A Taste of Sand
Sa wakas, nakatikim na rin ako ng buhangin! Hindi gamit ng aking bunganga ha, kundi gamit ng aking paa. May tastebuds kasi ang mga paa ko kasi ipinaglihi ako sa langaw. Bagamat di na summer nang makatikim ako ng buhangin at tubig-alat, ok lang naman kasi di masyadong natusta ang aking balat. Mamula-mulang brown lang naman ang kulay ko ngayon, o yung kulay ko lang kapag lasing—saka effective yung sunblock na nabibili in sachet sa SM, pramis.
Hindi nga rin nawala ang love handles ko at medyo nahihiya pa ang apat at kalahating abs ko. Guguhitan ko na nga lang sana ng pentel pen o kaya papahiran ng makeup ang tyan ko para masabing may abs ako, kaso masyado na akong atat na mag-beach. Pero dahil off-peak season, walang mga naggagandahang dilag sa beach. Lahat ng mangilang-ngilang babaeng nandun ay mga bilasang hitad.
Nag-kayak pa nga kami. First time kong mag-kayak kaya naman kinarir ko ng husto ang pagsagwan. Nu’ng una masaya, mabilis pa ang takbo namin. Aba’y nu’ng naglaon na, bumabagal na kami. Nakakapagod din pala ang pagsagwan. Lalo ang style pa ng pagsagwan namin ay yung Artistang Sagwan. Yung style ng pagsagwan na magandang pang photo op, yung talagang mega-taas ng mga kamay kapag nasa taas ang sagwan bago ito tumama sa tubig. Kaya hayun, sumakit katawan ng kapartner ko sa kayak. Ako hindi. Ako ang nakaisip ng artistang sagwan eh.

Ganyan ang suot ng mga ayaw mangitim sa pagkayak
Pero kulang ang overnight na outing. Kung pwede lang sanang araw-araw ang bakasyon, why not?
4 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- Happy 18th birthday @p0yt!!!
- @mspiggypop ang dali lang kaya. :P
- @mspiggypop wordpress is good. :D
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







Sa totoo lang, natutuwa ako na nakapag-beach ka. Sana next time lipad ka naman sa bandang visayas o mindanao
Reply
Billycoy Reply:
July 20th, 2010 at 5:46 pm
Masaya na nga ako kung makalipad ako from Makati to Ortigas. LOL
Reply
Congrats at nakapag-beach ka din sa wakas! Yehey!
Haha. Malay mo naman may mga natira pang mga magagandang dilag na taga baryo mismo na malapit sa beach. Hehe.
Kakamiss ang mga beaches ng Pinas!
Reply
Billycoy Reply:
July 23rd, 2010 at 12:22 pm
kung hindi ikaw ang makakapunta sa beach ng pinas, ang beach ng pinas ang pupunta sayo!
Reply