Jackpot
Ang laki na ng jackpot sa lotto. Kaya naman ang pila sa mga lotto outlets daig pa ang takilya ng sinehan at pila sa banyo ng babae. Sino ba naman kasi ang hindi mae-engganyo sa jackpot na mahigit kalahating bilyong piso? Pero wag na kayong mag-atubili at pahirapan pa ang mga sarili niyo sa pagpila dahil sigurado naman na ako ang makakakuha ng jackpot.
At kapag nakuha ko na ang jackpot magagawa ko na ang lahat ng gusto ko.
Mang-api ng tao. Pangarap ko kasing maging kontrabida. Pero di yung mga bigotilyong hacienderong kontrabida ha. Alam niyo yung mga nagbubuhos ng red wine sa mukha, nanghahambalos ng labada, nananampal ng maleta ng pera at may nakakatakot na tawa? Ganun ang pangarap ko simula noong semilya pa lang ako.
Magkaroon ng alipin. Dahil gusto kong mang-api, dapat meron din akong mga alipin. Gusto ko yung may mga susunod sa mga utos ko. Gusto ko rin yung may iba-ibang klase ng alipin ang meron ako. May sex slave na tutuparin lahat ng kalibugan ko, talking slave para meron akong kadaldalan, inggiterong slave para may maiinggit ako kapag namimili ako ng kung anu-ano.
Maging druglord. Ayokong maging stagnant lang aking pera sa bangko. Dapat nga dumoble pa ito para naman may kayamanan pa ring maiiwan sa mga kaapu-apuhan ko. Magandang solusyon ang droga dahil kahit maliit lang ang puhunan malaki naman ang kickback.
Pataubin ang mga business tycoons. Hindi pwedeng sila lang ang kilalang mayaman sa Pilipinas, dapat ako rin. Magpapatayo ako ng mga malls sa bawat subdivision sa Pilipinas para malampasan ko ang legacy ni Henry Sy.
Magpapagawa ako ng autobiography book ko. Gaya ng mga sikat na mga mayayaman, dapat magkaroon ako ng aking sariling libro. Kailangang maikalat sa buong mundo ang lahat ng kabantutang at mga kahihiyang mga pinaggagawa ko.
Ipapaligpit ko ang mga nang-aapi sa akin. No, hindi ko sila ipapapoksa sa mga assassin slave ko. Masyadong madali ang kamatayan para sa kanila. Ipapaligpit ko silang lahat sa loob ng isang balikbayan box at doon ko sila hahayaang magdusa.
Kaya mga kaibigan at mga minamahal kong mambabasa, hangarin niyo na manalo na ako ng jackpot sa lotto para sa ikabubuti ng marami.
Anong gagawin niyo kapag kayo ang nanalo ng jackpot sa grand lotto (na hindi nga mangyayari dahil ako nga ang makakakuha ng jackpot)?
Ingrown
Gabi pa lang ng maramdaman kong sumasakit ang aking hinlalaki sa paa. May nipper at mga pusher naman kami kaya sinikap kong tanggalin yung mga dry skin na nakapaligid sa kuko ko. Akala ko kasi humahadlang lang yung mga dry skin na yun sa matiwasay na pagtubo ng aking mga kuko kaya sumasakit. Aba, eh wala na yung dry skin pero masakit pa rin. Napansin kong masyado ng malalalim ang gabi, ayoko pa man ding mapuyat lalo’t magpoporno pa ako, kaya minabuti ko na lang itigil ang ginagawa ko. Inisip ko na lang na baka mawala din naman ito sa paggising ko.
Nanaginip na at nagising na lahat-lahat pero nandun pa rin yung sakit ng hinlalaki ko. “Ingrown na ‘to”, sa isip-isip ko. Kaya kuha ulit ng nipper at pusher at patuloy kong sinaliksik kung bakit ba ako pinaparusahan ng paa ko.
Napansin ng mommy na binubungkal ko yung daliri ko kaya tinanong niya ako, “Bakit? Sumasakit ba?”
“Opo”, tugon ko na may halong kaba at takot na pumapalibot sa aking isip.
“Akin na.”, sabay kuha ng mga paraphernalia sa mga kamay ko.
“Nakupu, heto na!”, sabi ng natataranta kong isip. Parang gusto kong tumakbo papuntang expressway para matakasan ang nakabantang sakit na mararanasan ko.
Master na ng mommy ko ang mga ganitong situation. Marami na rin kasi siyang natanggalan ng ingrown sa tanang buhay niya. Tinanggal niya muna ang mga natitirang dry skin ng affected na daliri hanggang sa umabot siya sa kaibuturan ng aking mga kuko.
Tumutulo na ang malamig kong pawis sa aking napakagwapong mukha. Humihigpit ang hawak ko sa armrest ng kinauupuan ko. Nagngingitngit na ang aking mga ngipin. Nanawagan na ako kina Gat Jose Rizal, Andres Bonifacio, Pio del Pilar at Bayani Casimiro pero parang wala silang telepathy kaya di nila ako nadidinig. Gusto ko na ring tawagan si Noynoy Aquino at si Barrack Obama baka matulungan nila ako. Gusto ko na ring umigtad at lumuha sa sakit, pero pati mga luha ko umuurong na rin katulad ng mga bayag ko. Parang mamamatay na ako.
Hanggang “ooh” “aaah” at “aray” lang ang kaya kong isigaw in real life. Pero kung ita-translate yun:
“PUTANGINA! AYOKO NA! NAGSISISI NA AKO. HINDI NA AKO MAGPOPORNO SA KALALIMAN NG GABI. HINDI KO NA PAGNANASAAN SI SASHA GREY. HINDI KO NA PAGLALARUAN ANG PATOTOY KO! MAGBABAGONG BUHAY NA AKO. HINDI NA AKO MAGIGING MAHALAY. MAGIGING WHOLESOME NA AKO. HINDI KO NA LALAITIN SINA ALJUR, JOBERT, MAHAL AT AURING. MAMIMIGAY NA AKO NG PERA SA MGA PULUBI. SASALI NA AKO SA MGA CHARITY FOUNDATIONS. HINDI NA AKO AAPAK SA DAMUHANG MAY ‘KEEP OFF THE GRASS’ SIGN. HINDI NA AKO MAGMUMURA. PUTANGINA! PUTANGINA! AYOKO NA!”
Please pardon my French.
Natapos na. Nakuha na ni mommy ang ingrown. Nagmistula akong patotoy na nanlambot pagkatapos ng matinding sex. Malamig ang pawis na lumalabas sa aking mga balat. Nararamdaman ko ring nanginginig ang mga taba at laman ng aking katawan. Parang nilalagnat pa nga ako afterwards. Hindi ko akalaing ganun pala kasakit tanggalan ng ingrown, lalo’t hindi naman ginamitan ng anesthesia ang daliri ko. Eversince naman kasi hindi ko naranasan ang magkaroon ng ingrown. Ngayong nalaman ko na masakit pala talaga. The word “masakit” is an understatement. Ayoko na maranasan pa yun ulit. It’s a near death experience, pramis!
Nagka-ingrown na ba kayo?
Moving to San Peydrow
Starting April 4, officially magiging slightly geographically undesirable na ako. Slightly, kasi plano kong mangupahan pa rin dito sa Metro Manila at uwian na lang ako sa San Peydrow every weekends. Hindi ko talaga kakayanin ang uwian on daily basis dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Work. Nagtatrabaho ako somewhere in Makati. Ngayon pa nga lang na malapit na ako sa work ay nale-late pa ako ng pasok, ano pa kaya kung nandun na ako sa Laguna. 8:30am ang pasok ko, baka dumating na ako ng uwian dahil sa kakuparan at pagkadami-dami kong ritual bago pumasok. Nag-aalay kasi ako ng dugo ng birheng baka sa altar ni Dakilang Juday every morning para kuminis ang malasutla kong kutis.
- Overtime. Kawawa naman ang musmos kong katawan kung uuwi pa ako pagkatapos ng matinding bugbugan sa trabaho. Ikamamatay ko yata ang less than 5 hours na tulog. Ayokong magmukhang tuyot at magmukhang nagahasa ng labintatlong elepante. Gusto ko pang humaba ang etits… este buhay ko.
- Traffic. Sa kasalukuyan, hindi pa tuluyang ayos ang skyway kaya malamang matinding pagdurusa ang dadanasin ko sa traffic ng South Luzon Expressway during rush hours. Ganun din sa Susana Heights. Instead na mukha akong sariwang bangus kapag papasok, baka magmukhang smoked fish pag dumating na ako sa office.
- Gastos. Bagamat sagana kami sa kayamanan, hindi naman yata makatarungan na gumastos ako sa pamasahe pero at the end the day ay wasted pa rin ako. Kaya mas mabuting gumastos na lang ako sa pag-rent ng room.
- Nightlife. Although, non-existent ang nightlife ko gusto ko pa rin namang magmukhang mahaba pa rin ang etits… este gabi ko. Marami pa rin akong gustong gawin kahit gabi na, gaya ng magliliwaliw sa mall, manood ng sine at paminsan-minsang social life. Saka paano na lang career ko sa pagsho-sholbam. Hindi naman yata pwedeng mag-sholbam ako during lunchbreak.
- Jebs. Paano na lang kung biglang sumpungin ang tiyan ko? O kaya atakihin ako ng LBM sa byahe? Kawawa naman ang kahihiyan ko – kung meron man – at lalong-lalo na ang mga pasahero ng aircon bus di ba? Hindi ko naman yata kayang magpakabayani at singhutin lahat ng baho ng kulob na tae ko sa byahe. More or less than 1 hour na pagdurusa yun para sa lahat kung sakali.
May nakita na rin naman akong mga room na pwede kong tuluyan. Kung papalarin nga, baka maging housemate pa kami ni Poyt. Pero kung wala, ano ba namang piliin ko ang isang humble life at mamuhay sa nomad lifestyle. Papayagan niyo naman siguro akong patuluyin sa mga tahanan niyo at makiligo sa banyo niyo di ba? Don’t worry, di ko lalagyan ng kaong ang mga tiles at sahig ng inyong banyo.
Medyo nakaka-stress nga ang paglilipat ng bahay. Ang pag-eempake, gastos at kung anu-ano pa. Nakakalungkot din kasi dahil marami kaming mami-miss sa iiwanan naming lugar. Masyado kasing puno ng pagmamahalan at prosperity ang lugar na lilipatan namin, hindi kagaya dito sa Pasay na puno ng kahalayan, kagaguhan at kaguluhan. Pero it’s for our own good naman kaya masaya na rin ako.
Punong-puno ng love and prosperity ang lilipatan namin
—————————
Nalungkot ako kasi nawalay na sa amin si Cilantro, yung isa sa aming herbal puppies. Ipinamigay na namin siya. Hindi naman talaga siya ang dapat na ipapamigay namin, kaso napilitan kaming siya ang ibigay kasi siya lang ang pinakamailap sa natitirang tatlong herbal puppies. Ang mas nakakalungkot pa dun, nu’ng last day niya sa amin at kasama namin siya nang pumunta kami sa bahay na lilipatan namin doon pa siya naging maamo at malambing sa amin. Nagtatae pa nga siya nu’ng araw na yun, kayo halos malusaw ang lungs ko sa sasakyan nung jumebs siya habang nasa byahe kami. Nakaka-miss tuloy siya.
Natutunaw talaga ang puso ko kapag nakikita ko ang picture nito ni Cilantro
Ang masakit pa dun, wala pa ring permanenteng tirahan si Cilantro dahil ang balita ko ay pinagpapasa-pasahan daw siya sa iba’t ibang amo. Sana ibalik na lang siya sa amin kung hindi lang din pala sila interesadong alagaan siya. Magagamot pa naman ang diarrhea niya eh.
Adverse Reactions:
Status
- GTA: Vice City made me love the song Tempted by the Fruit of Another.
- Happy 18th birthday @p0yt!!!
- @mspiggypop ang dali lang kaya. :P
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)








