Oct 28, 2010

Turn Around Bright Eyes

Ang taong tumatanggi sa grasya, lumalabo ang mata. - taong makapal ang mukha

Recently, nalaman kong malabo na pala ang aking mga mata. Hindi naman ganun kalala na di ko na nakikita ang 1 cm na layo sa aking mga mata. Kaya ko pang manood ng porn at magbasa ng smut magazines na di pa nagsusuot ng salamin. In fact, ginagawa ko nga itong blog ko na walang suot na salamin. Yup, nearsighted (myope) ako na may 75 na grado sa magkabilaang mata. Kaya ngayon natupad na ang pangarap kong magkaroon ng salamin—oo, pinangarap ko yun—na di rin pala ganun kasaya.

Napapanahon na para pangalagaan natin ang ating paningin lalo sa ngayong napapanahon ang mga computers.

  • Dilaw. Ugaliin ang pagkain ng kalabasa and the likes na mataas sa Vitamin A. Okay, orange ang carrots, pero counted pa rin yun. Mayaman din sa beta carotene ang carrots kaya pwedeng magbigay sa inyo ng natural orange tan glow. Iwasan lang ang mga naninilaw na mga galing Saudi. Hindi sila nagtataglay ng Vitamin A, ginto lang ang dala nila.

  • Protection. Kapag nasa arawan, ugaliin ang pagsuot ng sunglasses. Di lang nito poprotektahan ang mata laban sa UV rays, magmumukha pa kayong artistahin.
  • Illumination. Hangga’t maaari, magbasa at gumawa sa mga maliliwanag na lugar. Ang mga mata natin hindi katulad sa mga kuwago kaya huwag pahirapan ang sarili.
  • Zoom. Gamitin ang zoom function ng computer at mga player lalo na kung gustong makita ng up-close and personal ang genitalia ng mga paboritong pornstars. Hindi nga lang ‘to gagana sa most japanese porn movies na pixelated sa mga private parts.
  • Wear it. Kung may salamin na, isuot ito at huwag matigas ang ulo. Pwedeng mag-contact lens kung ayaw magsalamin. Ang taong malabo ang mata na di nagsasalamin, may tae sa puwet.
  • Check up. Magpa-check up sa optometrist at least once in two years o kung napupunang unti-unting nanlalabo ang paningin. Kung nagdidilim ang paningin naman, daanin lang sa deep breathing, pero kung di makahinga… condolence na lang.
  • Tanggapin ang grasya. Kagaya ng intro ko, ang tumatanggi sa grasya, lumalabo ang mata.

Dahil nakalimot ako sa mga alituntuning yan, kailangan ko na tuloy magsalamin. Doon ko lang na-realize na HD na pala ang mundo ngayon, akala ko kasi VCD quality pa rin. Pero kung kagaya ko na pangarap ang magsuot ng prescription glasses, magpakagago lang para lumabo ang mata. Cool ang magsalamin, pero di cool ang lumabo ang mata.

Pero ako, aminadong di naman ako cool, kasi HOT naman talaga ako.

Be the first to like.

6 Comments

  • To be honest, pangarap ko ring magsuot ng salamin para magmukhang geek at matalino kahit na bopols na bopols naman talaga ako. haha. Wala lang, naastigan lang ako kapag nagsusuot ng salamin. Pero ayun nga, last itme na nagpa-check up ako, may grado na rin ang mata ko, 65-75 naman. Pareho tayo. pero hinid ko naman sinusuot yung salamin ko, nakakairita pala. haha..

    Patambay na dito, ni-add na pala kita sa blogroll ko.

    Reply

    Billycoy Reply:

    Ako sinusuot ko kapag nasa labas ako. Gwapo pa rin naman kasi ako kahit may salamin.

    Salamat sa pag-add sa blogroll mo. :D

    Reply

  • hehe..fun ng post mo.. dumaan lang.. add me to your bloglist and drop by my blog.. just click on my name.. yey.. thnx

    Reply

    Billycoy Reply:

    Naku, ang mga dumadaan sa blog ko sinisingil ko ng toll fee.

    Reply

    russ Reply:

    penge nalang ng balato khit 1mil lang..hehehe.. pangarap ko talaga mag travel around the phils and then around the world hanggang sa mamatay ako kapag ako ang nanalo..

    Reply

    Billycoy Reply:

    hindi ako namimigay ng pera. pinaghihirapan ang perang ikinakaloob ko. muhahahaha

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines