Audition
So, nag-aaspire ka maging artista, lumabas sa TV, magkaroon ng role sa mga walang kakwenta-kwentang teleserye (except Mara Clara), at sumikat na higit pa sa sinag ng araw. Hindi ka nag-iisa. Dahil libo-libo kung hindi man milyon ang gustong lumabas sa TV para sumikat. Kaya ngayon, sinubukan mong mag-audition at nagulat ka sa sandamakmak na nilalang na nakapila para lang mahagingan ng camera. Ano ngayon ang gagawin mo?
Pumila ng maaga. Ideally, madaling araw pumila. Kahit pa siguro mamuta-muta pa at namumutawi pa ang panis na laway sa gilid ng labi, pumila nang maaga. Kung pwedeng isang buwan bago ang mismong audition date ay pumila na. Iwasang magpatanghali ng dating dahil kapag hapon na dumating, huwag umasang makakauwi ng maaga. Magdala ng tent, sofa at kama.
Maghanap ng kasama. Mahihirapan kang mag-survive sa pila kung walang kasama. Bakit? Paano kung naiihi ka? Naje-jebs? Tinigasan ka? May aso sa kanto? Dumating si Godzilla? Pwede namang tiisin ang ihi at jebs, ano ba naman ang magkaroon ng sakit sa bato at mabulok ang jebs sa loob ng bituka di ba? What I mean is, kailangan mo ng kasama para bantayan ang pwesto mo sa pila at ganun din para sa kanya.
Magbaon. Mas mainam magbaon para in case na di makaalis sa pila, pwedeng kumain in place. Pinakamahalagang baunin ang tubig. Lalo na kung sa di inaasahang sa ilalim ng araw ang mahabang pila na kinaluluklukan niyo. Make-up kit (kung babae o lalakeng nagdadalaga kayo) para sa pagre-retouch at kung pwedeng magbaon ng portable banyo, magdala na para makapag-freshen up bago sumalang sa camera. Pwede ring magsuot na ng adult diapers para kahit magwiwi or magpoopoo in place na lang. Malakas makahatak sa mga agents ang halimuyak ng ihi at jebs.
Patience. Maraming pwedeng mangyari habang nakapila. Kung majuba kang dumating pumila, malamang may abs ka na kapag sumalang ka na sa harap ng camera. Ganun katagal ang pila sa mga malawakang audition. Maghintay lang at huwag daanin sa init ng ulo. Hindi lang ikaw ang may pangarap. Walang mangyayari kung dadaanin sa init ng ulo lalo kung wala ring kasiguruhan na makukuha ka.
Patience is a virtue kahit pa tumanda ka na sa kakahintay.
Pero ang pinakamahalaga ay ang positive thinking. Hindi mahalaga kung makuha o hindi. Ang pagsali sa malawakang audition ay katulad ng pagtaya sa lotto; swertehan lang. Enjoyin lang ang moment ng pagiging isang haggard hopeful, minsan lang naman yan. Enjoyin ang pila, ang init ng araw, ang lagkit ng balat, ang nanggigitatang pakiramdam, ang gutom, ang uhaw, ang pagtiis sa ihi, ang desperasyon at kaguluhan ng ibang tao. In other words, mag-enjoy sa pagdurusa ng iba.
3 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







K.
Reply
Teehee. Happy April Fool’s Day!
Reply
Billycoy Reply:
April 1st, 2011 at 11:04 am
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!
Reply