2012, Here We Go!
Sa 2012, kailangang magawa ko ang mga ito:
- Maging Cosmo Bachelor. Kaya nga recently, nagpa-member na ako sa kilalang gym dahil target ko talagang lumabas sa isang glossy magazine. At syempre, dahil medyo may kamahalan ang membership fee, talagang kailangang sulitin ko ang pag-workout at makuha ang results na gusto ko. Kung hindi naman ako uubra sa Cosmo Magazine, pwede naman ako sa Chika-chika Magazine o kaya sa Panorama na lang.
- Lumabas sa TV. Hindi lang yung once sa isang dokyu na ipinapalabas tuwing hatinggabi. Yung tipong pagsasawaan na ang mukha ko dahil lagi na lang ako nakikita. Yung level na gusto na nilang ibato ang TV sa mukha ng nakakairitang nagvi-videokeng kapitbahay dahil sawang-sawa nila sa mukha ko.
- Matutong mag-drive ng kotse. Pwedeng unahin yung pagkatuto ng pag-bike, pero naka-reserve yun sa magiging soulmate ko. Kaya driving lessons na lang muna unahin ko. Parang 3 years ko nang pinapangarap ang mag-drive ng sasakyan, siguro dapat sa 2012 dapat lang na isakatuparan ko na ito. Good luck nga lang sa imamaneho kong sasakyan kasi mga bus at truck ang magwe-welcome sa akin sa SLEX.
- Magkaroon ng sariling apartment/condo unit. Dapat yatang malaman ko na rin ang buhay na malayo sa magulang. Although, mas matipid talaga ang buhay kasama sila, hindi naman pwedeng habambuhay akong nakasandal lang sa kanila lalo’t malapit na rin akong maging 30 years old–FYI, 29 pa lang ako next year. Saka paano na lang kung gusto kong jumerjer sa bahay, nakakahiya namang masaksihan nila ang mga kaganapan lalo’t gusto ko ring maganap ang ganitong kababalaghan sa kusina.
- Syota! Mukhang hindi ireregalo sa akin ito ni Santa Claus bago sumapit ang Three Kings, siguro dapat isama ko na rin ito sa goals ko sa 2012. Kaso simula yata na nagkaroon ako ng isip heto na talaga goal ko. Huwag ko kayang ilista na lang ito para mangyari na.
Wish me luck! Manigong bagong taon sa inyong lahat!
Gift it to me baby
Sorry, medyo late na ang aking wishlist. Pero naniniwala naman na akong mayayaman na ang mga readers ko kaya anytime pwede nilang tuparin ang alin man ang nasa listahan ko. Simple lang naman ang mga gusto ko ngayong taon at mga can-afford naman.
MacBook Pro 17″ o iMac 27″
Jusmio, ilang taon ko na bang hinihiling sa inyo ito bakit hindi niyo pa rin ibinibigay sa akin? Kung ilang taon na akong nagsusulat dito, ganun na rin katagal na nasa wishlist ko yan. Pumanaw na si Steve Jobs at lahat-lahat hindi pa rin natutupad yan. Hindi pa ba kayo naaawa sa akin sa taun-taon kong pag-request ko nyan.
iPad 2 o Motorala Xoom
Sa ganitong modernong panahon, hindi pwedeng hindi ako magkaroon niyan. Gusto ko kasing gawing fashion statement ito, ikwintas habang naka-display ang aking grad pic sa screen. Pwede ko namang ikwintas ang picture frame ng aking grad pic, pero like I said, moderno na ang panahon ngayon.
Training clothes and shoes
Baka siya ang gamitin kong peg kapag wala akong maayos na workout clothes.
Mga climacool/dri-fit shirts, cross-training shoes, etc. Kailangan ko kasi yan kasi mukhang mapapasabak na ako sa mamahaling gym. Alanganin namang pang-fashion week at shining shimmering party clothes ang gamitin kong pang-workout…. Maliban na lang kung may catwalk sa gym.
Abs
Abs ko, hindi abs ng iba. Currently, may abs naman ako pero apat at kalahating piraso lang sila. Malambot pa. Gusto ko kasi makumpleto ang aking six-pack, pero better if eight-pack ang meron ako, o kaya magkaroon ako ng abs sa buong katawan, wag lang sa mukha.
Pag-ibig
Hindi yung agency ng mga pabahay. Hanap ko yung tunay at wagas… pati rin sa kama.
Ilang araw na lang Pasko na, kaya sana matupad niyo ang mga nasa listahan ko.
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)













