2012, Here We Go!
Sa 2012, kailangang magawa ko ang mga ito:
- Maging Cosmo Bachelor. Kaya nga recently, nagpa-member na ako sa kilalang gym dahil target ko talagang lumabas sa isang glossy magazine. At syempre, dahil medyo may kamahalan ang membership fee, talagang kailangang sulitin ko ang pag-workout at makuha ang results na gusto ko. Kung hindi naman ako uubra sa Cosmo Magazine, pwede naman ako sa Chika-chika Magazine o kaya sa Panorama na lang.
- Lumabas sa TV. Hindi lang yung once sa isang dokyu na ipinapalabas tuwing hatinggabi. Yung tipong pagsasawaan na ang mukha ko dahil lagi na lang ako nakikita. Yung level na gusto na nilang ibato ang TV sa mukha ng nakakairitang nagvi-videokeng kapitbahay dahil sawang-sawa nila sa mukha ko.
- Matutong mag-drive ng kotse. Pwedeng unahin yung pagkatuto ng pag-bike, pero naka-reserve yun sa magiging soulmate ko. Kaya driving lessons na lang muna unahin ko. Parang 3 years ko nang pinapangarap ang mag-drive ng sasakyan, siguro dapat sa 2012 dapat lang na isakatuparan ko na ito. Good luck nga lang sa imamaneho kong sasakyan kasi mga bus at truck ang magwe-welcome sa akin sa SLEX.
- Magkaroon ng sariling apartment/condo unit. Dapat yatang malaman ko na rin ang buhay na malayo sa magulang. Although, mas matipid talaga ang buhay kasama sila, hindi naman pwedeng habambuhay akong nakasandal lang sa kanila lalo’t malapit na rin akong maging 30 years old–FYI, 29 pa lang ako next year. Saka paano na lang kung gusto kong jumerjer sa bahay, nakakahiya namang masaksihan nila ang mga kaganapan lalo’t gusto ko ring maganap ang ganitong kababalaghan sa kusina.
- Syota! Mukhang hindi ireregalo sa akin ito ni Santa Claus bago sumapit ang Three Kings, siguro dapat isama ko na rin ito sa goals ko sa 2012. Kaso simula yata na nagkaroon ako ng isip heto na talaga goal ko. Huwag ko kayang ilista na lang ito para mangyari na.
Wish me luck! Manigong bagong taon sa inyong lahat!
10 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







Dalangin ko na sana ay iyong matamo ang mga ninanais mong maisakatuparan sa 2012. Kailangan lang nang sapat na sigasig upang makamit mo ang iyong mga pinapangarap.
Reply
Billycoy Reply:
December 29th, 2011 at 10:44 pm
Maraming salamat at sana’y ang iyong mga nais para sa darating na taon ay magkaroon din ng katuparan.
Manigong bagong taon!
Reply
Lumabas sa TV.
Sadako?
Reply
Billycoy Reply:
December 31st, 2011 at 8:26 am
Why not? Kung sisikat ba ako sa ganyang paraan eh.
Reply
maraming pwedeng syota-in sa plurk LOL. magkapareho tayo ng ninanais: matutong magmaneho. habulin daw ng lalaki ang mga babaeng magaling magmaneho (?) hihi. nawa’y matupad mga minimithi mo sa taong 2012.
Reply
Billycoy Reply:
December 31st, 2011 at 8:27 am
Hindi ka pa pala marunong? Paturo ka na lang kina Bogs o kay Kuya Lem. O kaya kay Elle.
Reply
ei billycoy.. natatandaan mo pa ba ako? its been a long time since na nakausap kita ah. ngayon lang kita ulit nakita sa net haha. so how are you? hows life?
happy new year pala sau and for your family!
ingats lagi. balitaan mo naman ako! haha!
Reply
Billycoy Reply:
January 1st, 2012 at 11:15 am
Uy Vex! Musta? Ako, gumagwapo pa lalo. Happy New Year din sa inyong lahat!
Reply
Hanggang ngayon… babae pa rin! ‘Di bale, Billycoy, at darating ang panahon na yan.
Happy New Year sa ating lahat!
Reply
Billycoy Reply:
January 1st, 2012 at 11:16 am
Oo nga eh. Ilang taon na ring yun ang pakay ko LOL.
Happy New Year din sa inyo!!!
Reply