa mga relatives kong balikbayan. Pagkatapos, dumiretso na ako sa meeting place namin dahil maaga kaming aalis papuntang Clark. When I say maaga, talagang maaga. Mga 2am lang naman ng Saturday kami lumuwas sa Maynila.

HOT AIR BALLOON FIESTA 2010

curiosity

Sa Hot Air Balloon Fiesta sa Clark, oh my gulay! Akala namin, kami-kami lang ang pupunta. Nagkalat ang iba’t ibang nilalang dun. Napatunayan ko ngang mahirap ang mga Pilipino, halos lahat ng nandun may DSLR cameras. Naghuhumindig pa ang mga lente nila. Nagmistulang supot na patutuy nga ang kit lens ni Penelope sa mga lente nila. Pero gaya ng prinsipyo sa sex; wala yan sa size, nasa performance yan.

Nitong uwian na, sumabak na kami sa matinding laban ng buhay; ang makahanap ng masasakyan. Dahil wala kaming dalang sasakyan that day at hindi naman walking distance ang Metro Manila from Clark, naki-join kami sa sandamakmak na commuters. Balyahan kung balyahan, wala na ngang pakialamanan kung magkakapalit pa kami ng mga mukha at amoy para lang makakuha ng masasakyan.

Ligtas naman kaming nakauwi. Hindi naman hinimatay ang mga kasamahan ko saka yung bus driver kahit pa 28 hours na akong walang ligo at toothbrush. Dama ko na ngang may nabubuong ecosystem sa balat ko nu’ng gabing yun. Pero kahit gumagapang na ako papasok ng bahay dahil sa pagod at antok, pinilit ko pa ring maligo. Dumidikit na kasi yung singit ko sa brip ko. Saka baka magulat na lang ako ng rainforest sa katawan ko paggising kung hindi ako maliligo.

PYROMUSICAL/CHINESE NEW YEAR/VALENTINE’S DAY

IMGP4748 copy

Nag-family date na lang kami para manood ng Pyromusical at magdinner na rin sa MoA. Dapit-hapon na nga kami nakaalis ng bahay. As usual, kapag may ganito kalaking event sa Mall of Asia matinding kalaban ang traffic. Kung nasa sa amin nga lang siguro ang susi ng mall na ‘to, baka kami na ang nagbukas para nakaiwas pa kami sa traffic.

Sa gold area kami nakapwesto kaya hindi naman ganun kadami ang mga nilalang na nandun. At dahil valentimes nga, dinumog ng mga mag-juwawhoopers ang seafront ng MoA. Kung wala sa mga kainan, nandun sila sa seawall at nilalanghap ang napakasariwang amoy ng Manila Bay.

Naka-survive naman kami sa pag-uwi kasi hindi naman kami nakipagsabayan sa mga nanood at mga nag-date na atat na atat ng pumopoy. Nag-chill muna kami ng parents ko sa parking lot habang hinihintay na lumuwag ang traffic.

——————————–

At dahil sa mga naranasan kong yan, heto ang ilang survival guide kapag pupunta sa mga malalaking kaguluhan at event:

  1. Kung may matatambayang malapit sa lugar, pumunta na lang dun ng mas maaga para hindi ma-hassle sa traffic.
  2. Magbaon ng entertainment para hindi mainip; iPod, PSP, laptop, porn o agogo dancer
  3. Kung gustong makauwi ng maaga at magco-commute lang, huwag ng tapusin ang programa.
  4. Kung tatapusin naman at makikipagsabayan sa madla, magsuot ng protective gear para handa na sa pakikipagbalyahan.
  5. Kung may sasakyan naman at hindi nagmamadali, huwag na huwag makikipagsabayan sa mga nag-uuwian. Hindi na maiipit sa traffic, tipid pa sa gas.

Hayan ang survival guide. Pero kung gustong ma-experience ang mga ganyan, madali lang naman yan suwayin.

1 person likes this post.

4 Comments

  • Hahaha ang haggard nga ng weekend natin. At least masaya naman at maraming pabaong alaaala ng katimangan :P

    Reply

    Billycoy Reply:

    eh buti pa nga kayo nakakatulog sa byahe. ako, hindi talaga. :(

    Reply

  • Haha! May nabuo na palang ecosystem ha! Nice. :D

    Reply

    Billycoy Reply:

    konti na nga lang baka magkaroon na ng civilization. LOL

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines