In memoriam…
Inaalay ko ang post na ito para kay Cilantro, isa sa aming Herbal puppies. Nabalitaan namin kahapon na pumanaw na pala si Cilantro, yung ipinamigay naming tuta. He died because of parvovirus.
The February Fireworks
Akalain mo, matatapos na naman ang January. Papasok na naman ang Pebrero, ang Valentine’s Day, pero hanggang ngayon wala pa akong lovelife. Well, ok lang, hindi lang naman kasi Valentine’s Day ang meron sa February 14, Chinese New Year din. “Lindol” na, may putukan pa!
It’s either magpapaputok kayo sa loob ng mga kwarto o magpapaputok kayo ng firecrackers para itaboy ang malas. Pero kung hindi naman kayo magpapaputok, pwede namang manood ng putukan. Hindi porn, ano ba?! Fireworks, dun sa Manila Bay sa likod ng MoA.
Gaganaping kasi ang 1st Philippine International Pyromusical Competition sa ating bansa at dun nga sa MoA gagawin ang nasabing competition. Produced ng Platinum Fireworks, Inc. in partnership with SM Mall of Asia saka Department of Tourism.
Kaya bago magpaputok sa mga kanya-kanyang kwarto, pumunta sa MoA complex sa February 14, 2010. At para sa mas exclusive at mas malapit na putukan, makakabili ng ticket sa pamamagitan ng Ticketnet.
Nagpasiklab na nga sila sa amin dun sa MoA at heto ang nakunan ko.
FYI, fireworks po yan at hindi kulisap. Sorry naman kung huli akong naglabas ng camera.
Pero ganito talaga ang aabangan niyo sa 1st Philippine International Pyromusical Competition.
So saan kayo sa February 14? Magpapaputok, “magpapaputok” o manonood ng putukan?
Loser…
Umuwi man akong talunan sa awards, pero hindi naman sa pananamit.
Nitong October 9, Friday, ginanap ang 2009 Philippine Blog Awards sa PETA Theater. Kaya naman talagang nag-dressup ako para sa nasabing occasion kahit hindi naman talaga kailangan. Pwede nga akong pumunta sa venue na hubo’t hubad dahil “come as you are” naman ang nakalagay sa invitation. Naisipan ko na lang tuloy magsuot ng necktie… pero may suot naman ako other than that necktie, ok?
Agaw-pansin talaga ang kasuotan ko. Lalo’t di ko nagamit ang chopper namin papuntang PETA theater, kung kaya’t nag-MRT na lamang ako. Dama kong pinagtitinginan ako sa loob ng train at mga dinadaanan ko, mukha kasi akong nagbebenta ng insurance or salesman ng encyclopedia. Kulang na lang ang magdala ako ng mga flyers at attaché case.
Tanging sa Bloggers’ Choice Award lang naman ako kasali dahil alanganin ang blog ko sa anumang mga categories. Hindi naman talaga ako humor blogger. Makapagbagbag-damdamin kaya itong blog ko kaya nararapat lang ito sa Best Emo Blog category. O di kaya, Best Blog That Excels Perfection of Insane Ideas with A Mixture of Oozing Charm and Sex Appeal Making This The Longest Title of All The Categories. In short, Best Narcissistic Blog.
Anyway, MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA BUMOTO SA AKIN PARA SA BLOGGERS’ CHOICE AWARD (NATIONALS)! Lalo na kina Marck at Fruityoaty para sa napaka-flattering comments nila.
Bagamat hindi tayo pinalad na manalo, lubos pa rin ang pasasalamat ko sa lahat ng mga bumoto sa aking kagaguhang journal. At kahit umuwi akong talunan, lugmok sa kalungkutan at luhaan habang gumagapang papasok ng bahay, naniniwala naman akong panalo pa rin ako sa puso niyo, di ba?
Binabati ko ang mga winners na sina Mica, Marck, Karen, Jeric at iba pang nanalo para sa taong ito ng Philippine Blog Awards.
Photos by Arbet
Dahil wala namang Blog of the Year sa PBA 2009, ako na lang ang magke-claim nito dahil makapal ang mukha ko at dahil gusto ko. Ang umangal, panget!
Adverse Reactions:
Status
- GTA: Vice City made me love the song Tempted by the Fruit of Another.
- Happy 18th birthday @p0yt!!!
- @mspiggypop ang dali lang kaya. :P
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)









