Pogi Points
Maraming gustong umagaw ng pwesto ko sa kagwapuhan at ginagawa lahat ng paraan para magmukhang gwapo. Pero ang totoo nyan, para-paraan lang naman para maging gwapo… na hindi lang sa mga mata ng magulang.
- Posture. Alam na nating lahat yan. Iba talaga ang dating kapag maganda ang tindig at porma. Kesehodang naligo pa sa poso negro at na-marinade pa sa sariling pawis basta nasa postura pa rin, hot pa rin yan sa paningin ng iba. Pero hindi porke’t sinabing postura ay bawal ng huminga.
- Cars. Malakas din ang appeal ng mga lalaking may sariling kotse, lalo na kung gwapo rin ang kotse. Pero mag-ingat lang sa mga luxury cars lalo na kung black. Baka kasi magmukhang driver ng sinasakyan. Kaya kung mapera naman at may magarang Chrysler, kumuha na rin ng driver.
- Sensitive side. Pogi points din sa mga chicks ang pagkakaroon nito. Kaya nitong tunawin ang puso ng isang babae kapag ipinapakitang nangingilid ang luha sa isang nakakalungkot na sitwasyon. Ok lang na lumuha, pero wag lang ngumawa kapag nakitang nahihirapan si Rainbow Brite o may namatay sa Carebears.
- Angas. Dapat may konting angas at konting yabang din. Appealing din kasi ang pagiging bad boy paminsan-minsan. Lalo na kung adventurous din ang babae sa kama at medyo masokista. Pero kung wala na sa kama, wag ng magpakaangas. Baka ma-gabriella ka pa.
- Abs. Pogi points din kapag nakikita ng babae na pinapangalagaan ang katawan. Mas dama kasi nilang secure sila sa lalaking mamasel-masel at kayang humabol sa mga snatcher. Basta wag lang mas mahalin ng labis ang sariling abs dahil hindi mo naman mapapakasalan yan.
Hindi niyo na kailangang guluhin pa ang buhok niyo para maging kamukha si Robert Pattinson o mag-sing and dance number para lumevel kay Zac Efron para matawag na gwapo. Nadadaan din naman yan sa taste at kapag nagustuhan din naman ng iba ang taste mo, pwede ng simulan ang magtikiman.
Pero kahit anong gwapo niyo, mas gwapo pa rin naman ako ng di hamak sa inyo.
4 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- Happy 18th birthday @p0yt!!!
- @mspiggypop ang dali lang kaya. :P
- @mspiggypop wordpress is good. :D
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







Di mo na kelangan ng auto!
Reply
Billycoy Reply:
June 17th, 2010 at 12:15 pm
Syempre naman. Baka kasi lumagpas na ako sa level ng kagwapuhan kapag may gwapong auto rin ako.
Reply
Mostly totoo ito para sa girls! hahaha! Bakit wala dito yung pagiging simpatikong romantiko?
Reply
Billycoy Reply:
June 18th, 2010 at 9:53 am
Baka maturnoff ang readers sa akin. Sabihin masyado akong cheesy, mabawasan pa ako ng pogi points.
Reply