Working the Way to Stardom
It’s time to try
Defying gravity
I think I’ll try
Defying gravity
Iniisip ko tuwing tinatahak ko ang aking biyaheng pauwing San Pedro kung tama ba talaga ‘tong ginagawa kong kagaguhan ko ngayon. Tama bang pagurin ko ang sarili ko para sa bago kong pinagkakaabalahan ko ngayon? Ano na kaya ang nangyayari kay Mutya?
Kung hindi niyo kasi natatanong, nag-enroll ako para sa basic acting workshop somewhere sa Ortigas. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko alam kung aling engkanto ang sumapi sa akin at nagising ako isang araw na gusto kong gawin ito. Hindi rin naman ako nakahithit ng tinustang kupal ng bilasang palaka para maisipang gawin ito. Basta bigla ko na lang naisipang mag-enroll.
Napakaarteng nilalang na ako, walanghiya at self-proclaimed celebrity na ako, bakit kailangan ko pang gawin ito?
Hindi sapat na walanghiyang tao na ako, dapat kumapal din naman ang mukha ko. Saka ano silbi ng pag-iinarte ko kung ako at iilang tao lang naman ang nakakakita, di ba? I need to step up at matutong kapalan ang aking face. Wala kasi akong patutunguhan kung hiya at kaba lang ang papairalin ko habang buhay.
Ang tanda ko na, bakit ko pa gagawin ito?
Duh?! Adult beginners’ acting workshop naman ang kinuha ko at hindi naman yung kiddie. Ano ako? Guardian ng mga bata? Hindi lang naman ang mga bata ang pwedeng mangarap at maging performer. Kung hindi ko pa ito gagawin ngayon, baka tumanda at mamatay na lang ako na bitter ocampo forever and ever gotesco. 27 years old (turning 28) is not that old, unless, aso ako.
Taga-San Pedro ka, tandaan mo.
Eh ano naman? Minsan ko lang namang gawin ito sa tanang buhay ko. Hindi ko nga pinroblema kagad yan nang nag-enroll ako. Sabi ko na lang sa sarili ko, “Saka ko na problemahin yan kapag nagwoworkshop na ako.” Ano ba naman ang 6 weeks na workshop?! Oo nakakapagod lalo’t may day job din naman ako. Pero kapag gusto mo ang isang bagay, meron talagang kailangang i-sacrifice kahit papaano. Non-existent night at sex life lang naman ang sina-sacrifice ko… at masarap na luto ng nanay ko.
Dalawang linggo pa lang akong nagwo-workshop pero unti-unti kong nararamdaman ang pagbabago ko. Alam niyo yun, parang nawawala na ang libog ko… ay, no. I mean, mas nagiging comfortable na ako sa pagkatao ko. Hindi pa masyadong obvious, pero nararamdaman ko na. We will get there.
Hindi ko nga nakuha ang desired role ko para sa recital namin sa May 28 and 29. Marami kasing magagaling na actors sa klase namin. Pero ok lang, kahit nga gumanap pa akong tuod o poste. Basta titiyakin kong ako ang pinakamagaling na tuod sa entablado. Kung hindi niyo ako napansin sa stage, ibig sabihin effective ang role ko bilang poste.
Tama ba itong ginagawa ko? Iyan ang hindi ko alam at wala akong pakialam. Ang mahalaga lang naman sa akin ay masaya at gusto ko ang ginagawa ko. Kahit sabihin pang hindi ako magaling,kaliwa lahat ng extremities ko at mabaho ang utot ko, ok lang. Kahit nga mag-acting workshop pa ako kasama ng mga preschoolers ng sampung libong beses ay gagawin ko para lang matuto at marating ang aking mga pangarap.
Pagkatapos ng acting workshop, driving lessons naman ang kukunin ko. Bike lessons… hahayaan ko ang soulmate ko ang magturo sa akin nyan.
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






