The Billycoy Fitness Plan
Nasabi ko sa last post ko na gusto kong mapasama sa Cosmo Bachelor this year. At the same time, parating na naman ang summer kaya dapat lang na i-prepare ko na ang aking katakam-takam, tulo-laway at masarap kong katawan. Kaya naman nagsagawa na ako ng sarili kong fitness plan para mapabilis ang goal kong mapalabas ang mga natutulog kong maskels.
Pack with protein. Kailangan ng protein para maging matikas ang aking pangangatawan. Kumain ng lahat ng klase ng karne; karne ng baka, karne ng baboy, karne ng manok, karne ng isda, karne ng bayawak, karne ng dinosaur, karne ng loch ness monster, karne ng unicorn, karne ng tao. Mayaman din ang seafood sa protein. Yung seafood ha, hindi yung “seafood”.

Cardio. Since di naman ako marunong mag-bike, maglalakad na lang ako mula dito sa bahay sa San Pedro hanggang sa opisina sa Makati at vice-versa pauwi. That way, makakatipid na rin ako sa nagtataasang pamasahe. Hindi na rin siguro ako gagamit ng elevator paakyat ng opisina. At para mas challenging, gawin ito ng naka-high heels.
Diarrhea diet. Kailangan mailabas ang mga unnecessary sa katawan para matanggal ang mga love handles at lumitaw ang pinaghihirapang abs. Sisimulan ko na ang pagkain ng mga panis na pagkain, sandamakmak na gulay at sandamukal na dairy products. I’m sure di lang jebs ang ilalabas ko, pati siguro ang kaluluwa ko mailuluwal na rin sa pwet ko.
Weights. Kahit saan man ako mapunta dapat nakakapag-workout pa rin ako. So dapat, lahat ng bagay na mahawakan ko may pabigat. Lalagyan ko ng adobe ang bag ko para kahit naglalakad ako may exercise pa rin. Pati sa banyo, habang naliligo nagpu-push up at nagpu-pull up na rin ako. Isasabay ko na rin ang pagba-bicep curl habang inilalabas ko ang aking pagkatao sa inidoro. Sa ganu’ng paraan, di lang braso ko ang nagkakamaskels, pati na rin ang mukha ko maskulado na rin. Isabay ko na rin kaya ang tricep extension habang yung isang kamay ko ay nag… alam niyo na… nagte-text gamit ang Windows Phone 7… saka ano… ehehehe.

Sex. Maisingit lang, kasi patok to sa mga readers at spammers.
Iyan ang fitness plan ko… na hindi ko rin gagawin kasi nga PLAN lang siya, di ba? Kung gusto niyong gawin, sige gawin niyo. Hindi pa ako suicidal.
3 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







Kumusta naman ang “karne ng tao” at “seafood”? Hindi ka papayat n’yan kung hindi mo gagawin ng isang oras bawat araw! Chos!
Reply
Billycoy Reply:
February 9th, 2011 at 5:23 pm
isang oras? ganun ba talaga katagal yun?
Reply
[...] This post was mentioned on Twitter by Billycoy Dacuycuy, Billycoy Dacuycuy. Billycoy Dacuycuy said: Malapit na mag-summer. Baka gusto niyong sundin ang aking fitness plan. http://www.billycoy.com/2011/02/the-billycoy-fitness-plan/ [...]