• 23Oct

    Photobucket

    Ngarag (v.) nangyayari ito sa iyo kapag sinusumpa mo na ang lahat ng tao sa mundo.

    Tatlong araw na pala akong sunud-sunod na nag-overtime. Dalawa doon umabot pa ako ng midnight. Nasisira na tuloy ng trabaho ko ang masaya kong nightlife sa bahay at pagbisita sa mga malls. Grabe kasi sa demanding ang client namin ngayon. Kung ikukumpara lang sa harassment ang ginagawa niya sa amin, daig ko pa siguro ang ginahasa ng walumpung beses at tapos tinadtad pa ng pinung-pino ang katawan ko.

    Isa tuloy sa napalagpas ko ang opening ng Philippine Fashion Week. Kung kailan pa man din ako may pagkakataon sanang manood, hindi pa natuloy. Bwisit na kliyenteng iyan, magbigay ba naman ng deadline na sobrang gipit sa panahon. Gusto ko siyang gilitan sa leeg, patakan yun ng kalamansi, sungalngalan siya ng langka sa bunganga, pasakan ng cactus sa puwet, gilingin hanggang sa kahuli-hulihan niyang molecule at hambalusin siya ng barko sa ulo. Syempre, di ko naman pwedeng gawin yan. Ang pwede ko lang namang gawin ay sumpain siya na tubuan siya ng bayag sa noo na may sakit na elephantiasis.

    Wala naman akong magagawa. Client yun at saka sunud-sunuran lang din naman ako sa inuutos sa akin. Kahit pa magngangangawa ako na abot kalakan at lumuha pa ng dugo, kapag sinabi ng boss na gawin ang trabaho, no choice kundi mag-cartwheel papunta sa workstation at gawin yun. Iyak na lang kayang gawin.

    Masama pa man din ang epekto ng stress sa katawan. Kaya kailangan parating may panlaban dyan:

    • Multivitamins + Minerals
    • Proper Diet
    • Rest
    • Meditation
    • Lotion, oil or petroleum jelly
    • Kamay o mga daliri
    • Tissue
    • Video player, computer with internet access or a very vivid imagination
    • Porn
    Marami talagang hirap at sakripisyo sa pagtatrabaho. Kailangan talaga nating kumayod. Kung di naman kayang kumayod, daanin na lang sa kiskis.
  • 27Sep

    Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa kukote ko at naisip ko ito. At sa kalagitnaan pa habang hinihilod ko ang mga banil at libag ng mga singit at kasuluk-sulukan ng katawan ko. Ewan ko ba, may espiritu yata ng kung ano ang tubig namin at talagang naitanong ko ito sa sarili ko:

    Kailan ko ba gustong magka-lovelife?

    Anong petsa? Anong oras? Anong araw ko ba gusto? Kailangan ba full moon? Kailangan ba high tide? Umuulan ba? Umaaraw? Kasabayan ba dapat siya ng pagpalit ko ng bedsheet? Kailangan ba after kong maligo? Or after kong magpa-diamond peel?

    Like what I always say, siguro panlabing-limang libo siyamnapu’t siyam ko ng sinasabi ito sa marami, HINDI AKO NAGMAMADALI. In the first place, hindi pa naman talaga ako naghahanap. Ewan ko ba. Priorities siguro. Saka I have to love myself first, before I learn to love others. Kaya nga I love myself regularly; kapag mag-isa sa kwarto o kaya sa banyo.

    Ano ba mga priorities ko?

    1. Career. Sa trabaho maraming pwedeng makasalamuhang tao. At sa mga nakakasamang taong yun pwedeng makita ang aking soulmate.
    2. Social Life. Men are social creatures kaya hindi pwedeng puro online ang buhay ko at kausapin ang computer ko sa office habang buhay. Kailangang maka-meet din ng ibang tao and who knows, baka may mapusuan ako sa kanila.
    3. Health. Health is wealth ika nga. Marami rin kasing mga kababaihan ay into fitness ngayon kaya pumupunta sila sa mga gym. Isa yun sa rason kung bakit ako nagwo-workout. Yun nga lang puro thundercats ang mga nasa gym namin. Syet, kailangan kong magpa-member na sa mas magandang gym!
    4. Sex life. Period. Iba yun sa love life. Period ulit. 
    Least talaga sa priorities ko ang love life. Parang stray wifi lang yan, kung kailan hinahanap, dun nawawala. Kaya mas mabuting wag na munang hanapin para dumating ng kusa.
    Kayo? Ano ba mga priorities niyo?

    Bacardi Rum Come


    ganyan din kasi ang hanap ko.

  • 27Aug

    Ang sarap talagang matulog. Lalo sa panahong ngayon. Hay! Napakasarap talaga. Mamaluktot, gumulong-gulong, tumambling, mag-cartwheel at gumawa ng miracles sa ilalim ng kumot. Lalo na siguro kung may katabing iniirog sa buhay, oh wow, hello baby after 9 months.

    Malaking bagay sa akin ang pagtulog, MAS ikababaliw ko ang pagiging kulang sa tulog. Nagiging bugnutin, emo, MAS timang, MAS magulo ang buhay at LESS mahalay ako kapag puyat. Ang aim ko lang kasi kapag ganun ay ang matulog lang. Kaya hindi talaga pwedeng hindi ako makatulog. Sino nga ba ang hindi?

    Laki nga ng ipinagbago ng sleep patterns ko noon sa ngayon. Hayan na naman, flashback, water effects muna, samahan ng piano sounds.

    Noon, hindi ko kayang matulog na ako lang mag-isa saka patay ang ilaw. Grade 4 na ako noong nahiwalay ako sa parents ko sa pagtulog. Nu’ng unang beses ko ngang ihiwalay ng kwarto, nahirapan ako sa pagtulog. Paanong hindi ba naman ako mahihirapan matulog nu’n, noong araw kasi na hihiwalay na ako sa kwarto ng parents ko, bumisita ang tiyahin ko. Nu’ng umaga ba naman kasing yun, nagwawala siya at talaga namang nabulabog ang kabahayan namin. Akala ko nga kung anong kadramahan na naman sa pamilya namin. Iyun pala may nakikita siyang kung anong nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Syempre, dahil sweet, young and innocent pa ako noon, madali akong natakot. Hindi talaga kinayanan ng powers ko na matulog sa kwarto namin ng kuya ko.

    Lumipas ang ilang taon, nasanay din akong matulog sa kuwarto namin kahit ako lang mag-isa at patay ang ilaw. Hindi na rin ako matatakutin, kasi kung meron mang multo kahit magtago ka pa sa loob ng inidoro makikita ka pa rin niya. Minsan nga kalaro ko pa ang mga palad ko kapag mag-isa sa kuwarto.

    Ako pa ang nasa upper bunk ng double-deck namin ngayon. Kaya kapag nakapwesto na ako dun at natutulog na, ako na ang hari, with crown, robe and sceptor pa. Walang pwedeng magbukas ng ilaw unless emergency at saka bawal din ang maingay. Madali kasing ma-disrupt ang aking circadian clock. Syempre, I do the same to my roommates, mabait at accomodating nga ako, di ba?

    Saka hindi rin pala ako madaling makatulog kung saan-saan. Ang iba dyan kahit nasa sasakyan, nakakatulog kagad, with matching hilik, tulo ng laway at lungad sa paggising nila. Meron pa ngang nakakatulog sa loob ng MRT at LRT na nakatayo kahit pa umaalingasaw ang putok at amoy ng batok ng mga tao dun. Hindi ko kaya ang ginagawa nila, dapat talaga kapag tulog ako nakahiga dapat saka blindfold dahil nga light sensitive na rin ako.

    Hayan, inaantot… este… kinakan… err… inaantok na tuloy ako. Lamig kasi ng panahon. Ang sarap tuloy magba… matulog. O siya, tulog na ako, sana mag-wet dreams ako.