SMP
Ewan ko ba kung bakit marami na ako ang naiisip tuwing makikita nila ang TV ad na ito. Hindi ko mawari kung dahil may resemblance ako sa model o dahil ba sawi lang ako sa pag-ibig? Well, di naman ako sawi sa pag-ibig dahil una sa lahat, hindi pa naman ako umibig o nabasted dahil sa tanang buhay ko ay di pa ako nanliligaw. TRUE STORY!
SMP o Samahan ng Malamig ang Pasko, ganyan daw ang tawag sa Pasko ng mga sawi. Hindi nga ako kasama dyan, like what I said earlier, hindi nga ako sawi! Oo, lonely at loveless, pero hindi brokenhearted. Kung lamig lang ng Pasko ang pag-uusapan, madali namang solusyonan yan. Pwede naman akong makipagniig sa unan sa mga malalamig na gabi o kaya ikiskis na lang sa mga tiles ang libog ko.
Hindi lang naman lovelife at sexmate ang pwedeng magpainit ng holiday season ko. Nandyan naman mga magulang na nagmamahal sa akin, nandyan naman ang mga kaibigan na nagbibigay ng moral support kahit financial support ang kinakailangan ko. Nandyan ang mga bully na nangungutya sa akin sa mga panahong stressed ako, may mga kaaway na nagagalit sa akin at kayong mga minamahal kong mangilan-ngilan na readers na kahit bulok na ang mga jokes ko ay tumatawa pa rin.
Sino ngayong magsasabi na malamig ang Pasko ko aber?!
4 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







Tama! Hindi totoo yan. Haha. Ako nga eh sobrang sawi pero kebs lang. Mapapainit ko ang pasko, madami namang nagmamahal. Haha.
Reply
Billycoy Reply:
November 27th, 2010 at 7:12 pm
Tama. Ang saya kaya mamuhay single, di ba?
Reply
It’s how we take it! Ako din malamig ang pasko dahil walang “Bebe ko” pero ayos lang, magkukumot na lang ako! hahahaha.. Gusto mo sukob ka na lang sa kumot ko?! hahahaha
Reply
Billycoy Reply:
November 30th, 2010 at 12:50 pm
gusto mo… ako na lang ang kumot mo?
kaso may bebe ka na. di na lang. LOL
Reply