Surviving February
Kung akala niyo ay namatay na ako dahil sa bitterness noong Araw ng mga Puso, nagkakamali kayo. Buhay na buhay pa ako. I am proud to say that I survived Valentine’s Day. Hindi ko rin ipinagdiwang ang Singles’ Awareness Day (SAD) dahil para sa mga bitter lang yun—acronym pa lang bitter na bitter na. Wala rin akong date o anuman, basta “nairaos” ko lang ang balentayms na walang kamalay-malay. At hindi yun through wet dreams, wag kayong maduming mag-isip.
Patapos na ang February at heto nadadama ko na ang summer. Heto ang panahon ng pagpapapayat at pagpapatikas ng katawan na pang-show off sa mga beach. Heto ang panahon ng pagpapakita ng mga pusod at ang panahong maisusuot ko na ulit ang espadrilles ko (bawal kasi mabasa ang espadrilles). At ang panahong mahigit isang libong beses mababasa sa twitter at facebook status ang mga salitang “ANG INIT!!!” Magreklamo kayo sa araw at huwag sa mga social networks!
Pero para sa akin, gagawin kong productive ang summer ko. No, hindi yung dadagdagan ko ang sipag ko sa trabaho. Gusto ko pang humaba ang buhay ko. Ayaw ko pang mapuksa sa stress. Gusto ko yung something life-changing.
MAGIGING WHOLESOME NA AKO AT PAPASOK AKO SA SEMINARYO.
Joke.
Pero seryoso, gusto kong gumawa o matuto ng something new. Or at least yung ikaliligaya ko, aside sa mga palad ko. Ano sa palagay niyo ang dapat kong gawin?
Audition sa Pinoy Big Brother? Mangyayari lang yan kung magkaroon ako ng 100 unique comments sa post kong ‘to before March 3. Which is malabong mangyari.
The Billycoy Fitness Plan
Nasabi ko sa last post ko na gusto kong mapasama sa Cosmo Bachelor this year. At the same time, parating na naman ang summer kaya dapat lang na i-prepare ko na ang aking katakam-takam, tulo-laway at masarap kong katawan. Kaya naman nagsagawa na ako ng sarili kong fitness plan para mapabilis ang goal kong mapalabas ang mga natutulog kong maskels.
Pack with protein. Kailangan ng protein para maging matikas ang aking pangangatawan. Kumain ng lahat ng klase ng karne; karne ng baka, karne ng baboy, karne ng manok, karne ng isda, karne ng bayawak, karne ng dinosaur, karne ng loch ness monster, karne ng unicorn, karne ng tao. Mayaman din ang seafood sa protein. Yung seafood ha, hindi yung “seafood”.

Cardio. Since di naman ako marunong mag-bike, maglalakad na lang ako mula dito sa bahay sa San Pedro hanggang sa opisina sa Makati at vice-versa pauwi. That way, makakatipid na rin ako sa nagtataasang pamasahe. Hindi na rin siguro ako gagamit ng elevator paakyat ng opisina. At para mas challenging, gawin ito ng naka-high heels.
Diarrhea diet. Kailangan mailabas ang mga unnecessary sa katawan para matanggal ang mga love handles at lumitaw ang pinaghihirapang abs. Sisimulan ko na ang pagkain ng mga panis na pagkain, sandamakmak na gulay at sandamukal na dairy products. I’m sure di lang jebs ang ilalabas ko, pati siguro ang kaluluwa ko mailuluwal na rin sa pwet ko.
Weights. Kahit saan man ako mapunta dapat nakakapag-workout pa rin ako. So dapat, lahat ng bagay na mahawakan ko may pabigat. Lalagyan ko ng adobe ang bag ko para kahit naglalakad ako may exercise pa rin. Pati sa banyo, habang naliligo nagpu-push up at nagpu-pull up na rin ako. Isasabay ko na rin ang pagba-bicep curl habang inilalabas ko ang aking pagkatao sa inidoro. Sa ganu’ng paraan, di lang braso ko ang nagkakamaskels, pati na rin ang mukha ko maskulado na rin. Isabay ko na rin kaya ang tricep extension habang yung isang kamay ko ay nag… alam niyo na… nagte-text gamit ang Windows Phone 7… saka ano… ehehehe.

Sex. Maisingit lang, kasi patok to sa mga readers at spammers.
Iyan ang fitness plan ko… na hindi ko rin gagawin kasi nga PLAN lang siya, di ba? Kung gusto niyong gawin, sige gawin niyo. Hindi pa ako suicidal.
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






