Surviving February
Kung akala niyo ay namatay na ako dahil sa bitterness noong Araw ng mga Puso, nagkakamali kayo. Buhay na buhay pa ako. I am proud to say that I survived Valentine’s Day. Hindi ko rin ipinagdiwang ang Singles’ Awareness Day (SAD) dahil para sa mga bitter lang yun—acronym pa lang bitter na bitter na. Wala rin akong date o anuman, basta “nairaos” ko lang ang balentayms na walang kamalay-malay. At hindi yun through wet dreams, wag kayong maduming mag-isip.
Patapos na ang February at heto nadadama ko na ang summer. Heto ang panahon ng pagpapapayat at pagpapatikas ng katawan na pang-show off sa mga beach. Heto ang panahon ng pagpapakita ng mga pusod at ang panahong maisusuot ko na ulit ang espadrilles ko (bawal kasi mabasa ang espadrilles). At ang panahong mahigit isang libong beses mababasa sa twitter at facebook status ang mga salitang “ANG INIT!!!” Magreklamo kayo sa araw at huwag sa mga social networks!
Pero para sa akin, gagawin kong productive ang summer ko. No, hindi yung dadagdagan ko ang sipag ko sa trabaho. Gusto ko pang humaba ang buhay ko. Ayaw ko pang mapuksa sa stress. Gusto ko yung something life-changing.
MAGIGING WHOLESOME NA AKO AT PAPASOK AKO SA SEMINARYO.
Joke.
Pero seryoso, gusto kong gumawa o matuto ng something new. Or at least yung ikaliligaya ko, aside sa mga palad ko. Ano sa palagay niyo ang dapat kong gawin?
Audition sa Pinoy Big Brother? Mangyayari lang yan kung magkaroon ako ng 100 unique comments sa post kong ‘to before March 3. Which is malabong mangyari.
10 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







Sana’y sumakay ka na ng eroplano at mapadpad sa kung saan man. ‘Yan ang wish ko para sayo for three straight years LOL. Pakitupad, please hihihi
Reply
Billycoy Reply:
February 28th, 2011 at 12:04 pm
pakitupad din ang pagsponsor sa aking airfares and hotel accomodations.
Reply
Now retype he whole thing in English.
Reply
Billycoy Reply:
February 28th, 2011 at 12:05 pm
manong gomi, nakatarus ka me ti tagalog. apay, kaya’t mu i-translate ko dituy ti ilocano?
Reply
marunong ka ba magluto?? magluto ng isang putahe kada linggo. iba’t ibang putahe. try mo!
Reply
Billycoy Reply:
February 28th, 2011 at 12:06 pm
marunong akong magpakulo ng tubig at magluto ng instant noodles. pwede na ba yun?
Reply
sachur8 Reply:
February 28th, 2011 at 2:33 pm
seryosong sagot sa seryosong tanong
Reply
Billycoy Reply:
February 28th, 2011 at 4:04 pm
seryoso ako.
Reply
Ang dami na kaya naming sinuggest!
Reply
Billycoy Reply:
February 28th, 2011 at 12:07 pm
iba pa yung sa plurk. LOL
Reply