I IZ 27
Nitong nagdaang May 16, nagdiwang ako ng aking ika-27 kaarawan. Oo, 27 na ako. Pero nasa isip ko talaga 28 na ako, ang weird ‘no? But I’m still 18 years old by heart… and always will be.
Hindi man ako nakatanggap ng isang tumatambling na surprise party at nag-uumapaw na regalo, nakatanggap naman ako ng sandamakmak na greetings. Kaya lubus-lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati, babati at nagbati.
Mababaw lang naman kasi kaligayahan ko, kahit simpleng Happy Birthday at wala ng quotations masaya na ako. Kahit wala ng magazine o regalong matatanggap maligaya na ako… pero siyempre mas masaya kung meron pa rin. Na-overwhelm nga ako sa mga bumati sa akin sa facebook, text, plurk at twitter. Feeling ko nga artista ako, kulang na lang siguro makatanggap ako ng video greeting.
Muli, maraming salamat at naalala niyo ako kahit di na kayo nagco-comment sa blog ko.
Bagamat tapos na birthday ko, patuloy pa rin naman akong tumatanggap ng regalo all-year round; in cash or in kind.
Ang wishlist ko na sana matanggap ko sa mga plurk friends ko.
Himasin… este i-click na lang para lumaki. Or pumunta na lang sa page na ‘to.
Dear Universe, Hear My 2010 Goals
Dahil uso ang pag-set ng goals for 2010, nakigaya naman ako.
No, hindi ito New Year’s Resolution, because I believe pwedeng gawin ang pagbabago sa mismong araw na naisip ito at hindi na kailangang ipagpabukas pa o hintayin pa ang new year. I thank you, bow. Mabuti rin daw kasing itala ang goals natin ayon sa The Secret para ma-inspire tayo na matupad yun at mapakinggan ng universe. Sana lahat ng galaxies, stars, supernova, at mga planeta binabasa ito ngayon para maisakatuparan ko ang goals ko for this year.
- Mapanood ang Avatar sa IMAX. Sa 2D cinema ko pa lang napapanood ang Avatar. At dahil sa holiday season at lintek na MMFF ay di ko yun nagawa dahil sa soldout ito parati. Kaya dapat matupad ito kagad kahit sa 3D cinema na lang.
- Magbakasyon sa Japan o Korea. Ewan ko kung paano ako makakapunta doon dahil wala pa naman akong passport at visa. Bahala na si Batman… rather, bahala na ang universe kung paano niya gagawin yun. Ok fine, kung hindi man lang abrowd, kahit domestic man lang. As long na nakasakay ako ng efflane. Sumasakit ang buttocks ko sa bus, pwede ba?!

- Matutong mag-drive. Marunong naman akong mag-drive, kaskasero pa nga ako at mahusay din akong mag-drift… sa computer. Kung hindi rin lang pwedeng ma-control ang kotse gamit ng keyboard at mouse, well then, kailangan kong matutong magdrive this year.
- Maging endorser/model sa tatlong TV ad. Ewan ko kung bakit specifically tatlo, pero yun ang numbers na gusto ko. Kung mas marami, mas mabuti, mas uulan ng pera sa akin. Gagawin ko itong stepping stone para maka-penetrate na ako sa porn industry showbiz. Sana may talent scouts/managers din na nagbabasa nito ngayon. Magaling akong umarte, pramis.
- I-mastur… ang photography. Bukod sa masturbation, gusto kong paghusayan pa ang aking photography skills. Ipinagkait kasi noong college sa akin ang magkaroon ng camera kaya ngayon ko lang mai-apply ang mga natutunan ko noon. Malay niyo kapag natutunan ko na ito, mag-post na ako ng mga nude at sexy pictorials dito. As of the moment, check niyo muna flickr ko.
- I-update ang mga blogs ko ng mas madalas. Gawa ng gawa ng blogs tapos hindi rin lang naman maa-update? Sana lang pahintulutan ako ng universe na magkaroon ng time dito at matigil na ako sa procrastination. If this happens, babawasan ko na siguro ang panonood ng porno.
- Magkaroon pa ng abs. Stuck na yata ang tyan ko sa limang abs (apat + dalawang 1/2 abs) at underdeveloped pa. Ang awkward kaya. Kailangang ma-achieve ko ang 8-pack abs this year.
Gusto ko rin with plastic wrap para hindi maalikabukan ang abs ko.
- Gawin ang isang super secret stuff. Super secret nga kaya di ko sasabihin, gagawin ko na lang.
Magkaroon ng sexlife.Aba?! Magiging 27 years old na ako this year at virgin pa rin ako. Kailangan ko na yata talagang makapagpulo’t gata. Tigang na tigang na ako dito at nakakasawa na rin minsan na palad ko lang ang gumagawa ng paraan para maibsan temporarily ang libog ko.Focus pa rin ako sa career at sa pagpapalago ng aking kayamanan.
Universe, basahin mo naman ito. At kung nagbabasa ka man, show me a sign, mag-comment ka please!
Adverse Reactions:
Status
- Catching up on my TV series.
- @JohnLloyUmali medyo malayo na yun kasi nakabitin eh.
- @rochellesychua we can always make our own fruit shakes. controlled pa natin ang ingredients. ;)
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)








