post Category: Now You Know — Billycoy @ 10:33 pm — post Comments (4)

Maraming gustong umagaw ng pwesto ko sa kagwapuhan at ginagawa lahat ng paraan para magmukhang gwapo. Pero ang totoo nyan, para-paraan lang naman para maging gwapo… na hindi lang sa mga mata ng magulang.

 

  • Posture. Alam na nating lahat yan. Iba talaga ang dating kapag maganda ang tindig at porma. Kesehodang naligo pa sa poso negro at na-marinade pa sa sariling pawis basta nasa postura pa rin, hot pa rin yan sa paningin ng iba. Pero hindi porke’t sinabing postura ay bawal ng huminga.
  • Cars. Malakas din ang appeal ng mga lalaking may sariling kotse, lalo na kung gwapo rin ang kotse. Pero mag-ingat lang sa mga luxury cars lalo na kung black. Baka kasi magmukhang driver ng sinasakyan. Kaya kung mapera naman at may magarang Chrysler, kumuha na rin ng driver.
  • Sensitive side. Pogi points din sa mga chicks ang pagkakaroon nito. Kaya nitong tunawin ang puso ng isang babae kapag ipinapakitang nangingilid ang luha sa isang nakakalungkot na sitwasyon. Ok lang na lumuha, pero wag lang ngumawa kapag nakitang nahihirapan si Rainbow Brite o may namatay sa Carebears.
  • Angas. Dapat may konting angas at konting yabang din. Appealing din kasi ang pagiging bad boy paminsan-minsan. Lalo na kung adventurous din ang babae sa kama at medyo masokista. Pero kung wala na sa kama, wag ng magpakaangas. Baka ma-gabriella ka pa.
  • Abs. Pogi points din kapag nakikita ng babae na pinapangalagaan ang katawan. Mas dama kasi nilang secure sila sa lalaking mamasel-masel at kayang humabol sa mga snatcher. Basta wag lang mas mahalin ng labis ang sariling abs dahil hindi mo naman mapapakasalan yan.

Hindi niyo na kailangang guluhin pa ang buhok niyo para maging kamukha si Robert Pattinson o mag-sing and dance number para lumevel kay Zac Efron para matawag na gwapo. Nadadaan din naman yan sa taste at kapag nagustuhan din naman ng iba ang taste mo, pwede ng simulan ang magtikiman.

Pero kahit anong gwapo niyo, mas gwapo pa rin naman ako ng di hamak sa inyo.

post Category: Basura Blogs — Billycoy @ 12:48 pm — post Comments (2)

Oh-em-gee! June na. Tapos na naman ang summer at hindi ko man lang napansin. Simula kasi nu’ng nagtrabaho ako, wala ng pinagkaiba ang summer sa ordinary days. Mas mainit nga lang.

Paano ko rin ba mapapansin ang summer? Hindi ko rin naman naranasang magbakasyon. Pinagpala nga ang summer months ng sandamakmak na long weekends ni PGMA, hindi ko man lang nagamit ito. Yung Holy Week vacation, hindi naman ako pwedeng magpakasarap dahil ayun ang mga panahon na naglilipat kami sa San Pedro.

Hindi ko rin na-utilize ang ibang long weekends ko for some valid reasons. Kapag weekends nga mas madalas lang ako sa aming tahanan sa San Pedro dahil nakakatamad lumuwas—I hate that term—papuntang Metro Manila. Kahit nga sa mga inuman, mas madalas akong nag-decline dahil sa mga conflicting scheds.

2 years ago pa ang last vacation ko. Pagkatapos ng pic na yan, ibinalot ako ng barkada ko sa loob ng duyan na yan. I love my friends.

Dalawang magkasunod na taon na akong di nakakaranas ng outing. Kaya naman tigang na tigang na akong makatikim ng buhangin at maalat na tubig. Kahit hindi muna ako makatikim ng sex this year, wala na akong pakialam. Kaya kong magtiis ng libog para lang makatikim ako ng seryoso at relaxing na bakasyon. Kahit pa sa Pansol lang yan kakagatin ko na.

Kapag nangyari yan, malamang magkaroon pa ng engrandeng dance number sa beach (o pool) sa orgasmic na kaligayahan ko.

—————–

Isa sa malaking suliranin ng ating bayan ngayon ay hindi ang magulong takbo ng mga resulta sa eleksyon o ang pagkawala ni Willie Revillame; kundi ang pagkakaroon ng magandang buhok. Madali na lang ang pagkakaroon ng magandang buhok ngayon dahil hindi na kailangan pang ipa-prayover kay Bro. Mike,  mag-alay ng birheng bayawak o lumapit pa sa mga experts. Dahil ngayon, inilagay na ang mga hair experts sa mga bote ng Sunsilk Co-Creations para sa lalong ikakaganda ng buhok niyo.

Note: Hindi pala kasya ang mga hair experts sa bote ng Sunsilk Co-Creations pero partners sila sa paggawa ng mga variants nito

post Category: Eyspeysyal Post — Billycoy @ 10:32 am — post Comments (8)

Nitong nagdaang May 16, nagdiwang ako ng aking ika-27 kaarawan. Oo, 27 na ako. Pero nasa isip ko talaga 28 na ako, ang weird ‘no? But I’m still 18 years old by heart… and always will be.

Hindi man ako nakatanggap ng isang tumatambling na surprise party at nag-uumapaw na regalo, nakatanggap naman ako ng sandamakmak na greetings. Kaya lubus-lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati, babati at nagbati.

Mababaw lang naman kasi kaligayahan ko, kahit simpleng Happy Birthday at wala ng quotations masaya na ako. Kahit wala ng magazine o regalong matatanggap maligaya na ako… pero siyempre mas masaya kung meron pa rin. Na-overwhelm nga ako sa mga bumati sa akin sa facebook, text, plurk at twitter. Feeling ko nga artista ako, kulang na lang siguro makatanggap ako ng video greeting.

Muli, maraming salamat at naalala niyo ako kahit di na kayo nagco-comment sa blog ko.

Bagamat tapos na birthday ko, patuloy pa rin naman akong tumatanggap ng regalo all-year round; in cash or in kind.

Ang wishlist ko na sana matanggap ko sa mga plurk friends ko.

Himasin… este i-click na lang para lumaki. Or pumunta na lang sa page na ‘to.