Billycoy’s Birthday Blast 2008
Lumipas na naman ang aking birthday kaya heto ako ngayon, still young at 17… este 25. Silver age na para sa akin kaya pwede na akong pamuksa sa mga werewolf. Medyo disappointed lang kasi walang nag-prepare ng surprise party para sa akin. Kaya salamat sa lahat ng nakaalala na bumati sa akin sa araw na iyon. Bagama’t walang surprise party o anumang engrandeng celebration isa na yata ang birthday na ito ang di ko malilimutan.
May 16. Wala naman masyadong kakaiba sa araw ko, maliban sa sumisigaw at sobrang tingkad na kulay ng aking Gola shoes na green at yellow, nakakauhaw na kagwapuhan at syempre, ang mismong araw ng aking kapanganakan. Marami na rin akong natatanggap na greetings sa cellphone, online, offline at sa mga kaibigan at mga katrabaho, though nag-expect ako ng mala-showbiz na video greetings ay wala namang dumating. Pero siyempre, kapag binabati ka ng birthday asahan mo na ang susunod sa linya ng “Happy Birthday”.
“Pa-blowout naman dyan”
o kaya
“Pa-jerjer…
este
“Pa-cheeseburger ka naman!”
Maraming nangantyaw pero dahil matigas ako… este kupal ako… I mean, stubborn ako, hindi ko sila pinagbigyan, ilan lang ang pinagbigyan ko.
Like I said earlier, hindi ko makakalimutan ang birthday kong ito.
Lunchbreak. Nag-lunchout kami ng kaibigan ko. Mukhang maayos naman ang lahat dahil sa yellow at green kong sapatos at nabubusog naman kami sa Pizza and Pasta. Hanggang sa maya-maya ay unti-unting bumuhos ang ulan na sinamahan pa ng kulog at kidlat at kadramahan nila Echo at Heart Evangelista. Labis ko yung ikinabahala — yung ulan, hindi ang hiwalayang Heart-Echo — dahil mababasa ang aking yellow and green shoes. Pero sa pagkabahalang iyon, iba ang nangyari sa akin.
Habang nagmu-multitasking ang aking bunganga sa pagkain at pakikipag-usap, naramdaman ko ang isang katangi-tangi at napakatinding sakit. OH SYET, sobrang sakit! May pumasok sa aking biyak. Pumasok ang mani ni Charlie Chan sa aking biyak. Imagine yung sakit kapag may pumasok na mani sa biyak tapos unti-unti pang nababangga. Parang ibinabaon sa kasuluk-sulukan yung mani sa aking biyak. Grabe talaga. Halos maiyak nga ako sa tindi ng sakit, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko kasi bumubuhos din ang ulan, isipin pa ng marami na depressed ako. Kaya minabuti ko na lang na maging maputla at mukhang natatae kaysa mukhang wala ng pag-asang mabuhay pa.
Pinilit kong kapain ng aking dila yung mani. Naabot naman ng dila ko yung mani sa biyak, kaso nahihirapan siya makuha ito. Matindi ang kapit ng mani dun sa biyak kaya no choice na ako para gamitin ang isa ko pang option, ang aking daliri. Dali-dali akong nagpunta sa CR, humarap sa salamin at kinapa ko ang mani. Medyo mahirap siyang kapain kaya ipinasok ko na ng husto ang aking hintuturo at hinlalaki para maabot ng tuluyan ang mani sa biyak. Medyo natagalan ako at kailangan pang maglabas-masok ang aking mga fingers para makuha ko lang ang aking nais.
After a few minutes sa banyo, nakuha ko na rin ang nais ko. Lumabas rin siya sa wakas. Natanggal ko na ang mani! Natanggal ko na ang mani sa biyak ng aking ngipin. At may kasama pang nakapalibot na itim sa paligid — mga tartar siguro yun. Dusa talaga ang mani sa biyak na iyon, ang tinding pasakit. Kahit natanggal ko na nga yung mani at nakapag-toothbrush na ako, may panaka-naka pa rin akong sakit na nararamdaman. Kaya di pwedeng makalimutan ko ang kaarawan kong iyon.
So far, hindi rin naman ako na-wet at hindi rin nabasa ng ulan ang aking Gola shoes pagkatapos ng lunch namin sa Yellow Cab.
Tandaan parati, brush your teeth regularly and visit your dentist annually para hindi magkaroon ng biyak ang ngipin at pasukan pa ito ng mani.
Pero tandaan din, may mga biyak din na naturally ay may mani kaya huwag itong tatanggalin!!!
—————
Muli, lubos akong nagpapasalamat sa mga bumati at nakaalala sa akin. Sa mga nakalimot dyan, mag-ipon na kayo para sa regalo niyo next year bilang parusa sa pagkalimot ng aking kaarawan.
Close Encounter of the Third Kind… AGAIN
Naaalala niyo pa ba yung diwatang bading ng Luneta? Well, parang naulit na naman ang ganitong pagkakataon sa akin. At this time, really close na talaga at muntikan pa akong ma-devirginize!?
Nitong kamakailan, habang binabaybay ko ang Greenbelt… G-R-E-E-N-B-E-L-T… may lalaking ewan ang tumapik sa aking balikat. Nagtatanong siya sa akin ng direction. English-speaking pa ang mokong kaya naman kinausap ko siya at para ma-practice ko rin ang napag-aralan ko sa speech class ko 4 years ago.
“Do you know the way to EDSA?” tanong ng stranger na sumulpot bigla sa likuran ko with matching usok at the background at sound effects na POOF.
“Yeah, you’ll turn right… blah, blah, blah” sagot ko naman. Ang gago naintindihan ang salita kong blah blah blah, may lahi rin yatang alien itong taong unknown na ito.
“Are you going the same way too? Can I walk with you instead?”
At dahil pinapalinis ko pa ang isang turnilyo ng chopper ko pumayag ako na samahan siya. “Oh sure!” sagot ko. Di ba napaka-nice at napaka-accomodating ko?
“You’re so nice and very accomodating. I like you.”
Sabi sa inyo mabait at accomodating ako.
Tapos yun, while on the way nagkukuwentuhan kami. From Canada raw siya, engineer, anak ng Pinay at nandito lang siya sa ‘Pinas para mag-masteral sa La Salle. Currently residing daw siya sa MIA at mag-isa siya dun. Tinanong niya rin kung saan ako nakatira kaya sinagot ko naman. Pero siyempre di ko naman ibinigay ang full address ko. Mukha naman siyang mabait at harmless, kasi paulit-ulit niya sa aking sinasabing friendly ako at “nice” nga raw kaya inisip ko ngang mabait siya. Madali lang naman kasi akong maniwala sa mga compliments.
Pagdating sa may bandang SM Makati, malapit na sa sakayan ng bus nag-suggest siya.
“I’m taking the MIA bus, I think we should take the same bus. You’re going the same way too, right?”
REGAL SHOCKERS. I smell something fishy. Paglingon ko sa tabi, biglang nagkaroon ng palengke ng isda sa Ayala. Kinutuban na ako. Alam kong may kakaiba sa mga suggestion ng unknown guy na ito. At dahil ngang likas pa rin akong “nice” at “accomodating”, nag-agree pa rin akong sumabay sa kanya. Baka kasi makalibre ako ng pamasahe.
Heto na ang exciting part na kina-aabangan niyo, sa loob ng bus.
Humanap ako ng pwesto na maaliwalas, kung saan may green fields at rainbow sa paligid para medyo makaiwas ako sa naka-ambang panganib mula sa stranger na kasama ko. Sa two-seater una kaming pumuwesto, pero di siya kumportable dun. Kaya lumipat kami sa may three-seater. Medyo maluwag pa ang bus nu’ng sumakay kami kaya sina-suggest niyang lumipat kami sa likod ng bus. My guhulay talaga, makulit siya. Ako ang bida kaya syempre di na ako pumayag. Tapos nagsipasukan na ang mga pasahero sa bus at dahil swerte ako ng gabing iyon, may tumabing butanding sa tabi ko. Syet talaga, naipit pa ako kasama nitong unknown guy na ito.
Tapos heto na, nagsimula na siya. Pinuna niya ang aking mga daliri ko. Napansin niyang maninipis ito at hinimas-himas niya ang mga ito. He liked it daw kasi kakaiba ito. Tapos sinubukan niya pa akong bigyan ng palm reading na wala naman siyang nabanggit na forecast man lang. Minsan na nga lang akong hulaan wala pa siyang nabigay na-forecast. Heto pa, pinipilit niya pa akong pumunta ako sa bahay niya that night.
“You can get drunk and sleep there.” ang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin.
Syet talaga. Gusto ko ng buhatin ang butanding sa tabi ko at ihagis sa kanya. Pagkatapos niya ba namang himasin ang mga kamay ko na wala naman siyang nabigay na hula, yayayain niya pa ako sa kanyang bahay.
Heto na ang matindi, sabi niya PT rin daw siya. Nagugulumihanan na talaga ako sa pagkatao nitong desperadang bading ng Makati. Tapos, malalaman daw na healthy ang tao sa kanyang mga calves. Kaya naman yumuko siya para kapain ang aking mga binti. Akala ko naman, kakapain niya lang. Nagulat na lang ako nang itinaas niya ang laylayan ng jeans ko at saka niya hinawakan ang calves ko. Oh syet, iba na talaga ito. Pinipilit niya pa rin akong pumunta ako sa kanila that night, pero talagang todo decline ako sa offer niya. Ayoko pang ma-devirginize that night. Hindi pa ako ready. At lalo, hindi dapat sa kanya!!!
Hindi niya ako napilit, kaya naman bumaba na ako sa dapat kong babaan. Kaya naman nu’ng umalis na ako sa kinauupuan ko sinabi ko sa kanya “I’ll catch you sometime!” Regal shockers! Ano ba ang pinagsasabi ko? Ayoko na siyang makita ulit. Ang gusto ko talagang sabihin sa kanya sa pag-alis ko, “Kainin ka sana ng butanding sa tabi ko (Translation: I hope the whale shark beside me will devour you, shatter your organs into thousand pieces and be defecated that worms and flies will feast on).”
Bumaba na ako sa bus ng mabilis at tinaniman ng C4 ang bus para siguradong di ko na siya makita ulit.
Ewan ko ba, kung bakit sa lahat-lahat ng na-se-seduce ko ng aking katakam-takam na kaguwapuhan ay ang mga ganitong tipo pa ang naaakit ko. Ok lang kung mga ordinaryong bading, bakit ba naman kasi yung mga inmates ko pa sa Makati Med Asylum na may sayad ang kailang maakit ko? Malakas yata talaga ang attraction ko sa mga baliw.
Kasalanan itong lahat ni Gabby Concepcion.
Kung kayo ang nasa ganung sitwasyon, ano ang gagawin niyo?
Ako, sa susunod na mangyayari yun, magpapabayad na ako. Wala silang dapat problemahin, nag-i-issue naman ako ng resibo at warranty.
Adverse Reactions:
Status
- Moaning and singing in the shower room should be punishable by law. Creepy sh*t!
- “@autocorrects: Not all cute guys have girlfriends, most of them have boyfriends…” LMAO
- RT @boyposts: Real friends don't get offended when you insult them. They smile and call you something even more offensive.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






