Browsing articles from "June, 2010"
Jun 30, 2010

Love, Handles

May bago na tayong Presidente.

Mahalagang okasyon yan sa ating bansa. Pero may iba pang mas mahalaga sa akin, ang company outing namin this July. Oo, tapos na summer at simula ng tag-ulan. Walang basagan ng trip, heto gusto namin eh. Bakit ito mahalaga sa akin? Kasi kailangan kong magpa-macho lalo’t kailangan kong mag-topless sa beach. Alanganin namang maligo ako ng naka-sweater at jogging pants ‘no?

Di naman ako tumaba ng husto, pero naaasiwa lang akong makitang sumasampa ang tyan ko sa garter ng brip ko. Currently kasi, aapat at dalawang kalahati ang abs ko. Tapos may love handles pa ako, kaya within two weeks dapat maging sexy ako. Hindi ko naman kailangang magpalaki ng pecs at biceps, lalo’t di ko naman magagamit yun araw-araw. Hindi naman yata ganun kabigat ang keyboard at mouse ‘di ba? Kailangan ko lang magkaroon ng abs, abs all over my body — kahit pa sa mukha.

 

 

Madali lang naman magpapayat. Ano ba naman ang kainin ko ang skyflakes at tubig for breakfast, lunch, dinner at merienda. Pwede rin naman akong maglakad mula San Pedro, Laguna hanggang Makati araw-araw. Ayoko namang maging anorexic nor maging bulimic, pwede namang daanin sa diarrhea ang pagpapapayat.

Pero kung walang mangyayari within two weeks, dadaanin ko na lang sa iyak at sa dasal na sana may babaeng sumabit sa love handles ko.

——————-

Kung di naman kayo nakapunta sa inauguration party sa Quezon City, pwede pa rin namang mag-celebrate sa 1st Anniversary Party ng Flippish.com sa Fiamma. Basta mag-register lang sa Flippish.com at pwede ng maki-tgsh tgsh sa Fiamma.

Be the first to like.
Jun 16, 2010

Pogi Points

Maraming gustong umagaw ng pwesto ko sa kagwapuhan at ginagawa lahat ng paraan para magmukhang gwapo. Pero ang totoo nyan, para-paraan lang naman para maging gwapo… na hindi lang sa mga mata ng magulang.

 

  • Posture. Alam na nating lahat yan. Iba talaga ang dating kapag maganda ang tindig at porma. Kesehodang naligo pa sa poso negro at na-marinade pa sa sariling pawis basta nasa postura pa rin, hot pa rin yan sa paningin ng iba. Pero hindi porke’t sinabing postura ay bawal ng huminga.
  • Cars. Malakas din ang appeal ng mga lalaking may sariling kotse, lalo na kung gwapo rin ang kotse. Pero mag-ingat lang sa mga luxury cars lalo na kung black. Baka kasi magmukhang driver ng sinasakyan. Kaya kung mapera naman at may magarang Chrysler, kumuha na rin ng driver.
  • Sensitive side. Pogi points din sa mga chicks ang pagkakaroon nito. Kaya nitong tunawin ang puso ng isang babae kapag ipinapakitang nangingilid ang luha sa isang nakakalungkot na sitwasyon. Ok lang na lumuha, pero wag lang ngumawa kapag nakitang nahihirapan si Rainbow Brite o may namatay sa Carebears.
  • Angas. Dapat may konting angas at konting yabang din. Appealing din kasi ang pagiging bad boy paminsan-minsan. Lalo na kung adventurous din ang babae sa kama at medyo masokista. Pero kung wala na sa kama, wag ng magpakaangas. Baka ma-gabriella ka pa.
  • Abs. Pogi points din kapag nakikita ng babae na pinapangalagaan ang katawan. Mas dama kasi nilang secure sila sa lalaking mamasel-masel at kayang humabol sa mga snatcher. Basta wag lang mas mahalin ng labis ang sariling abs dahil hindi mo naman mapapakasalan yan.

Hindi niyo na kailangang guluhin pa ang buhok niyo para maging kamukha si Robert Pattinson o mag-sing and dance number para lumevel kay Zac Efron para matawag na gwapo. Nadadaan din naman yan sa taste at kapag nagustuhan din naman ng iba ang taste mo, pwede ng simulan ang magtikiman.

Pero kahit anong gwapo niyo, mas gwapo pa rin naman ako ng di hamak sa inyo.

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines