Jackpot
Ang laki na ng jackpot sa lotto. Kaya naman ang pila sa mga lotto outlets daig pa ang takilya ng sinehan at pila sa banyo ng babae. Sino ba naman kasi ang hindi mae-engganyo sa jackpot na mahigit kalahating bilyong piso? Pero wag na kayong mag-atubili at pahirapan pa ang mga sarili niyo sa pagpila dahil sigurado naman na ako ang makakakuha ng jackpot.
At kapag nakuha ko na ang jackpot magagawa ko na ang lahat ng gusto ko.
Mang-api ng tao. Pangarap ko kasing maging kontrabida. Pero di yung mga bigotilyong hacienderong kontrabida ha. Alam niyo yung mga nagbubuhos ng red wine sa mukha, nanghahambalos ng labada, nananampal ng maleta ng pera at may nakakatakot na tawa? Ganun ang pangarap ko simula noong semilya pa lang ako.
Magkaroon ng alipin. Dahil gusto kong mang-api, dapat meron din akong mga alipin. Gusto ko yung may mga susunod sa mga utos ko. Gusto ko rin yung may iba-ibang klase ng alipin ang meron ako. May sex slave na tutuparin lahat ng kalibugan ko, talking slave para meron akong kadaldalan, inggiterong slave para may maiinggit ako kapag namimili ako ng kung anu-ano.
Maging druglord. Ayokong maging stagnant lang aking pera sa bangko. Dapat nga dumoble pa ito para naman may kayamanan pa ring maiiwan sa mga kaapu-apuhan ko. Magandang solusyon ang droga dahil kahit maliit lang ang puhunan malaki naman ang kickback.
Pataubin ang mga business tycoons. Hindi pwedeng sila lang ang kilalang mayaman sa Pilipinas, dapat ako rin. Magpapatayo ako ng mga malls sa bawat subdivision sa Pilipinas para malampasan ko ang legacy ni Henry Sy.
Magpapagawa ako ng autobiography book ko. Gaya ng mga sikat na mga mayayaman, dapat magkaroon ako ng aking sariling libro. Kailangang maikalat sa buong mundo ang lahat ng kabantutang at mga kahihiyang mga pinaggagawa ko.
Ipapaligpit ko ang mga nang-aapi sa akin. No, hindi ko sila ipapapoksa sa mga assassin slave ko. Masyadong madali ang kamatayan para sa kanila. Ipapaligpit ko silang lahat sa loob ng isang balikbayan box at doon ko sila hahayaang magdusa.
Kaya mga kaibigan at mga minamahal kong mambabasa, hangarin niyo na manalo na ako ng jackpot sa lotto para sa ikabubuti ng marami.
Anong gagawin niyo kapag kayo ang nanalo ng jackpot sa grand lotto (na hindi nga mangyayari dahil ako nga ang makakakuha ng jackpot)?
8 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







Kung ako manalo dapat halikan mo pwet ko
Reply
Billycoy Reply:
November 23rd, 2010 at 7:27 pm
di yan mangyayari. kasi ako nga ang mananalo.
Reply
The Diyosa says… Nice, clean lay-out. Love it!
GIVE ME YOUR MILLIONS!
Reply
Billycoy Reply:
November 24th, 2010 at 11:01 am
salamat. holdaper ka ‘te? LOL
Reply
Makatigil na mag-aral at magpalaki na lang ng betlog. Haha. Nakikiepal po.
Reply
Billycoy Reply:
November 25th, 2010 at 9:41 am
Hoy! Wag kang tumigil sa pag-aaral. Hindi magagamit para sa future mo ang malaking betlog.
Reply
Anak ng huweteng natawa naman ako dito. Ako rin pangarap kong maging kontrabida. Since hindi naman ako mananalo sa lotto dahil nga idiniklara mo na ikaw ang mananalo, mag sesettle na lang ako bilang kanang kamay/ bestfriend/ sidekick mo. haha Yung tipong pang background at makikisabay lang sa tawa mo.
Reply
Billycoy Reply:
November 27th, 2010 at 1:10 pm
ayoko ng sidekick, baka traydurin mo lang ako. pwedeng maging alliance na lang.
Reply