Sep 24, 2010

I’m happy

Masaya ako sa buhay ko.

Masaya ako sa mahabang byahe ko papasok at pauwi kasi napapatugtog ko na lahat ng nasa playlist ng iPod ko.

Masaya ako sa panonood ng Survivor Philippines kahit na isinusumpa ko si Richard Gutierrez sa tuwing makikita ko siya sa TV.

Masaya ako sa paghigop ng mainit na tsaa pagkatapos ng tanghalian kahit na naje-jebs ako pagkatapos uminom.

Masaya ako sa chocolates dahil nire-release nito ang aking serotonin.

Masaya ako sa Dairy Queen Blizzard

… ganun din sa Jollibee Champ

… sa sisig ni Kuya Ruel (kahit naman i-describe ko siya di niyo naman siya makikilala)

… saka sa Quickly Choco Loco Super.

Masaya din ako sa nabili kong mid-level Android phone na Samsung Galaxy Spica.

Masaya na rin ako sa online streaming ng porn.

… at kinukulang sa tulog dahil dito.

Masaya akong natutulog ng topless kahit na naninigas ang mga utong at nagni-nyebe na ang tamod sa loob ng bayag ko dahil sa lamig.

Masaya ako sa once a week na pagkain ko ng pomodoro pasta dahil pinapahaba ng lycopene ang buhay ko.

… bukod sa pinapakinis ng kamatis ang aking kutis.

Masaya din ako sa mga meals ng Pao Tsin kahit na mina-migraine ako pagkatapos dahil sa sandamakmak na vetsin nito.

Masaya ako kahit na wala akong fanpage sa Facebook.

… at hindi umaabot sa isang libo ang friends ko.

Masaya din ako kahit langaw lang ang dumudumog sa blog ko.

Ok lang din kahit kakarampot lang ang nagko-comment sa akin.

Masaya ako kahit na kakarampot lang ang kita ko sa adsense.

Masaya rin ako kahit hindi nai-invite sa mga events at iba pang social gatherings.

Masaya rin ako kahit wala akong natatanggap na swag bags at minsan lang manalo sa raffles.

Masaya pa rin naman ako kahit wala akong syota.

… na magyayaya sa aking manood ng mga cheesy Pinoy movies.

Isa lang naman ang hindi ko ikinasasaya.

Alam niyo ba kung saan ako hindi masaya?

SA PAGLALAGAY NG LINTIK NA LCD PROTECTOR SA CELLPHONE KO NA WALANG BUBBLES!

1 person likes this post.

8 Comments

  • okay, sige na, langaw na ako. Mabuti naman at masaya ka sa maraming bagay ‘liban sa huling binaggit mo. Actually, buti ka pa, masaya. High ka e!!

    Reply

    Billycoy Reply:

    kahit langaw kayo, hindi ko kayo papatayin at bubugawin. ibubugaw ko lang kayo sa mga parokyano ko sa quezon ave.

    salamat! hehehehe

    Reply

  • wow..langaw din ako. haha buti ka pa happy…para mas masaya, maghanap ka ng officemate na may LCD protector sa phone nila tapos purihin mo sila. Tapos pagawa mo ung sa iyo. :)

    Reply

    Billycoy Reply:

    magandang idea yan… kaso puro bubbles din ang gawa nila.

    Reply

  • Punyemas na ‘yan, nagutom ako sa Pomodoro. Kailangan nating mag-inuman nang bongga para maisali ang alak sa ikasasaya mo.

    Reply

    Billycoy Reply:

    sige ba. pero gawin nating maaga, mga tanghaling tapat para mala-sunogbaga tayo. hassle umuwi sa suburbia ng gabi. LOL

    Reply

  • Pinakabit ko yung lcd protector ko dun sa pinagbilhan ko, ang galing! Walang bubbles. Tapos matapos isang buwan, natanggal yung lcd protector habang nasa byahe ako, ayan may bubbles na sya uli. Pakshet.

    Reply

    Billycoy Reply:

    O di ba? Kasumpa-sumpa talaga ang mga LCD protector. grr

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines