Sep 6, 2010

Commuters’ Survival Kit

Kanina, na-traffic na naman ako sa SEX… este SLEX at Skyway. Ganyan talaga kasaya ang buhay naming mga nananahan sa suburbia. Although, hindi na bago ang traffic sa Pilipinas, lalo na sa Metro Manila. Ang EDSA nga, hindi na maaasahang lumuwag pa yan on weekdays, maliban na lang kung maghimala ang Dakilang Juday at pasabugin lahat ng mga colorum na sasakyan doon. Ang traffic naman sa SLEX ay ibang-iba sa EDSA. Kung sa EDSA, consistent ang traffic araw-araw, sa SLEX naman ay napaka-inconsistent. Minsan, may mga araw na maluwag ang kalsada, may mga araw naman na ma-traffic. Minsan nga, kung hindi linggo, isang buwan na ma-traffic pero sa mga susunod na linggo o buwan, bigla namang luluwag. Consistent lang ang traffic sa SLEX tuwing Biyernes ng gabi.

Kaya naman kapag expected na ang traffic sa SLEX, nakaka-aksaya lang ng laway ang palagiang pagrereklamo dito. Sa araw-araw ba namang traffic, di pa ba magsasawa sa kakatalak at pagiging bugnutin dahil sa traffic? Ang daily traffic at haba ng byahe, dinadaan lang yan sa survival kit.

  • TV. Kaya karamihan ng bus ngayon may TV para maiwasan ang pagkabagot ng mga pasahero nito. Nasusubaybayan ko na nga ang iba’t ibang mga teleserye dahil sa palagian kong pagsakay ng bus. Pagtyagaan na lang din ang mga tagalog movies, B-movies at mga pelikula nina Jason Statham, Steven Seagal at ibang action stars. Pero kung inabot ng Umagang Kay Ganda kahit gabi ka umalis o marathon ng Harry Potter movies ang palabas sa TV, magwala na dahil ibig sabihin matinding traffic ang dadaanan niyo.
  • MP3 players. Malaking bagay talaga ang mga iPod at MP3 players para sa mga commuters. Kahit nga siguro FM tuner pwede na. Nalilibang kasi ng music ang byahe. Lalo na yung sa mga kantang napapasabay pa sa lyrics nito. Damhin pa lalo ang kanta habang nakadungaw sa bintana ng bus. Perfect yan lalo ngayong tag-ulan parang music video lang para sa mga videoke machines, di ba? Daanin lang sa pag-lipsynch, baka akalain kasi ng ibang pasahero na hina-hijack na kayo o something.
  • Cellphone. Kung feeling mayaman o naka-unlimited texting, sige, go lang ng go sa pagtext at pagburaot sa mga barkada habang nasa byahe. Kahit di nga kabarkada ang i-text. Pwedeng makipag-textmate o di kaya maging asshole na nanghihingi ng load sa random numbers. Pero kung walang ka-text o katelebabad, i-text na lang ang sarili at mag-reply na lang sa sariling text.
  • Food. Kapag regular na malayo ang byahe, dapat lang na magbaon ng pagkain lalo na’t hindi maaasahan ang traffic. Hindi naman necessary na kanin, lechon o mga pang-engrandeng picnic ang baunin. Kahit mga simpleng chips, cookies at mga chichirya lang naman. Pero walang makakatalo ang pagkain ng mani sa bus. MASARAP NAMAN KASI TALAGA ANG MANI!
  • PSP/iPod Touch/iPad/iPhone/Android phone or any multimedia gadget. Sa pamamagitan ng mga ito, pwedeng maglaro, makinig ng music, magbasa ng e-books o manood ng videos kung saan-saan man o sa byahe. Kaya i-ready na ang literotica, recorded voice ng ka-phonesex niyo sa Skype at mga porno. Gumamit na lang ng headset para di ma-eskandalo ang ibang pasahero. Kung interesado ang katabi, pwedeng i-share sa kanya ang pinapanood na porno. Magbaon na lang ng tissue just in case na mag-wet sa byahe.
  • Travel buddy. Kung ang kaibigan o juwawhoop niyo ay same way lang sa byahe pauwi, sagot na ang boredom. Pwedeng makipagkwentuhan o makipaglaro ng “Nanay-Tatay” o “Singkamas, Singkamas” habang bumibyahe. Pwede kakuntsabahin sa pang-ookray sa bawat pasaherong pumapasok sa sasakyan. Pero the best kapag malalim na ang gabi. Pwedeng pumwesto sa kasuluk-sulukan kasama si juwawhoop at gumawa ng milagro. Kung ma-traffic pa, baka ilang putukan din ang mangyari.

Wala pa mang solution sa traffic, pero may sagot naman para sa kabagutan. Pero kung driver kayo at napapagod na kayo sa byahe… Sige, magwala na kayo at umiyak na lang sa kinauupuan niyo.

1 person likes this post.

4 Comments

  • Kung bakit nitong taon ko lang nadiskubre ang mga sari-saring audio books na mada-download mula sa internet… malaking tulong sa akin ang audio books sa pagbawas ng stress dulot ng trapik. Dati laging umiinit ang ulo ko kapag natatrapik ako dahil iniisip ko na nasasayang lang ang oras ko. Ngayon, hindi ko na naiisip yun. Marami akong natututunan at lalong nahihinang ang aking imahinasyon sa pakikinig ng iba’t ibang audio books, mapa-nobela man o sariling-tulong (self-help).

    Reply

    Billycoy Reply:

    So kahit sa loob ka na lang pala ng sasakyan magtrabaho?

    Self-help? Parang iba naiiisip ko. hrhrhrhr

    Reply

  • Ang survival kit ko naman ay mp3 player at pamaypay. Never ako naglalabas ng gadgets ko sa commute (pati cellphone, iniiwasan kong gamitin) kasi mahirap na. Maraming mga makati ang kamay sa paligid-ligid.

    As for the TV, ay grabe minsan (MADALAS) kadiri yung mga sine na pinapalabas. As in bloody and goryyyyyy. Tapos ang lakas ng speaker kaya mapaptingin ka talaga kahit ayaw mo :( Mas okay pa sana kung B-movie na martial arts na lang.

    Reply

    Billycoy Reply:

    Ako naman, naglalabas lang ng cellphone kapag wala akong katabi sa upuan o mas maganda ang gadget ng katabi ko. Nagtya-tyaga na lang din ako sa iPod kadalasan.

    Kanina, Salt ang palabas sa bus, kaso di ko natapos. :(

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines