Sino ba si Billycoy Dacuycuy?

Hindi ako political and commentary blogger. Hindi rin ako food blogger. Hindi rin naman ako mako-consider na travel blogger. Hindi ako photoblogger. Hindi rin ako fashion blogger. Hindi rin lifestyle blogger. Hindi rin ako events blogger. Hindi ako entertainment blog. Hindi din nagvi-videoblog. Hindi din ako tech blogger. Hindi din ito movie blog. Hindi rin ito fitness blog. Hindi din emo blog.

Lalong-lalong hindi ito fan blogs ng Aljur-Kris, DongYan at Kimerald fans. Hindi rin naman ako kumikita sa blog na ‘to. Hindi rin ako Harvard graduate na piniling pumunta sa ‘Pinas para danasin ang payak na pamumuhay. Hindi rin ako blogger nagkakalat ng tsismis o nagpapa-raffle ng kung anu-ano. Hindi ko rin naman binebenta ang sarili kong katawan sa internet gamit nito (pero nagbabakasakali). Hindi ko rin kinukwento ang mga sexcapades ko dito… so far.

Humor blog? Hindi rin. Ang corny ko para matawag na humor blog. Kung ano ito? Isang lintek na blog lang ng aking gagong pag-iisip.

Kung ano ako? Isang gwapong nilalang na hibang at laging tigang.

E-mail at i.am [at] billycoy dot com

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines