Dec 10, 2010

A prayer to the gadget gods

O mga dakilang gadget gods, pakinggan niyo ako. Sapagkat wala naman sa mga mambababasa at mga kaibigan ko ang magkakaloob sa akin ng mga gadgets sa darating na Pasko, sa inyo na lang ako magre-request.

Dear Google god, Masaya naman ako sa aking Google experience gamit ng aking Android phone na Samsung Galaxy Spica. Kaya lang, nakakabitin. Kaya sana sa pagdating ng Pasko, biyayaan mo naman ako ng Samsung Galaxy Tab o kaya Nexus S. Pramis, hindi lang sa porn ko gagamitin ang mga devices na yun.

Oh Pentax god, Kalooban mo ako ng Pentax K-r. Gusto kong maging makulay ang aking buhay/ Pero kung mas galante ka pa, Pentax K-5 na lang ibigay mo sa akin. Sa totoo lang, kahit mga lente na lang ibigay mo sa akin lalo na yung telephoto zoom lenses para makapamboso naman ako sa kabilang condo.

Dakilang Apple god. Hindi ikaw, diyos ng mga washington at fuji apple. Sana bigyan niyo naman ako ng Macbook Pro sa araw ng Pasko. Kailangan ko kasi ng Macbook Pro sa professional life ko. Samahan mo na rin sana ng iPod Touch para may entertainment pa rin ako.

O Sony god. Bigyan mo naman ako ng PS3. Matagal-tagal na rin kasi akong di nakakapaglaro sa gaming console kaya sana’y pakinggan niyo ako. Samahan mo na rin ng bala kagaya ng Final Fantasy at 32″ LCD TV para magalak ako ng lubusan ngayong Disyembre at medyo mawala-wala sa isipan ko ang di pa naaatim na lovelife at sexlife.

Dear sex god, Dahil di mo naman ako binibigyan ng sex life, bigyan mo na lang sana ako ng Fleshlight o kaya ng Tenga ngayong Disyembre. Hindi man sila tunay, at least mapapaligaya pa rin ako. Kung sa mga silicon na gamit na lang ako makakatikim ng rurok ng kaligayahan, tatanggapin ko na yun kaysa wala.

Salamat mga gadget gods. Hihintayin ko ang response niyo sa ilalim ng aming Christmas Tree.

3 people like this post.

7 Comments

  • ahhahahaha! A funny read indeed!

    Good luck and happy holidays!! :D Wish those gadget Gods will listen to your prayers :P

    Reply

    Billycoy Reply:

    Thank you and happy holidays too. If they will not listen, I hope they’re reading my blog. LOL

    Reply

  • The gadget geek in me totally approves of this post. Sweet toys.

    Hmm. Have you been a good boy this year? I don’t know… but don’t be surprised if The Almighty Gadget God gives you a phone made out of coal. I’m just sayin’.

    Peace and goodwill. Whatever.

    Reply

    fruityoaty Reply:

    OK, except for the sex toy. Eww. Again, I reiterate… you’ll get everything you desire… made out of coal.

    Reply

    Billycoy Reply:

    Coal is good. I can turn into oil that will make me rich. :P

    Reply

  • ahhahahaha! A funny read indeed! Good luck and happy holidays!! :D Wish those gadget Gods will listen to your prayers :P

    Reply

  • Natawa ako sa last invocation mo :) ) But id love to join you in invoking the Google god.

    Good luck sa mga gods :P

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines