GOODBYE. PAALAM. SALAMAT.
Mag-aapat na rin pala akong nagba-blog. Ang bilis ng panahon. Sa pagdaan ng mga panahon ng aking pagba-blog, maraming mga nangyari; maraming naganap. At sa mga panahong iyon, dumami ang aking network, nagkaroon ng maraming kaibigan at nakapunta sa iba’t ibang mga piging. Bagamat masaya ako sa pamamahagi ng aking mga kaalaman at mga kakaibang karanasan, kailangan ko na ang magpaalam.
Nakakapagod na rin kasi. Hindi ko na rin kaya, kaya bibitawan ko na itong pagsusulat. Kailangang mag-set na rin ako ng priorities ko at mag-concentrate dito. Career, family at kung anu-ano pa. Sila ang dapat kung unahin. Naniniwala naman akong mauunawaan niyo iyon.
Isa pa, napapansin ko rin namang wala talagang nagbabasa sa blog ko. Nawawala na ang mga dating nagbabasa dito, ganun din ang mga nagco-comments. Humihina na nga rin ang hits ng aking domain. Kaya kung sakali mang mawala ako siguradong wala ring makakapuna. Hindi rin naman ako malaking kawalan sa buhay niyo, di ba? Sino ba naman ako para mabigyan ng atensyon?
Kaya salamat sa lahat ng mga nagbabasa at tumangkilik sa pagbabasa ng aking blog sa loob ng maigsing panahon. Maraming salamat sa mga kaibigang nakilala ko at sumuporta sa akin. Maraming salamat sa mga matatamis na ngiti, mga malulutong na halakhak at masasayang panahon na nakasama ko kayo. Salamat sa mga maligayang usapan pati na rin sa pag-alala sa mga mahahalagang araw ng aking buhay. Salamat sa maraming bagay at ibabaon ko sa aking mga alaala.
Muli, paalam at salamat sa inyong lahat.
Heto po si Billycoy Dacuycuy, signing off.
JOKE JOKE JOKE!!!
I Repent!
Patawarin niyo ako…
Kung lagi akong late pumasok sa trabaho. Hindi ko naman sinasadya na masakyan ang mga jeep na mahilig maghintay ng pasahero sa mga kanto. Pasensyahan niyo na rin ang alarm clock kong abnormal na kadalasang hindi tumutunog sa umaga.
Patawarin niyo ako…
Kung madalas ang aking pag-jebs at i-declare pa sa buong mundo. Hindi ko naman kasalanan kung sensitibo sa lamig ang bituka ko. Naghuhugas naman ako ng puwet at kamay ko, safeguard pa nga gamit ko habang kinakanta ko pa ang “Happy Birthday” song twice. Saka kapag umuutot naman ako, sinisinghot konaman lahat para hindi niyo na maamoy.
Patawarin niyo ako…
Kung hindi ko pa natitikman ang Baconator. Kahit yung McDo Double Quarter Pounder. Masyado na kasi siyang makasalanan para sa akin. Hindi ko yata kasi kayang i-burn ang 830 calories at 1880 mg ng sodium. Kung bubudburan siguro nila ng gamot pampapababa ng blood pressure baka tikman ko pa yan.
Patawarin niyo ako…
Kung mahalay ako. Pasensyahan niyo po ang aking hormones parati kasi silang raging. Hindi ko sinasadya na parating sabik lalo’t sa panahong malamig, gusto lang kasing magningas ng aking t… torch. Though, wala naman talagang pinipiling season ng aking fertility. Unawain niyo na lang ang pagiging repressed ko.
Patawarin niyo ako…
Sa kagwapuhan ko. It’s not my fault, it’s in the genes. Hindi ko naman kasalanan kung noong nagsabog ng aesthetic wonders at kapal ng mukha ay kasama akong nakasalo nun at marami-rami pa ang nakuha ko. Sinamahan pa ng katakam-takam at kalasap-lasap kong katawan.
Sana mapatawad niyo na ako, alang-alang lamang sa paggaling ko mula sa sipon. Para rin ito sa kapakanan ng nakararami, baka kasi masinghot ko pa ang buong mundo.
Adverse Reactions:
Status
- Happy 18th birthday @p0yt!!!
- @mspiggypop ang dali lang kaya. :P
- @mspiggypop wordpress is good. :D
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)








