Jackpot
Ang laki na ng jackpot sa lotto. Kaya naman ang pila sa mga lotto outlets daig pa ang takilya ng sinehan at pila sa banyo ng babae. Sino ba naman kasi ang hindi mae-engganyo sa jackpot na mahigit kalahating bilyong piso? Pero wag na kayong mag-atubili at pahirapan pa ang mga sarili niyo sa pagpila dahil sigurado naman na ako ang makakakuha ng jackpot.
At kapag nakuha ko na ang jackpot magagawa ko na ang lahat ng gusto ko.
Mang-api ng tao. Pangarap ko kasing maging kontrabida. Pero di yung mga bigotilyong hacienderong kontrabida ha. Alam niyo yung mga nagbubuhos ng red wine sa mukha, nanghahambalos ng labada, nananampal ng maleta ng pera at may nakakatakot na tawa? Ganun ang pangarap ko simula noong semilya pa lang ako.
Magkaroon ng alipin. Dahil gusto kong mang-api, dapat meron din akong mga alipin. Gusto ko yung may mga susunod sa mga utos ko. Gusto ko rin yung may iba-ibang klase ng alipin ang meron ako. May sex slave na tutuparin lahat ng kalibugan ko, talking slave para meron akong kadaldalan, inggiterong slave para may maiinggit ako kapag namimili ako ng kung anu-ano.
Maging druglord. Ayokong maging stagnant lang aking pera sa bangko. Dapat nga dumoble pa ito para naman may kayamanan pa ring maiiwan sa mga kaapu-apuhan ko. Magandang solusyon ang droga dahil kahit maliit lang ang puhunan malaki naman ang kickback.
Pataubin ang mga business tycoons. Hindi pwedeng sila lang ang kilalang mayaman sa Pilipinas, dapat ako rin. Magpapatayo ako ng mga malls sa bawat subdivision sa Pilipinas para malampasan ko ang legacy ni Henry Sy.
Magpapagawa ako ng autobiography book ko. Gaya ng mga sikat na mga mayayaman, dapat magkaroon ako ng aking sariling libro. Kailangang maikalat sa buong mundo ang lahat ng kabantutang at mga kahihiyang mga pinaggagawa ko.
Ipapaligpit ko ang mga nang-aapi sa akin. No, hindi ko sila ipapapoksa sa mga assassin slave ko. Masyadong madali ang kamatayan para sa kanila. Ipapaligpit ko silang lahat sa loob ng isang balikbayan box at doon ko sila hahayaang magdusa.
Kaya mga kaibigan at mga minamahal kong mambabasa, hangarin niyo na manalo na ako ng jackpot sa lotto para sa ikabubuti ng marami.
Anong gagawin niyo kapag kayo ang nanalo ng jackpot sa grand lotto (na hindi nga mangyayari dahil ako nga ang makakakuha ng jackpot)?
Turn Around Bright Eyes
Ang taong tumatanggi sa grasya, lumalabo ang mata. - taong makapal ang mukha
Recently, nalaman kong malabo na pala ang aking mga mata. Hindi naman ganun kalala na di ko na nakikita ang 1 cm na layo sa aking mga mata. Kaya ko pang manood ng porn at magbasa ng smut magazines na di pa nagsusuot ng salamin. In fact, ginagawa ko nga itong blog ko na walang suot na salamin. Yup, nearsighted (myope) ako na may 75 na grado sa magkabilaang mata. Kaya ngayon natupad na ang pangarap kong magkaroon ng salamin—oo, pinangarap ko yun—na di rin pala ganun kasaya.
Napapanahon na para pangalagaan natin ang ating paningin lalo sa ngayong napapanahon ang mga computers.
- Dilaw. Ugaliin ang pagkain ng kalabasa and the likes na mataas sa Vitamin A. Okay, orange ang carrots, pero counted pa rin yun. Mayaman din sa beta carotene ang carrots kaya pwedeng magbigay sa inyo ng natural orange tan glow. Iwasan lang ang mga naninilaw na mga galing Saudi. Hindi sila nagtataglay ng Vitamin A, ginto lang ang dala nila.

- Protection. Kapag nasa arawan, ugaliin ang pagsuot ng sunglasses. Di lang nito poprotektahan ang mata laban sa UV rays, magmumukha pa kayong artistahin.
- Illumination. Hangga’t maaari, magbasa at gumawa sa mga maliliwanag na lugar. Ang mga mata natin hindi katulad sa mga kuwago kaya huwag pahirapan ang sarili.
- Zoom. Gamitin ang zoom function ng computer at mga player lalo na kung gustong makita ng up-close and personal ang genitalia ng mga paboritong pornstars. Hindi nga lang ‘to gagana sa most japanese porn movies na pixelated sa mga private parts.
- Wear it. Kung may salamin na, isuot ito at huwag matigas ang ulo. Pwedeng mag-contact lens kung ayaw magsalamin. Ang taong malabo ang mata na di nagsasalamin, may tae sa puwet.
- Check up. Magpa-check up sa optometrist at least once in two years o kung napupunang unti-unting nanlalabo ang paningin. Kung nagdidilim ang paningin naman, daanin lang sa deep breathing, pero kung di makahinga… condolence na lang.
- Tanggapin ang grasya. Kagaya ng intro ko, ang tumatanggi sa grasya, lumalabo ang mata.
Dahil nakalimot ako sa mga alituntuning yan, kailangan ko na tuloy magsalamin. Doon ko lang na-realize na HD na pala ang mundo ngayon, akala ko kasi VCD quality pa rin. Pero kung kagaya ko na pangarap ang magsuot ng prescription glasses, magpakagago lang para lumabo ang mata. Cool ang magsalamin, pero di cool ang lumabo ang mata.
Pero ako, aminadong di naman ako cool, kasi HOT naman talaga ako.
Let’s Make Them Wet
Ang tubig, nakaka-wet.
Pero alam niyo ba na may parte ng mundo kung saan may mga taong minsan lang makaranas ng wetness. Minsan lang makatikim ng katas ng langit ang kanilang mga tigang na lupa. Kung madampian man ang kanilang dila, wala pang katiyakan kung ligtas ito sa kanila. Kaya naman pati mga alaga nila ay nangunguluntoy at natutuyot na. Kaya kung kayo’y nawe-wet ngayon at natatalsikan sa mga hita, nararapat lamang na magpasalamat pa tayo.
Malamang, madalas kayong ma-wet sa mga CR, kusina, laundry at kung saan-saan man. Pero kadalasan nakakaligtaan natin na higit pa sa pangangailangan ang mga nagagamit natin. Minsan nga hinahayaan lang natin ‘tong umapaw kapag nasa banyo tayo. Minsan pa nga higit pa ang ipinandidilig natin. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan nating mag-control.
Maulit lang, tubig ang pinag-uusapan natin. Baka kasi tumakbo na naman ang iba niyong pag-iisip.
Kahit sa maliit na paraan natin, malaking bagay na rin ito para sa ikabubuti ng mundo. It may not move mountains, but at least we tried. Kung hindi natin sisimulan sa sarili ang pagtitipid ng tubig, balang araw, wala na tayong matitikman na malinis na tubig.
At isa pa, with less water, we’ll have more wrinkles.
Adverse Reactions:
Status
- PLDT, bakit wala kaming telepono at internet ngayon? I'm now having internet withdrawal symptom.
- @anton_moral how about flesh?
- It was a tough call. But yeah, what the f*ck was I thinking? LOL
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






