• 27Apr

    Siguro naman damang-dama niyo na ang pinaghalong init ng summer at ng global warming. Bukod sa pag-iinit ng laman niyo sa akin at pag-iinit ng ulo tuwing binabanggit ko yun. Ganun talaga pag summer, lahat umiinit… lalo na ako!

    Syempre kapag summer, bukod sa mainit na panahon, may isa pa ang uso. Ang mangitim. Though, maraming Pinoy pa rin ang ayaw mangitim pero di pa rin mawawala yun dahil uso ang swimming at bitching… este beaching. Kaya ang hindi maitim ngayong summer… ay OUT. Tatak ng pagbabakasyon ang pangingitim ng balat. Kaya kapag may sunburn, nakapagbakasyon. Syempre kapag nakapagbakasyon na, marami ang maiinggit. Pag maraming naiinggit, magkakaroon ng patayan. Kapag may patayan, mababawasan ang population ng bansa. Hindi na overpopulated ang bansa, wohoo!

    Nitong nakaraang holy week nitong Marso ay nagbakasyon kami. Kaya hayun, naging golden brown ang aking kutis. Para akong piniritong manok, hindi nga lang crispylicious, pero yummylicious naman. Originally, moreno na ako at tila halos wala na nga yatang mapagsusuotan ang UV rays sa aking balat, ay akalain mong mangingitim pa rin pala ako. Naging three times darker talaga ako after that vacation.

    THREE TIMES DARKER, THREE TIMES MORE HANDSOME.

    So paano ba maging maitim kahit hindi magpunta sa beach o mag-swimming?

    • Meron na ngayong mga tanning salon, whether spray tanning or yung UV lamp tanning nagagawa na. May kamahalan nga lang pero kung afford ang magwaldas ng pera sige lang. Hindi naman ako ang gagastos. Trivia: Nagpa-spray ng 24K gold tan noon ang divang si Mariah Carey. Kaya naman kung kaibigan niyo siya, i-sanla siya sa malapit na pawnshop para magkapera.
    • Sa tanghaling tapat, umakyat sa bubong, hubarin ang kasuotan, humilata, tabihan ang mga mangamoy-ngamoy na jebs ng mga pusa at mag-sunbathing. Instead na tanning lotion ang gamitin, gumamit na lang ng barbecue sauce para kung sakaling makatulog at makaligtaang nasa ilalim pala  ng matinding sikat ng araw, may barbecue na ang mga kapitbahay pagdating ng hapon.
    • Pumunta sa EDSA at tapatan ang tambutso ng mga smoke belching na bus. Walla! Maitim na at in an instant may chance na kagad magkaroon ng lung cancer.
    • Kumuha ng uling o grasa at ipahid sa buong pangangatawan. Samahan na rin ng dreadlocks na buhok at ng gula-gulanit na damit at maglakad sa kalsada para ipagmalaki ang maitim na balat. Pwede na ring samahan ng plastic caps para kapag nagpahinga sa isang waiting shed o sa tabi-tabi, may chance pang mabigyan ng pera.
    • Kumuha ng posporo o lighter at sindihan ang damit.

    Iyan lang naman ang ibang paraan para mangitim this summer. Well, sinabi ko namang ITIM hindi naman TAN di ba?

    Tags: , ,