Aug 11, 2011

Devirginated

HINDI NA AKO VIRGIN…

sa paglipad ng eroplano. Nitong kamakailan kasi, kinailangan akong papuntahin ng opisina sa Surigao. Akala ko nga dahil pinagsasawaan na nila ang mukha ko dito sa office o ipinapatapon na ako doon. Hindi naman pala. For necessary business naman pala. At talaga namang sa surfing capital ng bansa pa ako mapupunta, sa Siargao!

Dahil first time kong sumakay ng eroplano, a week before the flight pa lang, hindi na ako maaligaga sa pagtatanong ng kung ano bang dapat kong gawin sa pagsakay ng eroplano at mga dapat gawin sa airport. Kaya pasalamat ako sa mga kaibigan ko—kahit sina-suggest nilang manood ako ng Air Crash Investigation before the flight—dahil matiwasay naman akong dumaan sa mga metal detectors at ang mga bag ko sa x-ray machine. Fail nga lang ang Cebu Pacific (lagi naman yata) kasi instead na Surigao City kami bababa, sa Butuan City kami ni-reroute. Kaya naman kailangan pa naming mag-rent ng van para makarating ng Surigao na 2 hours din ang byahe. Pero para sa akin, ok na rin kasi first time ko lang naman makalayo ng Luzon at naka-road trip pa. Still, hassle pa rin talaga ang ginawa ng airline lalo’t di naman nila sinagot ang byahe from Butuan to Surigao City.

Swak na swak naman ang pinanood naming movie sa bangka from Surigao City to Siargao, Piranha 3D lang naman. Tapos puro island pa ang mga pupuntahan namin di ba? Ang saya.

Fast forward to Siargao…

Hindi ko mawari kung trabaho ba talaga ang ginawa ko kasi more on beach and island-hopping ang nasa itinerary namin. Pero promise, trabaho talaga ang ipinunta ko doon… na leisurely nga lang.

Una naming pinuntahan ang Del Carmen kung saan naroon ang Del Carmen Mangrove. Umaabot ng 4,000 hectares ang mangrove forest dito kung saan nagbi-breed ang iba’t ibang klaseng species ng isda, marine entities at ang endangered na salt-water crocodiles. Mabuti na nga lang walang buwaya on site or else, natakam siya sa aking masarap na pangangatawan. Hindi rin ako sigurado kung sa mga mangroves din nagyeyeba-yeba ang mga sirena at syokoy para mag-breed.

Sa dulo ng mangrove tour ay matatagpuan ang Sugba Lagoon. Ang linaw ng tubig dito at napaka-tranquile ng lugar. Nakaka-regenerate ng energy ang lugar na ito. Kung may internet connection nga lang siguro sa lagoon na ‘to, pwede na akong mabuhay dito. Magandang lugar din para makapagpulo’t gata kasi may ginawa naman silang cabin sa gitna ng lagoon. “One with nature” ika nga nila.

Sumunod na pinuntahan namin ang Magpupungko Beach sa Pilar. Kailangan talaga low-tide kapag nagpunta sa beach na ‘to para mas ma-appreciate ang iba’t ibang rock formations sa beach na ‘to. May mga pools ding mga naiiwan sa mga tabi-tabi na may mga aquarium fishes at pwedeng paglanguyan. Kung di nga lang siguro sa napanood naming Piranha 3D, baka nagdive na ako.

Bago tuluyang lumubog at magtago sa ilalim ng dagat ang araw, tumungo kami sa Cloud 9. Ang Cloud 9 ang pinakakilalang lugar sa Siargao na dinudumog ng mga surfers. Nainis ako nang magpunta kami dito. Hindi dahil maliliit pa ang alon nang magpunta kami (mas mataas waves from September to March) o dahil di ko nasubukang mag-surf, kundi dahil kahit saan ako mapalingon maliliit ang waistline at may mga abs ang mga tao dito. Kung may surgical knife nga lang akong dala, baka tinapyas ko na ang mga love handles ko nang di oras. Kaso ayaw ko ring magkalat ng dugo sa boardwalk, kaya humilata na lang ako sa sahig at nag-perform ng isang libong ab crunches para kahit papaano lumitaw naman ang mga mahiyain kong abs.

Kinabukasan, maaga kaming gumising para mag-island hopping ulit. Unang island ay ang Guyam island na 10 minutes lang ang layo mula sa pampang ng Gen. Luna. Ang Guyam island ang stereotype na hitsura ng mga islands na nakikita natin sa mga pelikula. Maliit, bilog at may ilang mga puno. Sumunod na pinuntahan ay ang Naked island. Bigo nga lang ako kasi akala ko makakakita na ako ng foreign nipples dito, hindi pala. Kaya pala Naked island ang itinawag dito kasi walang vegetation dito. Tanging pinong puting buhangin at malinaw na tubig lang ang tatambad sayo dito. Pero may mga nagi-skin dipping din daw paminsan-minsan dito.

After sa mga maliliit na isla, binaybay na namin ang dagat patungong Bucas Grande kung saan naroroon ang mga friendships kong mga dikya. Mahigit dalawang oras din ang biyahe kaya mahigit 2 hours din kaming kinausap ng maingay na motor ng bangka.

Kung hindi niyo nalalaman, nandidiri ako ng malubha sa mga jellyfish. Pero for some reason, nang dumating kami sa Tojoman Lagoon ay natuwa akong lumusong sa tubig kahit na sandamakmak na dikya. Non-stinging naman sila kaya ok lang talagang makipag-swimming sa libu-libong jellyfish na nandoon. Harmless naman sila kaya naman hindi na ako nandiri sa kanila. Sa sobrang closeness nga namin may isang dikya na gustong sumuot sa ilalim ng shorts ko. Ang sabi ko na lang sa kanya “Huwag muna, di pa ako ready.” (oo, marunong ako magdikya-speak). Doon ko rin nakilala ang mga bago kong mga barkada na sina George, Brittany, Eddie, at Martha… ang mga barkada kong dikya. Kaya kung mapadpad kayo sa Bucas Grande, pakikahalik na lang ako sa kanila.

Sa mga dikya na ang last sa tour namin. Kaya bumalik na kami sa tinutuluyang resort. At dun na nag-sink in na trabaho nga ang ginawa ko sa Siargao, kasi isang oras mahigit lang ako nakaligo sa dagat. Well, ok na rin kasi hindi naman lahat ng panahon may makakasama akong dikya sa trabaho di ba?

Nakakain-love ang Siargao Island. For sure, babalik ako dun para gawin ang mga hindi ko nagawa during business trip, ang jumerje… este ang magliwaliw ng husto, subukang mag-surf at kung anu-ano pa. At para balikan ang mga bagong kaibigan kong mga dikya.

Kayo, kailan niyo planong mag-Siargao?

3 people like this post.

3 Comments

  • LOL, for a sec, I thought you were going to joke that you booked your flight with Richard Branson’s Virgin Airlines… o_O

    Congratulations on your first flight and not dying! :P

    **now singing an old Alanis Morissette song… **
    Mr. Play It Safe was afraid to fly
    He packed his suitcase and kissed his kids good-bye
    He waited his whole damn life to take that flight
    And as the plane crashed down he thought
    “Well isn’t this nice…”
    And isn’t it ironic… don’t you think

    Bwahahaha.

    Reply

    Billycoy Reply:

    Oh, I thought you’ve changed. You’re still cruel to me. LOL :P

    Reply

    fruityoaty Reply:

    But… but… but… I have changed. I’m LESS cruel to you. Bwahahaha. :-P

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines