A Handsome Smartphone
Sa panahon ngayon, parang ang hirap na ang mawala online. Nitong mga recent out of town trips ko, parang may bulateng gustong lumabas sa pwet ko dahil di ako mapakali na di nakakakonekta sa internet. Data na nga yata ang nananalaytay sa dugo ko at ang katawan ko parang namamatay dahil ang kaluluwa ko nasa information superhighway na.
Kaya nang mapasakamay ko na ang Netphone 701, lubos akong natuwa. Biruin mo ba namang libre* ang twitter, facebook at chat dito. I’m now always updated, not outdated. Hindi ko na rin kailangan mag-abang ng free wifi o manghinayang sa magagastos ng prepaid ko para lang makapag-tweet o makipag-chat sa mga kaibigan ko online. Kaya kahit nasa bus lang ako, alam ko ang mga nangyayari sa labas. Kahit saan din, pwede akong mag-update. Kahit pa nasa banyo ako habang naglalabas ng sama ng loob o kaya sa loob ng cabinet kapag pinagtataguan ko ang mga pinagkakautangan ko. Basta kung saan may signal ng Smart–which is mostly everywhere–pwede ko nang i-update ang mga fans ko (kung meron man).
For a smartphone na worth 9,900 pesos (free for Data Lite Plan 800), sulit ang Netphone. Lalo na para sa mga ngayon pa lang makakagamit ng smartphone. Sa Netphone din, hindi ka magwo-worry na mabawasan o ma-charge sa data usage kapag yung social stream lang ng Netphone ang ginagamit dahil sa Safe Browse widget. Usually kasi sa mga smartphones kapag napabayaang bukas ang 3G, kumokonekta pa rin sa internet sa background kahit pa hindi natin ginagamit ang cellphone. Kaya nacha-charge tayo sa paggamit ng 3G nang di natin namamalayan. Pero dahil sa Safe Browse, mga chat, facebook at twitter updates lang matatanggap kapag naka-on ang data access. Kaya kahit tulog ako, pwede akong gambalain sa disoras ng gabi ng mga tao online dahil hinahayaan ko lang bukas ang 3G ko.
Like other smartphones, pwede kang makinig ng radyo, music, manood ng videos, mag-browse sa internet, makipag-pichur-pichur sa artista dahil sa camera, mag-email, text, at kung anu-ano pa. Pero higit sa lahat, ang selling point ng lahat ng smartphones… pwedeng mag-Angry Birds (Install lang gamit ng Android Market). At dahil nagra-run ito gamit ng Android 2.2 (Froyo), kung intermediate user ka, pwede mong i-customize ang Netphone according to your liking na di mo magagawa sa iOS at ibang mobile OS.
At kung di ka pa bilib sa mga sinasabi ko…
KUNG PANGIT KA, GAGWAPO KA AT KUNG MABILBIL KA, SE-SEXY KA KAPAG MAY NETPHONE KA! Parang sina Sam Pinto at mga Azkals lang.
Pero dahil may Netphone ako, mas gwapo at mas sexy na akong di hamak sa inyo.
Para sa mga iba pang kaalaman tungkol sa Netphone, bumisita lamang dito: http://smart.com.ph/netphone
*until December 31, 2011
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






