Around the World in 2 Weeks
Aba! Almost two weeks din pala akong update dito. Kung akala niyo na nawili ako masyado sa porn, namingger ng higanteng tilapia, nagkaroon ng lovelife, naging sex slave ng matronang natatakam sa aking katawan o na-kidnap ng stalker na nabighani ng aking kaguwapuhan. Nagkakamali kayo. Ginamit ko lang ang maigsing panahon na iyon para libutin ang mundo at mag-soul searching.
Una kong pinuntahan ang Tibet. Since BFFs naman kami ng Dalai Lama, kinonsulta ko siya kung nararapat na lang ba akong maging monghe. Hindi siya sumang-ayon sa aking naiisip. Hindi raw ako karapat-dapat kahit pa willing akong isuko ang aking kahalayan at kalibugan. Masyado raw malakas ang aking alindog at kahit ako raw ay di ko ito kakayanin.
Sunod naman ay nag-cartwheel naman ako papuntang India para pag-aralan ang Ayurveda at i-master ang Tantric sex. Fail nga lang ang pagpunta ko ng India dahil hindi pala ako nakakaintindi ng Hindu. Kaya bumili na lang ako ng payong in cash.
Nagtungo na lang ako ng Galapagos Islands pagkatapos ng India para doon mag-chill, pagnasaan ang sariling katawan at maghanap ng lovelife. Muli, bigo na naman ako sa paghahanap ng lovelife. Paano ba naman ako kasi ako magkakaroon ng lovelife doon? Puro albatross at mga kahayupan lang ang mga nakita ko doon. Maling islet pala ang napuntahan ko sa Galapagos.
Bago ako bumalik sa Metro Manila, huminto muna ako sa Amanpulo para tuluyang mag-relax sa puting buhangin na kasing presyo ng ginto. Hinigaan ko ang white sand at nilamon ito na parang hindi nakakain ng limang libong taon. Medyo sumakit lang ang tiyan ko afterwards kasi naging salamin ang jebs ko.
Sosyal ang jebs ko di ba, parang gawa ni Orlina
Pero Orlina talaga yan.
Ang dami kong napuntahang mga bansa. Pero ang totoo nyan, nasa harap lang ako ng Mac maghapon, pinapadugo ang bawat neurons ko sa utak at ang nakakauhaw kong katawan para sa nalalapit kong deadline.
—————————–
Samantala, malapit na ang election. Kung registered botante ka na, you may want to make panood this.
Para sa dagdag info at kaalaman tungkol sa election maaaring bisitahin ang www.ibanangayon.ph at sumali na rin sa www.bagongbotante.ph. Para naman kilatisin hanggang sa kasingit-singitan ng mga candidates natin, pwedeng pumunta sa www.politicalarena.com.
Time to Change
Maraming issues na ang bumabalot sa bansa at kamunduhan natin ngayon. Kung anu-anong pagbabago ang nagaganap sa panahong namumuno si Spongebob Squarepants sa dating mundong ginagalawan noon ni Mickey Mouse. Bukod dyan, ang daming changes. Nandyan ang Charter Change, Sex Change at higit sa lahat ang Climate Change.
Recently lang, damang-dama natin ang effect ng climate change sa bansa natin. Pumatak ang sandamakmak na buhos ng ulan at binaha tayo ng bonggang-bongga. Maraming nabiktima ang bagyong Ondoy at Pepeng makulit sa Metro Manila at sa hilagang Luzon at naglabasan ang mga kakaibang mahiwagang halimaw sa ating mga inidoro — o sa amin lang yun.

Si Michelle Trachtenberg, ang nagbibigay ng global warming sa ilalim ng aking pantalon ngayon
Hindi niyo pa ba napupuna? Tuwing summer, kulang na lang ay malusaw ang mga suwelas ng sapatos natin sa init ng panahon at sa init na dulot ng alindog ko. Halos malunod na rin tayo sa tuwing nagwe-wet ang mga anghel sa langit at lubugin ng moist na putik ang mga bayan sa mga kabundukan natin. Kung pwede nga lang i-absorb ng aking berdeng utak ang lahat ng tubig-ulan, sana ginawa ko na. Maging sa mga bansang umuulan ng nyebe ay tinitigasan na rin… ng mga lamanloob at mga maskels sa tindi ng lamig.
Heto na ba ang katapusan ng mundo?
Kaya kung gusto niyo pang makapaglaro ng Cabal, tapusin ang lahat ng teleserye sa TV, paglawayan ang mga love teams, mapanood si John Lloyd, sambahin si Marian Rivera, pagdebatehan ang gender ni Piolo Pascual, maging kasing gwapo ko, makaranas ng sex, tumambay sa zTarvuckZ at mag-EmBa, mapanood pa ang future episodes ng Glee, makikanta sa ASAP at SOP, manalo sa lotto, magbakasyon sa ibang bansa, makausap ang mga dolphins, kumain ng shawarma, matikman si Miranda Kerr, umattend sa mga events, mapadami ang tanim sa Farm Town, dumami ang items sa Pet Society, paramihin ang friends sa Facebook at Friendster, makapagpapirma ng autograph kay Dingdong Dantes, makapanood pa ng maraming porno, gumawa ng bahay mula sa kulangot at maging virgin forever…
Panahon na para kumilos…
Umpisahan mo sa pagpigil ng utot.
Damn You Ondoy
Nakakatakot itong nagdaang bagyo na si Ondoy. Dating bahain ang lugar namin, pero hindi umabot sa ganito kataas ang tubig sa lugar namin. Waist-deep ang baha sa loob ng bahay tapos sa labas naman chest-high at rumaragasa pa ang tubig. Parang rapids, kulang na lang yata ang mag-canoe ako sa baha. Kaya naman traumatized na ako sa ulan. Pati talsik ng laway ng kausap ko akala ko ulan na.
Isa ako sa nagkaroon ng superpowers that day. Ang bilis kong naakyat ang mga gamit namin sa 2nd floor at nabuhat namin ang mabibigat na gamit na hindi walang kahirap-hirap. Pero kahit naiakyat na namin ang mga gamit namin, nandun pa rin ang pangamba ko dahil rumaragasa pa rin ang tubig sa labas ng bahay namin at patuloy pa ring tumataas.

Hindi yan ilog, tapat ng bahay namin yan. Shot from 2nd floor.
Tinawagan ko na lahat ng santo; ang Sto. Niño, Sta. Barbara, Sta. Ana, Sta. Mesa, Sta. Claus. Lahat ng diyos dinasalan ko na rin para lang patigilin ang baha: ang Diyos Ama, si Allah, si Zeus, ang Dakilang Juday. Lahat tinawagan ko na, kaso parang pati kaluluwa ko inaanod na ng baha. Pati sina Darna, Superman, Captain Barbell, ZsaZsa Zaturnah at iba pang superheroes hiningan ko na rin ng tulong kaso wala pa rin.
Tapos, hindi ko pa magamit ang banyo ng bahay. Taeng-tae at ihing-ihi na ako, yun nga lang, may kakaibang mahiwagang halimaw sa loob ng inidoro namin. Kaya hindi ko magawang mairaos ang tawag ng kalikasan dahil baka biglang kagatin ng halimaw na ‘to ang aking patotoy. Ayoko, marami pa akong pangarap sa buhay.
Sunday ng 5am na bumaba ang baha. Kaya ngayon, super effort sa paglilinis kami ng bahay. Magpapalit na rin kami ng ilang furnitures na nasira ng baha. Baka bumili na rin ako ng canoe, just in case. Kaya kung meron mang kayong nais maitulong sa amin, okay lang na mag-donate kayo sa amin ng salonpas at omega painkiller. Samahan niyo na rin ng masseuse para mabawasan ng konti ang stress namin.
Huwag kayong mag-alala masyado sa akin. Hindi pa naman ako multo na nagba-blog dito. Buhay na buhay at mahalay pa rin ako. Kung meron mang dapat kayong alalahanin, yun ay ang mga taong nabiktima ng husto ng delubyong ito at mahihirapang makabangon ulit. Tulungan po natin sila.
Kasalukuyang tine-text ko si Pepeng na kung pwede wag na muna siyang dumaan sa bansa natin. Medyo mahina ang signal kaya siguro di pa siya nagrereply. Sana lang makarating sa kanya ang mensahe ko.
Ang iiwanan ko lang na tanong, tumangkad na ba si GMA?
Adverse Reactions:
Status
- Catching up on my TV series.
- @JohnLloyUmali medyo malayo na yun kasi nakabitin eh.
- @rochellesychua we can always make our own fruit shakes. controlled pa natin ang ingredients. ;)
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







