Browsing articles from "July, 2010"
Jul 29, 2010

Fly Me

Maraming nakakaalam na hindi pa ako nakakaranas na lumipad.

MALAMANG!

Hindi naman kaya ako ibon, pero may bird ako. Pero hindi naman ako kayang liparin ng bird ko, kaya lang akong dalhin nu’n sa rurok ng  kaligayahan. Hindi ko rin naman kalahi ang mga Mulawin o yung mga nahahati ang katawan ko para lumipad tuwing gabi.

Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.

Kaya naman nang makita ko itong contest sa Facebook naisipan kong sumali. Why not? Ang natatanging experience ko lang naman na pagsakay ng eroplano ay noong kinder pa ako nu’ng mag-field trip kami sa PAL. Eh hindi rin naman lumipad yung eroplano, so wala rin. Nu’ng 2008, muntikan din akong magkaroon ng business trip sa Cebu. Kaso, dahil sa sabrang excitement, napurnada tuloy. Hayun, virgin pa talaga ako sa pagsakay ng LUMILIPAD na eroplano.

Sana nga palarin ako, kahit runner up lang o kaya kahit sabit lang. Kahit nga wala ako sa economy class ng eroplano, kahit sa estribo lang masaya na ako. O sige, kahit sa buntot na lang ako. Kahit nga hindi na hanggang Boracay ang lipad. Baka nga tumambling na ako sa tuwa kahit mula airport hanggang Makati (o sige Ortigas na para naman malayu-layo) lang ang lipad masabi lang na nakasakay na ako ng eroplano.

Kaya please naman Seair, paliparin niyo na ako. Kahit huwag niyo na akong patulugin sa mga kumportableng kwarto ng Microtel papayag na ako basta makalipad lang ako. Kahit lumapag lang sa airport tapos balik ng Maynila, sapat na yun para sa akin.

Oo, pathetic ako. Pero kung ikakaloob niyo sa akin ‘to, pinaligaya niyo na rin ang kalahati ng buhay ko.

P.S. Pwede niyo rin akong gamiting talent sa mga print ads at TVC niyo.

Be the first to like.
Jul 20, 2010

A Taste of Sand

Sa wakas, nakatikim na rin ako ng buhangin! Hindi gamit ng aking bunganga ha, kundi gamit ng aking paa. May tastebuds kasi ang mga paa ko kasi ipinaglihi ako sa langaw. Bagamat di na summer nang makatikim ako ng buhangin at tubig-alat, ok lang naman kasi di masyadong natusta ang aking balat. Mamula-mulang brown lang naman ang kulay ko ngayon, o yung kulay ko lang kapag lasing—saka effective yung sunblock na nabibili in sachet sa SM, pramis.

Hindi nga rin nawala ang love handles ko at medyo nahihiya pa ang apat at kalahating abs ko. Guguhitan ko na nga lang sana ng pentel pen o kaya papahiran ng makeup ang tyan ko para masabing may abs ako, kaso masyado na akong atat na mag-beach. Pero dahil off-peak season, walang mga naggagandahang dilag sa beach. Lahat ng mangilang-ngilang babaeng nandun ay mga bilasang hitad.

Nag-kayak pa nga kami. First time kong mag-kayak kaya naman kinarir ko ng husto ang pagsagwan. Nu’ng una masaya, mabilis pa ang takbo namin. Aba’y nu’ng naglaon na, bumabagal na kami. Nakakapagod din pala ang pagsagwan. Lalo ang style pa ng pagsagwan namin ay yung Artistang Sagwan. Yung style ng pagsagwan na magandang pang photo op, yung talagang mega-taas ng mga kamay kapag nasa taas ang sagwan bago ito tumama sa tubig. Kaya hayun, sumakit katawan ng kapartner ko sa kayak. Ako hindi. Ako ang nakaisip ng artistang sagwan eh.

Ganyan ang suot ng mga ayaw mangitim sa pagkayak

Pero kulang ang overnight na outing. Kung pwede lang sanang araw-araw ang bakasyon, why not?

Be the first to like.
Jul 3, 2010

Ingrown

Gabi pa lang ng maramdaman kong sumasakit ang aking hinlalaki sa paa. May nipper at mga pusher naman kami kaya sinikap kong tanggalin yung mga dry skin na nakapaligid sa kuko ko. Akala ko kasi humahadlang lang yung mga dry skin na yun sa matiwasay na pagtubo ng aking mga kuko kaya sumasakit. Aba, eh wala na yung dry skin pero masakit pa rin. Napansin kong masyado ng malalalim ang gabi, ayoko pa man ding mapuyat lalo’t magpoporno pa ako, kaya minabuti ko na lang itigil ang ginagawa ko. Inisip ko na lang na baka mawala din naman ito sa paggising ko.

Nanaginip na at nagising na lahat-lahat pero nandun pa rin yung sakit ng hinlalaki ko. “Ingrown na ‘to”, sa isip-isip ko. Kaya kuha ulit ng nipper at pusher at patuloy kong sinaliksik kung bakit ba ako pinaparusahan ng paa ko.

Napansin ng mommy na binubungkal ko yung daliri ko kaya tinanong niya ako, “Bakit? Sumasakit ba?”

“Opo”, tugon ko na may halong kaba at takot na pumapalibot sa aking isip.

“Akin na.”, sabay kuha ng mga paraphernalia sa mga kamay ko.

“Nakupu, heto na!”, sabi ng natataranta kong isip. Parang gusto kong tumakbo papuntang expressway para matakasan ang nakabantang sakit na mararanasan ko.

Master na ng mommy ko ang mga ganitong situation. Marami na rin kasi siyang natanggalan ng ingrown sa tanang buhay niya.  Tinanggal niya muna ang mga natitirang dry skin ng affected na daliri hanggang sa umabot siya sa kaibuturan ng aking mga kuko.

Tumutulo na ang malamig kong pawis sa aking napakagwapong mukha. Humihigpit ang hawak ko sa armrest ng kinauupuan ko. Nagngingitngit na ang aking mga ngipin. Nanawagan na ako kina Gat Jose Rizal, Andres Bonifacio, Pio del Pilar at Bayani Casimiro pero parang wala silang telepathy kaya di nila ako nadidinig. Gusto ko na ring tawagan si Noynoy Aquino at si Barrack Obama baka matulungan nila ako. Gusto ko na ring umigtad at lumuha sa sakit, pero pati mga luha ko umuurong na rin katulad ng mga bayag ko. Parang mamamatay na ako.

Hanggang “ooh” “aaah” at “aray” lang ang kaya kong isigaw in real life. Pero kung ita-translate yun:

“PUTANGINA! AYOKO NA! NAGSISISI NA AKO. HINDI NA AKO MAGPOPORNO SA KALALIMAN NG GABI. HINDI KO NA PAGNANASAAN SI SASHA GREY. HINDI KO NA PAGLALARUAN ANG PATOTOY KO! MAGBABAGONG BUHAY NA AKO. HINDI NA AKO MAGIGING MAHALAY. MAGIGING WHOLESOME NA AKO. HINDI KO NA LALAITIN SINA ALJUR, JOBERT, MAHAL AT AURING. MAMIMIGAY NA AKO NG PERA SA MGA PULUBI. SASALI NA AKO SA MGA CHARITY FOUNDATIONS. HINDI NA AKO AAPAK SA DAMUHANG MAY ‘KEEP OFF THE GRASS’ SIGN. HINDI NA AKO MAGMUMURA. PUTANGINA! PUTANGINA! AYOKO NA!”

Please pardon my French.

Natapos na. Nakuha na ni mommy ang ingrown. Nagmistula akong patotoy na nanlambot pagkatapos ng matinding sex. Malamig ang pawis na lumalabas sa aking mga balat. Nararamdaman ko ring nanginginig ang mga taba at laman ng aking katawan. Parang nilalagnat pa nga ako afterwards. Hindi ko akalaing ganun pala kasakit tanggalan ng ingrown, lalo’t hindi naman ginamitan ng anesthesia ang daliri ko. Eversince naman kasi hindi ko naranasan ang magkaroon ng ingrown. Ngayong nalaman ko na masakit pala talaga. The word “masakit” is an understatement. Ayoko na maranasan pa yun ulit. It’s a near death experience, pramis!

Nagka-ingrown na ba kayo?

1 person likes this post.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines