Browsing articles in "Basura Blogs"
Nov 8, 2009

Because I don’t want to…

“Ano gusto mo maging paglaki ?”

Eh natanong niyo na ba sa sarili niyo kung ano ang ayaw niyo maging or mangyari in the future? Ako? Natanong ko na sa sarili ko yan.

Ayokong:

  • maghirap
  • ma-extinct sa 2012
  • malunod sa sariling uhog
  • mahilig ako someday sa mga Pinoy tweetum films
  • magkaroon ng sex scandal
  • magkaroon ng sandamakmak na wrinkles
  • magpa-botox dahil ayoko sa wrinkles
  • magkaroon ng manboobs
  • tubuan ng ngipin ang aking patotoy
  • mabawasan ang kagwapuhan ko
  • maging sizzling hot ako forever dahil gusto ko sa magiging misis ko lang ang katawan ko (insert NUKS NUMUN here)
  • magkaroon ng beer belly
  • mawalan ng libog sa katawan
  • mawalan ako ng alindog
  • magsuot ng large-size collared shirt at magmukhang daddy
  • matigil sa pagwo-workout
  • ma-gang rape ng mga taong di ko naman type
  • maging impotent
  • mawalan ng control sa pag-ihi
  • mawalan ng wet dreams
  • ma-meet sa personal sina Madam Auring, Mahal, Cristy Fermin at Jobert Sucaldito
  • mapanood ang mga sex scandals ng mga nabanggit ko before sa bullet na ‘to
  • maging sex slave ng mga huling nabanggit ko
  • magsuot ng pantalon o shorts na nasa taas ng pusod ang waistline
  • hindi makatikim ng bakasyon abroad
  • hindi makasakay ng eroplano
  • magkaroon ng anak sa hayop
  • ma-abduct ng alien
  • MAGING VIRGIN FOREVER

Kayo, ano ba ang mga ayaw niyong mangyari?

4 people like this post.
Oct 26, 2009

The Herbal Babies

Nakaka-stress ang araw ko kahapon. Kung paano ko napabagal ang Sabado ko sa pagiging bum sa bahay, panonood ng maling pelikula ni Dakilang Juday at panonood ng porno kinagabihan, ay ganun din naman kabilis ang pagdaan ng Linggo ko.

Madaling araw kahapon, nagising ako sa pag-iiyak-iyak ni Leica. Konti pa lang ang itinulog ko gawa ng medyo inabot ako ng hatinggabi dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanang milagro. Medyo irritable tuloy ako nang nagambala ako ni Leica sa aking wet dreams. Pinapatanggal niya pala kasi sa akin ang mala-meatball niyang suka sa kanyang bahay kaya siya umiiyak. At dahil pinalabas ko nga siya sa bahay niya, nahirapan akong papasukin ulit siya dahil nagsusumiksik siya sa isang sulok ng aming bahay at tila ayaw niyang umalis dun. Hayun ako, nadagdagan na naman ang eyebags dahil sa puyat.

Kinaumagahan, medyo bugnot pa rin dahil sa kulang sa tulog at maagang nagising dahil pupunta kami somewhere out there. Pasaway pa rin si Leica. Alam naming buntis siya, kaya akala namin may mood swing lang siya kaya siya nagkakaganun. Though, kakaiba na talaga ang kilos niya. Hinayaan na muna namin siyang magtago sa sulok na nais niya. Kami naman, nagpunta na somewhere out there para mag-shopping ng furniture pamalit sa nasira ng baha.

Pagbalik namin nu’ng hapon sa bahay, nag-eggroll ang utak ko dahil sa laking gulong ginawa ni Leica. Animo’y nag-house party siya ng sampung beses sa sulok na tinataguan niya. Sinira yung kalalagay lang ulit na linoleum at nagbakbak ng mga kahoy. Talaga namang kumulo ang dugo ko kasama na ang mga laway at uhog ko sa galit lalo’t kulang pa ako sa tulog. Nagtimpi na lang ako dahil buntis nga siya at sinabihan ko na lang siya “Hindi naman ako ang asawa mo, bakit ako pinapahirapan mo?”. Pagkalinis ko sa gulong ginawa niya, umakyat na ako sa kwarto at nag-pornbrowse sa internet.

  1. Temperature drop Your dogs temperature may drop to around 97-98 degrees approximately, around 24 hours before giving birth. This is normal, and a good sign that your dog is going into labor so you can get prepared early! If your dog does not begin labor within a day of the temperature drop, you should contact your local vet. You can check your dogs temperature using a dog thermometer.
  2. Your dog refuses to eat Most bitches will refuse to eat before they go into labor, which obviously isn’t normal for dogs. This can be another good early warning sign.
  3. Finding a den A natural reaction of most female dogs is to try and find a den or hideaway where they can give birth. A very common place is under your bed, as the dog feels safe and enclosed there. If possible, find a comfortable place beforehand where the birth can take place.
  4. Shivering and sickness Another dog labor symptom is when the dog begins to shiver and even vomit. This is completely normal, and the best thing you can do is make sure there is fresh water available at all times.
  5. Wanting you near The dog is likely to stare at you and want you near to her at all times. Like number three, this is a comfort thing.
  6. Source: Dog Labor Symptoms

“Manganganak na si Leica!” bulalas ko kay mommy. Hinanda ko na ang bahay niya at nilagyan ko ng sandamakmak na basahan para dumilim at doon na lang siya mag-stay. Saka naman ako humimlay sa kama para mag-powernap.

Katatapos ko lang kumain nang sinilip ko si Leica sa kanyang mala-yungib na bahay. Pagtingin ko, meron na siyang dinidilaan na akala ko ay telang naka-rolyo o something. Pero nakita kong may mga paang gumagalaw. OHMIGOSH!!! Mommy na si Leica, meron na siyang Puppylet. Gusto kong mag-cartwheel sa tuwa kaso kakakain ko lang pala baka ma-appendicitis ako saka hindi  rin ako marunong mag-cartwheel. Apat lahat ang supling ni Leica.

Parang ako yung daddy ng mga puppylets sa tuwa. Pero I swear hindi ako ang ama, hindi ko ginalaw si Leica. Sinasamahan niya lang ako magbihis sa kuwarto at natulog na magkasama minsan. Yun lang ginawa namin, PRAMIS!

Si Olympus at Leica, ang mga 32-megapixel parents na may mga anak na herbs and spices. Sina Cinnamon, Cilantro, Basil at Cuming.

2 people like this post.
Oct 18, 2009

The Burrito of Anger

Naisipan namin ng mga officemates ko na lumuwas ng Makati at dumayo sa Cubao X para igunita ang pag-alis ng dalawa naming mga kaopisina. Naka-pang Lookbook fashion nga kami dahil yun ang themed Friday namin sa office. Hndi naman bago ang ganu’ng pananamit sa Cubao X dahil parang nakawala nga sa Lookbook ang mga tao dun.

Kaya sa MRT, agaw-atensyon na naman ang outfit ko. Parang magbebenta na naman kasi ako ng condo unit o ng encyclopedia.

Mam, ser, baka po gusto niyo pong tingnan ang model unit namin tonight. Pero mam ser, baka gusto niyo pong mag-apply ng insurance namin, at kapag na-approve na po kayo may libre na po kayong encyclopedia. Dahil po naka-stripes kayo ngayon, may libreng appliance po kayo sa Aowa. Nagbebenta rin po ako ngayon ng Tupperware baka gusto niyo pong kumuha saka may mga new items na rin po kami from Avon. Mam, ser, baka gusto niyo na rin pong mag-apply ng credit card at makakakuha po kayo ng libreng Timex watch.

Kumain muna kami ng dinner sa Gayway para mapunan naman kahit papaano ang aming mga bitukang naghihintay mapaliguan ng alcohol. Sa Taco Bell ako nag-order ng burrito dahil hindi pa ako nakakakain dun eversince at wala namang Taco Bell sa pukirin… este bukirin ng Makati. Nu’ng kakainin ko na ang burrito, naramdaman kong may uminit sa may singit ko. Hindi naman ako nag-orgasm pero bakit may mainit sa pantalon ko. Pagtingin ko, may lumigwak palang giniling sa ilalim ng burrito at nalaglag near sa singit ko. Nag-alala kagad ako sa necktie na suot ko dahil dry clean only lang yun. Buti na lang hindi. Naisip ko ngang dilaan ang mga nalaglag na karne dahil nanghihinayang ako lalo’t maraming nagugutom ngayon. At dahil nakakurbata nga ako, hinayaan ko na lang malaglag sa sahig. Amoy burrito nga lang ang singit ko. Hindi ako sure kung appetizing sa girls ang hitang amoy burrito.

Ako lang ba o may iba akong nai-imagine sa picture ng burrito na ‘to?

Sa Mogwai naman, nagustuhan ko yung potato chips nila. Meron kasing ilang chips na parang hymen. Yung mga potato chips na manipis at malambot. Though, hindi pa ako nakakatikim ng hymen alam ko na kung ano yun dahil sa potato chips na yun.

Masayang natapos yung konting mamam na ginawa namin. Tuluyan sanang magiging masaya ang gabing iyon kung hindi dahil sa hinayupak na halimaw na taxi driver na may dambuhalang pasas sa ilong na nagda-drive ng taxi na may plakang TXV 407. Iniwasan na nga namin yung ibang taxi na dumadaan dahil humihingi sila ng dagdag sa actual rate. Tapos, dumating na nga ang taxi na ito na akala namin ay mabait, yun pala mas malupit pa. Nagsabi lang na manghihingi siya ng dagdag na 30 pesos nu’ng nakasakay na kami sa taxi niya. Hindi na lang kami kumibo. Nu’ng nakababa na yung kasama ko, sinabi ng driver na ibababa niya lang daw ako sa EDSA na labasan lang namin at hindi sa preferred destination ko na nasa loob.

Talagang kumulo ang dugo ko at naramdaman kong natuyo na ang alcohol na dumadaloy sa aking bloodstream. Gusto kong hatakin yung kambyo at ipasak sa bunganga niya at palabasin yun sa tenga habang sinasakal siya sa manibela. Pero, hindi na lang ako umimik at nagtimpi na lang galit. Kaya nu’ng bababa na ako sa EDSA inabot ko na ang bayad ko na short lang ng 12.50 pesos sa hinihingi niyang dagdag kaya sinabi ko na lang “Kulang na yung dagdag ko kasi hindi mo naman ako binaba dun sa amin.” Bumaba na ako at medyo nilaksan ko bagsak ng pinto ng taxi sabay sakay na ng jeep. At dahil hindi kagad umandar ang jeep na sinakyan ko, narinig ko ang driver ng taxi na sumisigaw ng  “Tatandaan ko ang mukha mo!”

Sinusumpa ko talaga ang halimaw na driver na yun at ang nunal niya sa ilong. Sana mabagsakan siya ng kometa, masagasaan ng stampede ng babaeng may matutulis na takong o ma-rape ng lalakeng may higante at tusok-tusok na patotoy. Huwag nilang pinapainit ang ulo ko lalo’t amoy burrito ang singit ko.

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines