Changes
Kita mo nga naman ang bilis ng panahon. 2011 na pala. Parang kahapon lang ay yesterday, pero ngayon ay today na. Shocks! Halos isang buwan din akong di nakapagblog. Binigyan ko kasi ng palugit ang mga gadget gods para ibigay ang mga hinihingi ko, kaso wala. Ang kakapal ng mga mukha nila, hindi naman pala ibibigay ang mga nais ko pagkatapos kong i-plug ang mga brand nila dito sa blog ko. Kahit man lang sana key chain o button pin, WALA! Hmp.
Pero dahil bagong taon na, ang dami na ring nagbabago. Heto nga lang pagpasok ng taon, kapuna-puna ang bagsik ng climate change. Kahit naliligayahan akong kinikiskis ang aking utong sa kama at ilang beses akong tinitigasan sa madaling araw dahil sa tindi ng lamig, hindi naman ako mapalagay sa mga nakikita ko sa news. Bukod sa may teleserye na naman si Aljur, nababahala ako sa pagbabaha sa ating bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo. Pati mga bansang di normally binabaha ay binabaha na rin.
Sisimulan ko na rin siguro ang aking non-existent showbiz career lalo’t target ko ang mapasama sa Cosmo bachelors this year. Kung kailangan kong magbuhat ng 10-wheeler truck upang tumigas ang maskels ko, lumamon ng adobe para magkaroon ng washboard abs at isuka ang mga lamanloob ko para lang lumabas ang cuts ko, gagawin ko para maging cosmo bachelor ako. Kung di ko naman magagawa yan, dadaanin ko na lang sa kapangyarihan ng aking pera, alindog at kindat.
Kaya kung close kayo kina Tita Charo, Tita Wilma, Tito Boy, Tita Annabelle o may kakilala kayong mga talent managers, paki-reco na lang ako. Kasi kahit mga buhok ko sa kili-kili ay kaya kong paartehin. ‘Coz I believe, kayang baguhin ng aking nakakatakam na katawan ang klima ng mundo.
I thank you, bow!
6 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







Hindi man related, sarap tumambay sa blog mo.
Reply
Billycoy Reply:
February 4th, 2011 at 3:34 pm
Salamat! Sana mapadalas ka kahit madalang ang update ko.
Reply
Hahahaha! First name basis ka na sa mga talent managers a, Hahah! Goodluck! Sana nga mabago ng katawan mo klima ng mundo.
Reply
Billycoy Reply:
February 4th, 2011 at 3:36 pm
oo naman. mababago talaga ng alindog ko ang klima ng mundo. expect nga lang ang pagdami ng populasyon.
Reply
Crush na po kita
:”>
Reply
Billycoy Reply:
April 16th, 2011 at 5:20 pm
Aww. Salamat. Pero sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?
Reply