Browsing articles from "May, 2010"
May 31, 2010

Vacationless Summer

Oh-em-gee! June na. Tapos na naman ang summer at hindi ko man lang napansin. Simula kasi nu’ng nagtrabaho ako, wala ng pinagkaiba ang summer sa ordinary days. Mas mainit nga lang.

Paano ko rin ba mapapansin ang summer? Hindi ko rin naman naranasang magbakasyon. Pinagpala nga ang summer months ng sandamakmak na long weekends ni PGMA, hindi ko man lang nagamit ito. Yung Holy Week vacation, hindi naman ako pwedeng magpakasarap dahil ayun ang mga panahon na naglilipat kami sa San Pedro.

Hindi ko rin na-utilize ang ibang long weekends ko for some valid reasons. Kapag weekends nga mas madalas lang ako sa aming tahanan sa San Pedro dahil nakakatamad lumuwas—I hate that term—papuntang Metro Manila. Kahit nga sa mga inuman, mas madalas akong nag-decline dahil sa mga conflicting scheds.

2 years ago pa ang last vacation ko. Pagkatapos ng pic na yan, ibinalot ako ng barkada ko sa loob ng duyan na yan. I love my friends.

Dalawang magkasunod na taon na akong di nakakaranas ng outing. Kaya naman tigang na tigang na akong makatikim ng buhangin at maalat na tubig. Kahit hindi muna ako makatikim ng sex this year, wala na akong pakialam. Kaya kong magtiis ng libog para lang makatikim ako ng seryoso at relaxing na bakasyon. Kahit pa sa Pansol lang yan kakagatin ko na.

Kapag nangyari yan, malamang magkaroon pa ng engrandeng dance number sa beach (o pool) sa orgasmic na kaligayahan ko.

—————–

Isa sa malaking suliranin ng ating bayan ngayon ay hindi ang magulong takbo ng mga resulta sa eleksyon o ang pagkawala ni Willie Revillame; kundi ang pagkakaroon ng magandang buhok. Madali na lang ang pagkakaroon ng magandang buhok ngayon dahil hindi na kailangan pang ipa-prayover kay Bro. Mike,  mag-alay ng birheng bayawak o lumapit pa sa mga experts. Dahil ngayon, inilagay na ang mga hair experts sa mga bote ng Sunsilk Co-Creations para sa lalong ikakaganda ng buhok niyo.

Note: Hindi pala kasya ang mga hair experts sa bote ng Sunsilk Co-Creations pero partners sila sa paggawa ng mga variants nito

Be the first to like.
May 19, 2010

I IZ 27

Nitong nagdaang May 16, nagdiwang ako ng aking ika-27 kaarawan. Oo, 27 na ako. Pero nasa isip ko talaga 28 na ako, ang weird ‘no? But I’m still 18 years old by heart… and always will be.

Hindi man ako nakatanggap ng isang tumatambling na surprise party at nag-uumapaw na regalo, nakatanggap naman ako ng sandamakmak na greetings. Kaya lubus-lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati, babati at nagbati.

Mababaw lang naman kasi kaligayahan ko, kahit simpleng Happy Birthday at wala ng quotations masaya na ako. Kahit wala ng magazine o regalong matatanggap maligaya na ako… pero siyempre mas masaya kung meron pa rin. Na-overwhelm nga ako sa mga bumati sa akin sa facebook, text, plurk at twitter. Feeling ko nga artista ako, kulang na lang siguro makatanggap ako ng video greeting.

Muli, maraming salamat at naalala niyo ako kahit di na kayo nagco-comment sa blog ko.

Bagamat tapos na birthday ko, patuloy pa rin naman akong tumatanggap ng regalo all-year round; in cash or in kind.

Ang wishlist ko na sana matanggap ko sa mga plurk friends ko.

Himasin… este i-click na lang para lumaki. Or pumunta na lang sa page na ‘to.

Be the first to like.
May 9, 2010

I saw the sign and it opened up my eyes I saw the sign

Samu’t saring mga signs na ang mga nakikita ko. Lindol sa iba’t ibang panig ng mundo. Malalakas na bagyo at matitinding pagbabaha sa iba’t ibang parte ng mundo. Mga tinitingalang personalities na nagkakamatayan. Sari-sari din ang aberya sa automated elections ng ating bansa. Lalong gumagrabe ang epekto ng climate change kaya naman sobrang init ang nadadama natin ngayon na sinabayan pa ng El Nino. May awayang Willie Revillame at Jobert Sucaldito pa. Kaya nadadama kong malapit na talaga.

MALAPIT NA AKONG IKASAL!

 Bakit sikat si Sadako? Kasi lumalabas siya sa TV.

A week ago kasi tinanong ako ng mom ko. Tinanong niya sa akin “Kailan ka kaya magpapakilala ng girlfriend mo sa akin?” Napa-jumping jack ang utak ko at naging straight ang bulbol ko kaya naman natameme na lang ako. “Huwag ka na kasing maghanap ng Brazilian.” patuloy niya. Kaya naman ako nabigla, kasi hindi nagtatanong ng ganun ang mommy. As you know, solong heredero ako ng mga bills niya at hindi basta-basta mapapakawalan ng isang ina ang kanyang unico hijo. As in, hindi siya ang nag-o-open up ng ganu’ng topic.

Kahapon lamang, ako ang nakakuha ng garter sa naganap na kasal ng pinsan ko. Kasi naman, dinadaan na lang sa pag-ihip ng lobo instead na dapat sinasalo ang garter. Weakness ko pa man din yun dahil hindi naman ginawa ang mga bunganga ko para mag-vulcanize ng gulong. Ginawa lang ang lips ko para manghalik ng torrid. Kaya hayun, nadurog ang hita ko dahil ako ang upuan sa Trip-to-Jerusalem na kapalit ng pagsalo ng bouquet. Hinayaan ko na lang, minsan lang naman ako maka-tsansing sa tanang buhay ko.

Kaya ngayon pa lang ay nafe-fressure na ako sa kasal ko. Lalo’t hindi ko pa natatagpuan ang pangarap kong Brazilianang girlfriend.

5 people like this post.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines