Boring It On
Marami akong gustong i-try sa buhay ko. Nababagot na rin kasi ako sa routine ko sa araw-araw. Kung thrilling sa inyo ang humarap sa computer maghapon sa office, bumiyahe ng mahigit isang oras araw-araw, pumunta sa mall para takamin ang mga mata sa mga bagay na di mabili kagad, manood ng teleserye sa bus at humarap ulit sa computer pagdating sa bahay… Aba sige, go! Magsaya kayo.
Wala pa kasi akong nagagawang kakaiba sa buhay ko. Malapit na mag-end of the world pero ang nakakasabik lang na ginagawa ko sa buhay ko ay ang pag-antabay sa mga episodes ng Glee. Bukod sa sex life — na matagal ko ng hinahangad — marami pa akong nais gawin sa aking murang katawan.
Lumabas sa TV. Dear talent scouts, kunin niyo naman ako kahit sa mga TV commercials lang. Kahit di na ako maging artista dahil ayoko rin namang maging ka-level ang mga kinamumuhian kong artista. Ehem Aljur. Lumabas naman na ako sa TV once, mahaba-haba pa nga exposure ko dun sa Probe Team. Pero gusto ko naman yung maayusan ako, kikita ng pera at hindi naman sa late night lumalabas. Kaya nga siguro walang naka-discover sa akin kasi hatinggabi ipinalabas yun. Pero sana kung kukunin niyo akong extra sa TVC, sana makikita naman ang buong mukha ko at hindi nag-eendorse ng mga feeds ng mga manok at baboy.
Gusto kong lumabas sa TV pero hindi naman sa literal na paraan
Magpa-tattoo at magpalagay ng body piercing. Bukod sa patotoy ko, birhen din ang balat ko sa mga kung anu-anong kaekekan. Ewan ko ba kung bakit kung kailan nasa quarterlife na ako dun ko pa naisipan ang mga ganitong bagay. Gusto ko pa man ding tattoo ay isang higanteng Tweety bird na naka spread ang wings sa aking likod. Kaso mukhang di bagay, Badtz Badtz Maru sa pagitan ng aking pusod at ng aking etits na lang.
Magtrabaho sa ibang bansa. Kung hindi mag-push through ang pangarap kong maging “haging” commercial model, dapat siguro mangibang bayan na lang ako para magtrabaho. Who knows? Baka nandun lang pala ang sexlife at lovelife na hinahanap ko. Bukod dun, feeling artista pa ako kapag nagbalikbayan ako.
Mag-drive. Hindi ako marunong mag-bike pero di ibig sabihin nun di na ako pwedeng mag-drive ng kotse. Una sa lahat, apat naman ang gulong ng kotse kaya imposible namang matalisod pa ako. Good luck nga lang sa akin. Kasi kailangan kong makipagsabayan sa mga bus at mga truck sa SLEX.
Swim the english channel. Wala lang. Parang ang cool lang kasing pakinggan kung malangoy ang english channel.
Sana mangyari ito bago magunaw ang mundo or else… kawawa naman ako.
4 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)








pareho tayo. andami ko rin gustong gawin.
pero ako, nililista ko ang aking “to do list” every start of the year.
hindi ako gumagawa ng new year’s resolution. “TO DO LIST” ang ginagawa ko.
Reply
Billycoy Reply:
October 15th, 2010 at 7:18 pm
puro wishlist kasi ang nasa listahan ko. LOL
Reply
LOL ayaw mo ng Hello Kitty tattoo?
dati gusto ko rin magpa-tattoo, kayalang naisip ko masakit un. Kaya wag nalang. hahaha
Reply
Billycoy Reply:
October 15th, 2010 at 11:32 pm
pain is nothing when experience is everything
Reply