Browsing articles from "August, 2010"
Aug 17, 2010

Ready to Love

Habang nagmo-moment ako sa saliw ng Imma Be sa loob ng bus na tinatahak ang byaheng pauwi, sumagi sa isip ko, “Kaya ka di nagkaka-syota kasi masyado mong nililimitahan ang sarili mo”. Masyado ko na kasing nililimitahan ang mga kilos at mga lugar na pinupuntahan ko, idagdag pa dyan ang pagiging pihikan ko. Bente syete na ako, kailangan ko na ng lovelife!

Dahil gusto ko ng lovelife, dapat malaman din nila kung sino at ano ba magagawa nila kay Billycoy, di po ba?

  • Ang magiging syota ko, dapat kayang pagpasensyahan ang kasungitan ko at mga mood swings ko.
  • Kailangang napagsasabihan niya ako kapag di ko napipigilan ang mga daliri ko na mangulangot.
  • Maipadama sana niya sa akin na may bukas pa para mapabagal ko naman ang aking pagkain.
  • Mapakalma niya ang aking nagngangalit na damdamin laban kina Aljur at iba pang nakakabwisit na artista sa TV.
  • Mapagbigyan niya rin sana paminsan-minsan ang mga kaartehan ko sa buhay.
  • Samahan niya rin ako kapag nanonood ng sine saka porno.
  • Maparanas niya sa akin ang maraming bagay, paglalakbay, masarap na pagkain… at ang langit.
  • Matiis niya ang malamyos kong tinig kapag kumakanta ako out of nowhere.
  • Ma-satisfy niya ang libog ko.
  • Ma-tolerate o di kaya’y sasakyan niya ang kababuyan at kahalayan ko.
  • I-harass o reypin niya ako sa mga panahong nangangailangan.
  • Hindi siya masusuka o ikakahiya ako kapag gumigiling ako sa mga senswal na tugtugin.
  • Ma-satisfy niya ang libog ko.
  • Yayakapin niya ako at pupupugin ng halik kahit hindi ako sanay sa mga ganung bagay.
  • Tuturuan niya akong mag-bike at iba pang kaalaman sa buhay.
  • Mauunawaan niyang hindi ko siya maihahatid pauwi parati dahil malayo din ang inuuwian ko.
  • Ma-satisfy niya ang libog ko.
  • Hindi niya ako pipiliting kumain ng Sinigang na Isda sa Miso.
  • Titiisin niya ang corny jokes ko.
  • Napapatawa at nare-relieve niya ang stress ko… kahit hindi through sex.
  • Tatawagan o ite-text ako sa cellphone para kamustahin at awayin.
  • Higit sa lahat, mamahalin niya ako… at masa-satisfy niya ang libog ko.

Like what I keep on saying, hindi naman ako nagmamadali. Pero sana, meron na this year. Kung wala naman ngayong taon, pwede namang iiyak na lang o kaya mag-emotional gaming sa facebook. Kung hindi naman talaga pwede, maghahanap na lang ako ng cougar na kasing yaman ni Aling Dionesia para naman madagdagan pa ang yaman ko, di ba?

2 people like this post.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines