Telenovelas of Crap
Hindi ko mawari kung bakit humaling na humaling ang mga Pilipino sa mga telenovela. Kaya tuloy kumikita ng husto ang mga advertisers dahil sa mga basurang inihahain ng mga local networks na patuloy pa ring tinatangkilik ng kanilang audience. Ang hindi ko pa maintindihan, pare-pareho naman ng plot lahat ng mga ipinapalabas nila. Nagbabago lang ng panahon, talent at setting. Bigyang halimbawa na natin ang apat na sunud-sunod na telenovela ng GMA 7: Iglot, Amaya, Ang Munting Heredera at Time of My Life. Lahat sila, tungkol sa mga nawawala/napalitang anak at may mga devious crime plots ng mga kontrabida.
IGLOT. Si Luningning/Isabella (Milkcah Wynne Nacion) ang nawawalang anak ni Mariella (Claudine Barretto) na napunta kay Lola Idang (Celia Rodriguez) na may nawawalang anak ding si Ramona (Jolina Magdangal). Umpisa pa lang, may mga crime plots na ang mga kontrabida kaya for sure may mga sampalan at mga patayang magaganap din dito before matapos ang teleserye. Pero, magkakasama pa rin ulit ang mag-inang si Mariella at Isabella sa dulo in the end.
AMAYA. Nagpanggap si Binayaan/Yang Tersayang (Glaiza de Castro) bilang Amaya na anak ni Dal’lang (Lani Mercado). Ipinakilala ni Yang Tersayang ang tunay na Amaya (Marian Rivera) kay Dal’lang bilang Binayaan. Di naglaon nalaman din ni Dal’lang ang katotohanan, ngunit huli na ang lahat dahil “napaslang” na pala si Amaya. At dahil di pa nga patay talaga si Amaya, magkikita pa rin ang dalawa midway ng serye kung hindi man malapit na sa katapusan.
ANG MUNTING HEREDERA. Isa sa tatlong batang babae ang tunay na apo ng uber rich na lola na si Donya Anastacia (Gloria Romero). Although obvious naman sa mata ng mga manonood na si Jennifer talaga ang tunay na heredera, hindi naman ito alam ng mga bida dahil sa kung anu-anong circumstances na ang naganap. May mga namatay na ngang characters dito dahil sa mga krimen.
TIME OF MY LIFE. Si Shane (Kris Bernal) ay anak ni Lisa (Jean Garcia) na akala niyang namatay na noon sa sunog. Lingid sa kanyang kaalaman, alam ni Martha (Cherie Gil) ang katotohanan tungkol kay Shane. Si Martha ang may pakana ng sunog at nakulong dahil sa ginawa niya. Makalipas ang ilang taon, nakalaya na siya at nagbabalik para magkalat ng lagim.
Kitang-kita naman ang pagkakapareho ng mga kwento ng mga nabanggit na teleserye. Lahat, pare-parehong basura at pinagtitiyagaan ito ng marami sa loob ng tatlong oras. Nauunawaan ko pinaghihirapan at pinagpupuyatan ito ng mga writers, directors, artista at lahat ng mga staff ng palabas. Nais ko ring iparating sa inyo na sa bansang ito hindi lang kayo ang nagtatrabaho at nagpapakapagod ng husto. Mas marami dyan nagpapakahirap sa kakarampot na perang nakukuha nila at ang natatanging kaligayahan lang ay ang makapanood ng TV. Pagkatapos, basura lang din ang ihaharap niyo sa kanila? Sana naman, fresh, masarap at masustansyang pagkain naman ang ihain niyo. Maswerte kayo’t maraming manonood na hindi alam na recycled goods na ang ibinibigay niyo sa telebisyon nila. Pero huwag niyo naman sanang abusuhin yun at gawing bobo ang mga tao. Matagal ng natapos ang panahon ng Mara Clara, na may remake na at natapos na rin. kaya wag na kayong ma-stuck sa ganitong formula.
Kaya nananawagan ako hindi lang sa GMA 7, kundi sa lahat ng ating local TV networks, na itaas naman na sana natin ang antas ng mga ipinapalabas natin sa TV. Bigyan niyo naman ng laman at pwedeng matutunan ang mga audience sa mga teleserye niyo, kung teleserye lang talaga ang kayang ihain. Hindi ko sinasabing gawing palaisipan na mala-Numbers o NCIS ang mga telenovelas. Baka kasi mauubusan din ng dugo ang blood bank natin dahil sa dami ng taong magno-nosebleed sa kakaisip ng pinapanood nila. Ang sa akin lang, i-challenge din ang kaisipan ng mga manonood na ikakaligaya din nila. Kung kailangan ng mahabang oras ng ating mga manunulat at directors ng mahaba-habang panahon para magawa ito, ikaloob niyo ito sa kanila para naman maganda rin ang maipapalabas sa mga TV namin.
Sa mga advertisers naman, wag niyo namang tangkilikin pa ang mga ganitong palabas. Ang laki ng binibigay niyong pera sa mga TV networks tapos walang kwenta rin naman ang ipinapalabas nila. Hindi rin maganda sa produkto niyo kung hindi rin naman dekalidad ang mga TV series na nilalabasan ng mga advertisements niyo.
Sana lang may writer o taga-TV networks ang nagbabasa ng post kong ito. Hindi natin alam, baka sa TV lang din ang paraan para umasenso ang bansa natin.
Tawagin niyo na akong kampon ng ABS-CBN kahit di ko nama napapanood ang mga teleserye doon, hater ni Aljur, destabilizer ni Marian, porn lover, may bulbol na blue o whatever, WALA AKONG PAKIALAM. Basta ang sa akin, sexy ako panahon na para wakasan ang mga walang kakwenta-kwentang palabas sa TV at umpisahan na para itaas ang antas ng ating TV entertainment.
Kung palagay niyo seryoso at masyado akong affected sa ganitong usapin, yan ay dahil wala namang cable channels sa mga bus at kadalasan yang mga nabanggit na teleserye ang nadadatnan ko. May MP3 player naman ako, pero yan pa rin mga nakikita ko kasi kapag ipinikit ko ang mga mata ko baka makatulog at lumagpas pa ako sa bababaan ko.
Pero seryoso talaga ako sa mga nais kong iparating.
Writers’ block?
Blog: Pssst! Pssst!
Me: Uy blog! Kamusta na?
Blog: Heto malungkot.
Me: Bakit naman? Gusto mo ba ng blade? Gusto mong maglaslas?
Blog: Gago! Nagtatampo ako sa’yo. Hmph!
Me: Ano na naman ang ginawa ko sa’yo? Lagi na lang ako may kasalanan. Wala naman akong ginagawang masama ah. Bakit ako sinisisi mo?
Blog: OA mo ha. Wag mo akong dramahan, ako na nga ang di mo pinapahalagahan ikaw pa ang duma-drama dyan.
Me: Sorry na. Busy lang talaga. Alam mo naman ang trabaho natin.
Blog: Busy? UTUT!
Me: Oo nga. Pramis. Cross my heart and hope Bieber will die.
Blog: Paano ka naman naging busy? Hindi naman parati ang overtime saka non-existent naman ang social life mo.
Me: Wala na akong time mag-internet.
Blog: Talaga lang ha? Bakit ka pa nag-install ng WordPress app sa iPod at cellphone mo?
Me: Ah… eh… kasi…
Blog: Pinabayaan mo na talaga ako. Ipinagpalit mo na ako sa Twitter at Plurk.
Me: Hindi yan totoo. Kung talagang ipinagpalit na kita, bakit hindi pa umaabot ng isang libo mga followers ko?
Blog: Feeling mo naman artista ka.
Me: Walang basagan ng trip. Papunta na tayo dun.
Blog: …
Me: Writers’ block siguro.
Blog: Akala ko ba graphic artist ka. Kailan ka pa naging writer, aber?
Me: …
Blog: So kailan mo na ako ia-update?
Me: Wait lang. Kailan ka pa natutong maging demanding?
Blog: Since nang ginawa mo ako.
Me: Siya, siya. Magsusulat na ako.
Blog: Kailan? Para kang regla, once a month ka na lang magsulat.
Me: Basta. Maghintay ka lang.
Blog: Bilisan mo. Matatapos na ang October.
Me: Pagkatapos ng long weekend.
Blog: November na yun, syet!
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







