SMP
Ewan ko ba kung bakit marami na ako ang naiisip tuwing makikita nila ang TV ad na ito. Hindi ko mawari kung dahil may resemblance ako sa model o dahil ba sawi lang ako sa pag-ibig? Well, di naman ako sawi sa pag-ibig dahil una sa lahat, hindi pa naman ako umibig o nabasted dahil sa tanang buhay ko ay di pa ako nanliligaw. TRUE STORY!
SMP o Samahan ng Malamig ang Pasko, ganyan daw ang tawag sa Pasko ng mga sawi. Hindi nga ako kasama dyan, like what I said earlier, hindi nga ako sawi! Oo, lonely at loveless, pero hindi brokenhearted. Kung lamig lang ng Pasko ang pag-uusapan, madali namang solusyonan yan. Pwede naman akong makipagniig sa unan sa mga malalamig na gabi o kaya ikiskis na lang sa mga tiles ang libog ko.
Hindi lang naman lovelife at sexmate ang pwedeng magpainit ng holiday season ko. Nandyan naman mga magulang na nagmamahal sa akin, nandyan naman ang mga kaibigan na nagbibigay ng moral support kahit financial support ang kinakailangan ko. Nandyan ang mga bully na nangungutya sa akin sa mga panahong stressed ako, may mga kaaway na nagagalit sa akin at kayong mga minamahal kong mangilan-ngilan na readers na kahit bulok na ang mga jokes ko ay tumatawa pa rin.
Sino ngayong magsasabi na malamig ang Pasko ko aber?!
Jackpot
Ang laki na ng jackpot sa lotto. Kaya naman ang pila sa mga lotto outlets daig pa ang takilya ng sinehan at pila sa banyo ng babae. Sino ba naman kasi ang hindi mae-engganyo sa jackpot na mahigit kalahating bilyong piso? Pero wag na kayong mag-atubili at pahirapan pa ang mga sarili niyo sa pagpila dahil sigurado naman na ako ang makakakuha ng jackpot.
At kapag nakuha ko na ang jackpot magagawa ko na ang lahat ng gusto ko.
Mang-api ng tao. Pangarap ko kasing maging kontrabida. Pero di yung mga bigotilyong hacienderong kontrabida ha. Alam niyo yung mga nagbubuhos ng red wine sa mukha, nanghahambalos ng labada, nananampal ng maleta ng pera at may nakakatakot na tawa? Ganun ang pangarap ko simula noong semilya pa lang ako.
Magkaroon ng alipin. Dahil gusto kong mang-api, dapat meron din akong mga alipin. Gusto ko yung may mga susunod sa mga utos ko. Gusto ko rin yung may iba-ibang klase ng alipin ang meron ako. May sex slave na tutuparin lahat ng kalibugan ko, talking slave para meron akong kadaldalan, inggiterong slave para may maiinggit ako kapag namimili ako ng kung anu-ano.
Maging druglord. Ayokong maging stagnant lang aking pera sa bangko. Dapat nga dumoble pa ito para naman may kayamanan pa ring maiiwan sa mga kaapu-apuhan ko. Magandang solusyon ang droga dahil kahit maliit lang ang puhunan malaki naman ang kickback.
Pataubin ang mga business tycoons. Hindi pwedeng sila lang ang kilalang mayaman sa Pilipinas, dapat ako rin. Magpapatayo ako ng mga malls sa bawat subdivision sa Pilipinas para malampasan ko ang legacy ni Henry Sy.
Magpapagawa ako ng autobiography book ko. Gaya ng mga sikat na mga mayayaman, dapat magkaroon ako ng aking sariling libro. Kailangang maikalat sa buong mundo ang lahat ng kabantutang at mga kahihiyang mga pinaggagawa ko.
Ipapaligpit ko ang mga nang-aapi sa akin. No, hindi ko sila ipapapoksa sa mga assassin slave ko. Masyadong madali ang kamatayan para sa kanila. Ipapaligpit ko silang lahat sa loob ng isang balikbayan box at doon ko sila hahayaang magdusa.
Kaya mga kaibigan at mga minamahal kong mambabasa, hangarin niyo na manalo na ako ng jackpot sa lotto para sa ikabubuti ng marami.
Anong gagawin niyo kapag kayo ang nanalo ng jackpot sa grand lotto (na hindi nga mangyayari dahil ako nga ang makakakuha ng jackpot)?
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






